CHAPTER 07

8 5 0
                                    

Aida Point Of View

"Ha.ha.ha you wan’t some piece of breed with strawberry jam?”

He shook his head and brought his face closer to me. Ang bango niya--

“Hanggang kailan mo balak mag-kunwaring hindi ako kilala?”

( 0_0 ) hindi talaga ako nanaginip kanina…

“Kailan ka pa natotong mag-tagalog?”

“Since childhood, I really prepared for this day. I've been keeping an eye on you for three years, but it turns out I can only find you here."

( 0_0 ) masiyado naman itong nag-effort gusto niya talaga akong pag-bayarin sa mga kasalanan ko sa kanya, pero past is pass na naman di ba matagal na ‘yon huhuhu.

“Sorry na hindi ko na uulitin, patawarin mo na ako.”

“Tsk.”

“Pero di nga marunong ka mag-tagalog? Malaking sco-- gusto mo ng one scope of ice cream marami kami sa ref.”

Sh*t Aida bunganga mo pigilan mo!

“Nope, instead I'll start collecting your debt.”

Bakas talaga sa mukha niya na seryoso siya. TT___TT huhuhu…Sino ba namang hindi magagalit, natagpuan niya na ang criminal na matagal niya nang hinahanap.

“A-anong gagawin mo…”

Bigla itong tumayo kinabahan ako ng tumingin ito kina mama na masayang nag-uusap kasama ang ibang bisita.

“Please, don’t tell them.”

Tumayo ako at hinawakan ang kamay niya ng mahigpit, tumingin ito sa akin at sa kamay kong naka-hawak sa kamay niya. Agad ko namang binitawan ito at humingi ng sorry, pinag-kiskis ang mga palad ko at paulit-ulit na binabanggit ang salitang patawad.

“Pag-usapan natin ito huwag dito ayoko marinig ng mga magulang ko please, please nagmamakaawa ako sa’yo. Siguro naman get’s mo ‘yong sinabi ko diba s-sa baba tara na doon tayo mag-usap--”

So ayon nga kinaladkad niya na ako sa baba, hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin pero huminto kami sa likod ng mga snacks, hindi naman kami pwedeng lumabas dahil malamang maraming maka-kilala sa kaniya.

"Sige na kasalanan ko na, masama ako, pero pag-usapan nate'n to."

Marahas na tinulak niya ako, nandito kami sa gilid ng cashier area, hinihilot-hilot nito ang sintido niya at mukhang anytime handa niya akong sigawan.

“So ano nang mangyayari sa akin?”

Lakas loob kong tanong at hindi man lang mabawasan ang kabang nararamdaman ko simula ng dumating siya kanina. Pa-roroon at paroon rin naman ang kahahantungan ng usaping ito mas mabuting mamadaliin ko na kaysa magtagal kami. Isang segundo lang na mag-kita kami para na akong mahihimatay.

“Gusto mong malaman?”

( 0__0 )

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nung marinig ko ang malalim at seryosong boses ni Kim Woe Ben. Umiwas ako ng tingin at yumuko, alam ko na ang mangyayari sa akin, kung hindi niya ako susuntukin ngayon makukulong ako at hahatulan ng habang buhay na pagka-kulong--

“Hindi mo alam kung ilang taon kitang hinanap.”

Ilang taon na rin akong nag-tatago, binura ko nga social media account ko. Para wala siyang mahagilap kung sakaling dumating sa kaniya ang larawan ko, pero ang hindi ko talaga ay kung bakit bilis niya akong mamukhaan, eh ako nga kahit ilang beses nang pabalik-balik ang mga customers namin hindi ko pa rin mamukhaan at kilala kahit suki ko na at nakikita ko sa mukha niya na seryosong-seryoso talagang galit na galit siya na para bang kahapon lang nangyari at sariwang-sariwa pa sa kaniya ang lahat.

The Paparazzi And His Target Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon