Aida’s Point of View
Buong gabi lang akong tulog, kinabukasan may naisip akong magandang plano, sa dami ng magandang naisip ko mukhang marami akong magagawan ng scandal at isa na si Kim Woe Ben. Hindi ko inaasahan na gumagana pala ang utak ko kapag depressed, lalo na kapag-gipit.
Maaga akong umalis ng bahay, hindi pa rin kami bati ng mama ko, bahala siya sa buhay niya, hindi ko na sana damdamin ang pamimintang niya pero kasi tinotoo niya yung confiscate-confiscate at pati motor ko kinunfiscate niya.
Buti na lang hindi niya na nakuha sa kamay ko itong cellphone at camera ko. Umalis ako ng hindi nag-papaalam sa kaniya maliban sa ate ko.
Nandito nga pala ako sa bahay nila Sunshine, nandito ako para hiramin sa kanya ang uniform ng kapatid niya at para mag pa makeover na rin. Nagtataka nga ito kung para saan ko raw gagamitin, sabi ko naman sasali ako sa audition sa PBB.
Bago niya binigay sa akin ang mga kailangan ko tinawanan niya pa ako ng sampong minuto at nagpa-ganda na rin ako, dahil gagamitin ko ang mukha ko ngayon para sa mission ko.
“Miss, na saan ang school ID mo?”
“Magandang araw po manong transferee student po ako…”Ika doon sa guard na mukhang masungit, nga pala nandito ako sa dati kong paaralan sa high school. Dito ko kasi sisimulan ang pangunahing hanap buhay ko. Dito kasi gaganapin ang fun signing chuechue visit ni Calvin, isang sikat na actor dito sa pinas.
Napag-pasyahan ko kasi na bago ako pumasok sa kompanya ni Do Meng kailangan may mai-bigay ako sa kanyang tatlong fresh scoop. Kailangan na kailangan ko lang ng pera, saka na kami magtutuos ni Kim Woe Ben, kung nasaan man siya ngayon.
Balita ko may another press-conference ito at kailangan ako ang unang maka-punta bago pa ako maunahan ni Magenta. Pero sa ngayon kailangan ko muna ng pera agad, para naman mag magagamit ako sa lakad ko no. Wala akong pera at hindi ko na aasahan na bigyan pa ako ni mama.
“Ah ikaw ba ‘yong transferee student na inaasahan ni Miss Domael? Grade seven student o grade eight?”
Grade seven? Sa ganda kong ‘to grade seven?
“Ah o-oo po hehehe ako po ‘yong grade seven.”
“Sige-sige pasok…”
Mabuti na lang kahit saan nakikibagay ‘tong height ko.
“Pasensya na akala ko kasi fan ka lang ni sir Calvin na nais pumasok.”
“Naku ma-swerte nga po ako dahil nagkataon na meron pong fan-sign ngayon hehehe maraming salamat po.”Mukhang na convince ko naman si manong. Buti na lang may dalawa raw siyang transferee student na hinihintay.
“Ija-este Miss hehehe excuse me, saan ba magaganap ang fan meeting ni Calvin?”
Nanlaki ang mata nung babae at ngumiti naman sa akin ng humarap ito.
“Idol po ba kayo?”
Tanong niya na kina-maang ko.
“Naku hindi transferee student ako, ughm narinig ko kasi na may magaganap na fan sign Idol ko kasi si Calvin.”
“Sa gymnasium, pero balita ko dadaan siya mamaya sa likod ng basketball court-- Miss!”Dahil sa narinig ko agad akong pumaharorot sa likuran ng basketball.
Pagdating ko hindi lamang ako naroroon, maraming estudyante ang nag-aabang dito.“Excuse me Miss transferee ka?”
Lumingon ako sa lalaking na sa aking likuran. Ngumiti ako at saka-tumango.
“Ako nga pala si Angelo,”
“Ako naman si Ai-- si Ai Ai Delas-Papayas…”Kamuntikan na ako ‘don ah.
BINABASA MO ANG
The Paparazzi And His Target
HumorMeet Aida Madrigal, jobless at eighteen pressured by her mom to find a job, not until she entered the world of the paparazzi agency, at dahil sa desperado siya kumita ng pera, pinasok niya ang mundo ng mga paparazzi without knowing the disaster she...