Chapter 16: Endearment
Aida’s POV
Every k-drama princess movie a prince charming that would save them.
Nandito ako mag-isa sa loob ng kwarto ko limang araw na ang lumipas matapos ‘yung awkward kissing scene, namin ni Gab. Lumalabas lamang ako ng kwarto para ipag-luto siya ng gusto niyang pag-kain, pagkatapos babalik na ako sa kwarto para pagdusuhan ang kasalanang ginawa naming dalawa. Actually 30 k-dramas and episodes na ang napanood ko para lang iwasan si Gab halata namang hindi kami okay. Hindi pa kami nakakapag-usap ni Gab tungkol do’n sa nangyari at sa tingin ko ayaw niya rin namang pag-usapan ang tungkol do’n. O baka nga limot niya nang may nangyari sa amin.
“Hanggang sana all na lamang ako sa inyo, sana sa real life my handang iligtas rin ako sa bingit ng kalungkutan.”
Bumaba ako sa kama at lumapit sa salamin. Hindi naman ako korean material, siguro ang layo na merong magkakagusto sa akin dito sa Korea, siguro sa japan ma-binta ‘tong ganda ko, may grupo nga ng japanese student napadpad sa convenience store na at hiningi ang number ko. Sabi nila ang ganda ko raw, cute hehehe…
“Uwooo…”
“Uwooo…”
“Uwooo…”
Ang gandang ‘to ay dapat hindi tinatago, kita naman ang cute na ‘yan ang cute cute cute…
“Ichi, Ni, San arigatou…”
Omg gumawa kaya ako ng tiktok account? Eh kaso wala akong cellphone…
*knock-knock*
Hindi paman nakakatatlong anak ng tumalon ako sa kama at kinuha ang malaking t-shirt at agaran itong isinuot bago ko buksan ang pintuan. Binuksan ko ang pinto as expected si Gab ang kumatok, sino pa bang iba siya lang naman kasama ko sa bahay niya at ang bantugan niyang leon na mahilig sa cereals.
“Bakit? Kailangan ka? Hindi mo nagustuhan ang agahan mo?”
Naka-busangot ang mukha nito at may inabot sa akin agaran ko namang tinanggap.
“Teka para saan ‘to--”
“Starting today sasama ka na sa akin at ikaw na lahat ang mag o-organize ng meeting and other schedule ko.”
“Ha? Teka bakit kailangan ako--”
“Use this at huwag na huwag kang mag-dadag na kahit anong numero.”
Hindi siya sumagot may-ibinigay sa akin na putting box at Files.
“Ano bang kailangan kong gawin bakit kailangan na--okay fine nice talking.”
Umalis na naman siya ng hindi man lang sinasagot ang tanong ko. Muli kong binuksan ang files na binigay niya, mukhang simula bukas magiging busy na kaming dalawa at kailangan ko rin ihanda ang sarili ko dahil may korean language ako na kailangan ko pag-aralan. Kinuha ko white box sa gilid ng mesa at binuksan ito, cellphone ang laman at color pink, bakit ba ang hilig niya sa pink hindi naman ako mahilig sa pink.
***
Kinabukasan…
Buong gabi ko pinag-handaan ang gagawin ko ngayon umaga.
Kahapon tinawagan ang secretary ni Gab, remember Felicia?
Ang bestfriend ng mama ko at secretary sa lahat ng negosyo ni Gab.
Dahil hindi naman maka-usap ng maayos si Gab sa secretary na lamang niya ako nag-tanong tungkol sa mga bagay na gagawin ko at mga bagay na kailangan ko pag-handaan. Mabuti na lamang at nai-paliwanag niya sa akin ang mga importanteng bagay na dapat ko unahin at ng hindi ako ma-lito.
Isa pa naman sa kahinaan ko ang time management…
Maaga rin ako gumising at nag-handa ng agahan, matapos kong makapag-handa umakyat ako sa taas para mag-bihis para tapos na ako kumain hihintayin ko na lamang lumabas si Gab para ibigay sa kanya ang unang schedule niya ngayong umaga.
“Anong nginingiti-ngiti mo diyan?”
Nagulat sa biglaang pag-sulpot ni Gabrielle sa likuran ko, unti-unti akong humarap at ganoon na lamang ang yanig ng imahinasyon ko.
“N-nandiyan ka na pala kumain ka pinag-handa kita ng--abs…este agahan!”
Kamuntikan na ako don ah.
Pakiramdam ko para akong naparalisa nung makita ang hindi dapat makita ng inosente kong mga mata, hindi dahil kasama niyang bumaba si Lily kaya ako natigilan ang rason kasi, kitang kita ko ang topless na katawan ni Gab. Hindi ko alam kung inaakit niya ba ako sa paraan ng pahubad-hubad niya, pero kaso ang witty niya kung tumingin.
“Sabayan mo ‘ko--”
“Hindi na tapos na rin naman ako kumain.”
“Sigurado ka?”
“Ah oo naman boss-- ako na ang bahala kay Lily sige na kumain ka, nag-handa ako ng paborito mong agahan.”
