Aida Point Of View
Today is the day that the Lord has given me another minus point from heaven, alas sais pa lang ng umaga naka-handa na ako para gumawa na naman ng kasalanan, maliban sa buhok kung hindi ko pa nasusuklayan at naka-gapos pa rin sa tuwalya wala ng saysay pa para mangumpisal ako sa harap ng santong nililinisan ngayon ni papa.
Mamaya pang ten am ang press-conference, kaya naman ay pupunta na muna ako kina aleng Erna. Speaking of Ernalyn nandito na ako sa bahay nila. Hihiramin ko kasi ang motor nung anak niyang pogi, hindi basta-bastang pogi Engineer yarn, hindi 'yan yung pogi lang na makikita mo sa kanto.
Buti na lang pumayag si kuya Roger, sabi niya paki-kamusta na lamang daw sa ate ko. Tsk, as if namang papansin siya nun hindi yun mahilig sa lalaki at allergic sa lalaki yun. Eh pwede namang ako na lang--charot! Okay na sana si kuya Roger kaso ayaw ko manugangin si aleng Erna.
“Iha, nga pala nais mo bang subukan itong lipstick na ito?”
Ika sa akin ni aleng Ernalyn, napa-tingin ako sa lipstick niya. Ay taray anong meron sa gold? Hahaha grabe talaga ‘tong numero unong Marites ng kalye namin may gold lipstick ang lola niyo.
“Yayaman po ba ako kapag ginamit ko ito hahaha!”
“Puro ka biro ija, matagal na rin nung huli kitang nakitang nag-ayos, sayo na.”Napakamot ako sa noo ko, maraming lipstick sa bahay. Para ngang factory ng lipstick ang bahay namin dahil sa iba’t ibang klase ng lipstick ni mama at ate. Pwede namang kumuha na lamang ako pero kakaiba talaga itong kay aleng Erna para bang yayaman ako kapagginamit ko ito.
“Huwag mo sanang masamain sasabihin ko ija, pero kahit hindi ka mag-ayos maganda ka pa rin naman. Pero mas gaganda ka kapag nag-ayos ka.”
Anong kailangan nito sa akin? Tindi ng pambubula niya ah? Gusto niya bang maging manugang ate ko?
“Alam mo ija parang concern aleng Ernalyn mo lang ito ha, oras na para maghanap ng nobyo, sa lahat ng dalaga dito ikaw pa lang ang hindi ko nakikitaan na pumasok sa relasyon.”
Baka nakalimutan niyang single rin anak niya kakahintay sa ate ko? You know what, alam ko na kung saan pa-tungo tong usapan na ‘to.
“Maraming salamat sa lipstick aleng Erna babu mauna na po ako sa inyo.”
Para tapos ang usapan kinuha ko ang lipstick ni Aleng Erna at nag-lagay na rin, in fairness bagay na bagay sa akin akalain mong red na red akala ko gold rin ang kinalabasan hahaha.
“Bye Aleng Ernalyn! Salamat sa lipstick!”
Tinanggal ko na rin ang tuwalya sa noo buhok ko nang simula kong paandarin ang motor. Sampong ka-bahay lang naman ang pagitan nito sa bahay namin, pero sa pinaka gilid at dulong bahagi convenience store ko namin ito pi-nark para hindi makita ni mama.
Pumasok na ako sa convenience store, may nakita akong customer pag-silip ko sa cashier area wala namang tao kaya pala kanina ko pa napapansin na panay silip itong matangkad at matipunong lalaki na may suot na itim na cap.
“Ma! May costumer!”
Lumapit ako sa kanya nang wala akong marinig na sagot mula sa aking ina at tinanong siya kung bibili ba siya, ang kaso nung simulang lingunin niya ako nanlaki ang singkit niyang mata. Dali-dali tuloy akong tumingin sa salamin baka nagging clown ako sa lipstick ni Aleng Memma ngunit ng tignan ko ang sarili kong reflection sa salamin okay naman ako, mas lalo ngang gumanda. Angat bangko yarn?
“Pasensya na sir, ughm let me help you with that.”
Muli ko siyang nilingon, ganoon pa rin ang tingin niya sa akin. Sinuri ko siyang mabuti, ngayon ko lang na pansin na foreigner pala ang lalaking ito. Chinise? Japanese? Cantonese? Taiwanese? Vietnamese? Korean? Pero hindi eh sa tingin may lahi siyang american na may singkit na mata.
BINABASA MO ANG
The Paparazzi And His Target
HumorMeet Aida Madrigal, jobless at eighteen pressured by her mom to find a job, not until she entered the world of the paparazzi agency, at dahil sa desperado siya kumita ng pera, pinasok niya ang mundo ng mga paparazzi without knowing the disaster she...