Sa sobrang tense ng nararamdaman ko hinila ko na ang buhok ni Lily at sinabi sa kaniya na ako na lamang ang mag-papakain sa alaga niya. Agaran akong tumalikod at bumaba hindi ko na mabilang kung pang-ilang beses na akong lumunok akala ko talaga buto’t balat ang katawan niya pero ang hunk pala ng asawa ko-- what I mean is ang hunk nung Leon. Siguro fruit and veggies ang paborito nitong agahan. LOL!
“Kumain ka na Lily huwag mo na akong pahirapan.”
Ika ko sabay yakap ng mahigpit sa walang kamuwang-muwang na Leon. Na mangha naman ako ng kumain ito ng inihanda kong cereals and milk, sayang naman kung ipapakain ko sa kanya ang mga karne sa loob ng ref marami pang magagawa ‘don, wala naman ‘tong ibang gingawa kung di ang kumain at matulog at manakot na rin. Bigla akong na tawa sa sariling naiisip, sa sobrang tense ko kanina hindi na ako natakot kay Lily.
“Pasensya na kung hinila ko ang buhok mo naiilang kasi ako sa amo kanina. Masiyadong hot, nakakasilaw hehehe huwag mong sabihin sa kaniya secret lang na’ten ito okay?”
Ika ko habang kinakausap si Lily habang kumakain.
“Anong schedule ko ngayon?”
Napaigtad ako ng marinig ko ang boses ni Gab sa likuran ko. Pinakalma ko muna ang dibdib ko sa kinuha ang schedule planner sa ibabang bar counter.
“Meeting with the prime minister 09:00 am dapat 08:00 nandoon na tayo para sa magaganap na pres con.”
“And you dandled it in just one night?”
“Don’t worry everything is organized, all you have to do stop worrying and trust me just this once. Wala naman akong gagawin na ikakapahamak ng apelyedo mo na dinadala ko na ngayon, asawa mo na ako at slash personal alalay at hindi kita ipapahamak basta ba swelduhan mo lang ako fare and square.”
Sinundan ko papasok sa dining area, nakita ko na mukhang hindi man lang niya na-galaw ang inihanda ko.
“Bakit hindi ka pa kumakain? 06:00 am na boss at 2 hours pa ang biyahe natin maka-abot lang sa destinasyon natin mamaya at hindi ka pa handa.”
May mali ba sa niluto ko? Hindi ba masarap niluto ko? Eh hindi ba’t gusto niyang kumain ng korean food?
“I wan’t adobo.”
Ha!?
“Wala na tayong oras.”
“Then cancel the first schedule, ipag-luto mo ako ng adobo.”
Literal na nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
“Seryoso ka ba meeting with the prime minister ipapa-cancel mo dahil gusto mo lang kumain ng adobo?”
He glanced at me, and I think he’s serious bout what he said.
“Pwede naman kitang ipag-luto mamaya hindi mo ‘to pwedeng baliwalain.”
Anak ng ika-cancel niya ang trabaho niya kasama si Hero para lang ipag-luto siya ng adobo?
“They needed me so they should wait and I want adobo, now.”
Ngunit hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa secretary ng prime-minister alangan naman sabihin ko na Kim Woe Ben wants to cancel this meeting because he priorities to eat adobo. Sa ginagawa niya mas lalo niyang sinisiraan ang ma-bango niyang pangalan, kahit na hindi na siya artista ambassador pa rin siya kaya duty niya bilang ambasador na humarap sa prime minister anong akala niya sa sarili niya anak ng diyos?
“Maraming nag-hihintay sa’yo Gab you should take your responsibility, ikaw na nga nag-sabi they needed you so you should come and face them. Huwag mong idadahilan ang adobo, maari ko namang lutuin ‘yon mamaya.”
“H-hey what are you doing dumb girl?”
Gaya ng ginawa ko kay Lily hinila ko rin si Gab at ng makarating kami sa kwarto niya binuksan ko ito at tinulak,
“Maghanda ka na hihintayin kita. Please tale this serious as I take this job seriously.”
Ika at ko at bumaba na, nag-hintay ako sa sala matapos ko inayos ang lahat ng pagkain hindi naman niya kinain iinitin ko na lang mamaya sayang naman kasi. Nai-labas ko na rin si Lily, doon ko siya iniligay sa kulungan niya nag-hintay na lamang ako ng ilang minuto pa kay Gab bago lumabas.
“How do I look?”
Inirapan ko ito, lahat na maayos sa kanya maliban na lang sa kurbata, psh wala ba siyang salamin sa loob ng kwarto niya para hindi niya makitang tabingi ang kurbata at magulo pa rin ang buhok niya? Inarapan ko siya at lumapit sa kanya, inayos ko ang kurbata niya at talagang kinailangan ko pang mag-tip toe dahil ang tangkad niya, mabuti na lang yumuko siya at hindi na ako pinahirapan pa.
“Oh ayan Boss, presentable ka ng tignan.”
Ika ko habang inayos ng kunti ang buhok niya. Nagtataka ako ng bigla itong sumimangot.
“Bakit ano na naman bang ginawa ko?”
“Huwag mo akong tawaging boss.”
Psh, iyon lang ba ikinapuputok ng butsi neto? Ang babaw ah.
“Fine ano bang gusto mong itawag ko sa’yo? Pangalan mo lang? Woe Ben? Gabrielle?”
“Wala ka talagang ka sweet sweet sa katawan no? Tabi, umalis na tayo.”
Anak ng, ano bang ikinagagalit niya? Hindi maipinta ang mukha ng sundan ko siya sa kotse niya. Hanggang sa makarating kami sa destinasyon namin hindi niya pa rin ako pinapansin o ayaw niya talaga akong pansinin. Nagpaiwan ako sa tent, dito kasi lahat ng stuff na hindi naman pwedeng pumasok sa building nila. OP nga ako dahil lahat ng mga stuff dito hindi marunong mag-salita ng english at kung meron hindi ako pinapansin.
Lumabas mo na ako sandali para aliwin ang sarili ko, at may nakita ako dalawang tao kalalabas lang ng kotse nung lalaki at nagmamadaling tumakbo papunta sa loob ng building. Bigla namang lumabas ‘yong kasamang babae niya sa kotse at tinatawag siyang yeobo, katulad ko may hawak rin itong schedule pad hindi kaya isa rin siyang secretary tapos boss niya ang tinatawag niya kanina? What if ito ang nais ni Gab na itawag ko sa kanya? Yeobo, gusto niyang tawagin ko siyang boss pero sa salitang korean.
Bakit hindi ko naisip ‘yon kanina?
“Yah! Aida! Sinabi ko naman sa’yo na huwag kang aalis sa loob ‘di ba?”
Tapos na pala ang press con nila ang aga niya namang lumabas. Wait ito na pala ang pagkakataon ko para sabihin sa kaniya ang nalaman ko ehehehe…
“Boss, alam ko na kung ano ang itatawag ko sa’yo.”
“Ano na next schedule?”
Psh, sigurado ba siyang ayaw niya marinig ang sasabihin ko? Di bale na tatawagin ko na lang siyang yeobo.
“Okay yeobo hehehe ang next schedule mo ay--”
“Pffft…hahahaha!”
Nawala ang inis sa mukha niya at napalitan ito ng tawa.
“Mali ba ‘yong sinabi ko? Yeobo?”
“Pffft…hahahaha!”
Ano ba kasing nakakatawa!?
“Kung ayaw mo sige palitan ko na lang madali lang naman ako kausap.”
Tama naman ang pagkakarinig ko don sa sinabi nung babae sa boss niya kanina. Pero hindi ako sure kung anong meaning nun. Eh mukha namang secretary si ate kanina at matanda na rin ang sinabihan niya ng yeobo ibig sabihin boss niya ‘yung lalaki--omg pwede rin tatay o lolo, kaya pala pinagtatawanan ako ni Gab dahil tinawag ko siyang lolo o papa.
“Sinabi ko bang palitan mo?”
“Pero parang mali naman ata ‘yong sinabi ko palitan ko na lang ma re-research ako mamaya nakalimutan ko kasi dalhin ‘yung cellphone na bagong bili mo.”
“Ehem! Huwag ka na mag research, okay na ako sa yeobo ehem, pero tatawagin mo lang ako ng yeobo kapag tayong dalawa lang at kapag kasama natin mga magulang natin okay? Boss naman kapag kasama natin ang ibang tao, naiintindihan mo ba?”
Ang gulo niya kausap.
“Okay.”
“Anong okay?”
English iyon hindi niya maintindihan?
“Okay means gets ko na, ayos okay may temporary amnesia ka ba?”
“Tsk, ang ibig kong sabihin na saan na ang pag-galang “don sa amo mo?”
Ah, gusto niya lang ba na tawagin ko siyang boss? Tsk, maliit na bagay ginagawang komplikado.
“Sorry yeobo, tara na mukhang pagod na pagod ka ah.”
Napapansin ko lang napapadalas na ang pag-ngiti ni Gab, katulad nito naka-ngiti siya sa tuwing tinatawag ko siyang boss. Pero ginaganahan rin ako na makita siyang naka-ngiti mas lalo siyang guma-gwapo. Masasabi ko namang perfect job ako sa araw na ito dahil sa apat na magkakasunod na schedule good mood si Gab. Nang umuwi kami sa bahay niya inaya niya akong mag-movie marathon pero dahil hindi naman ako mahilig sa movie marathon sinabi ko sa kaniya na gusto ko mamasyal sa village at kumuha ng mga larawan dahil ipapadala ko kina mama dahil miss na miss ko na sila sobra.
***
BINABASA MO ANG
The Paparazzi And His Target
HumorMeet Aida Madrigal, jobless at eighteen pressured by her mom to find a job, not until she entered the world of the paparazzi agency, at dahil sa desperado siya kumita ng pera, pinasok niya ang mundo ng mga paparazzi without knowing the disaster she...