The next day...
Aida's Point of View
*yawn*
Late na ako sa napag-usapan naming oras ni Gab, 03:00 am na rin kasi ako na tulog. Nai-enjoy ko kasi ang pag-iinsayo 'don sa script ni Gab, para kasi akong nag-babasa ng kuwento ni Sherlock Holmes detective in action ha yah! hihihi, 10 pages lang naman ang nais niya ipasaulo sa akin kagabi, pero nai-enjoy ko naman kahit papaano.
Matapos kasi ng mahalagang lakad niya kahapon kinagabihan pinag-usapan namin ang mga mahalagang bagay na dapat ko gagawin at matapos niya ako turuan ng mga linya ko hindi ko maiwasan na ma-excite. Puring-puri talaga ako sa husay at galing niya gumawa ng script, para kasing totoo.
Aliw na aliw nga ako kagabi habang sina-saulo ang bawat linya, pakiramdam ko tuloy para akong secret agent slash actor mamaya. Isang Kim Woe Ben ba naman ang nag-turo sa akin um-acting kaya magaling rin ang estudyante niya at isa pa fast learner kaya ako. Dali-dali ko ng kinuha ang mga gamit ko at inilagay ito ng maayos sa ma-lapad na lagayan ng laptop kasama na rin ang laptop ko.
Inaantok pa ako pero hindi pa rin mawawala ang excitement na nararamdaman ko sa mission na ito, at kasama ko siyang a-acting mamaya. By the way 'yung sinabi kong kasama siyang mag-papanggap hindi ko alam ang gagawin niya, sinabi niya na lang sa akin na siya na raw ang bahala basta sundin ko ang lahat ng na sa script.
Hindi pa nangyayari alam niya na ang mangyayari. Galing no? Parang hawak niya ang takbo ng mangyayari...
*knock*
*knock*( 0_0 ) Shems!
Oo nga pala, kanina pa nag-hihintay si Gab sa baba yari ako baka si Gab na ata 'yung kumakatok, 30 minutes late na pala ako at nagawa ko pang dumaldal habang kanina pa siya sumisigaw sa baba.
"Talaga 'tong dila ko masiyadong matabil."
*knock* *knock*
"Oo nandiyan, lalabas na boss sandali lang--"
Pa-labas na sana ako ng biglang bumukas ang pintuan.
0_____0
"B-boss hi hehehe morning, nandiyan ka na pala tara na naka handa na--"
Salubong ang kilay nito at sa tingin ko handa na siyang manapak ng tao at dahil ako lang naman ang kasama niya sa tingin ako 'yung masasapak lalo na sa bunganga kong walang tigil.
"Anong oras na?"
"Bakit mo sa akin tinatanong ikaw 'tong may relo."
"You're 20 minutes late!"
"Alam ko kahit hindi ako tumingin sa cellphone ko, kanina ka pa kasi sumisigaw sa baba dinaig mo pa si ma--"
"Shut up! Isang simpleng time management lang hindi mo magawa? Anong klaseng babae ka?"
Woah? Maka-sigaw naman 'to parang ilang dekada pinag-antay at anong kinalaman ng pagiging babae ko sa pagiging late ko? Sakto lang naman ang oras ah? Actually gani-ganitong oras rin ako usually umaalis ng bahay.
"Pasensya na alas tres na kasi ako nakatulog, dahil sa binigay mong--"
"At ano 'yang ayos mo?"
Umikot-ikot pa ako habang naka-ngiti.
"See... ganda ko no?"
Pero 'yong reaksyon na nakikita ko ngayon mukhang taliwas sa inaasahan ko.
"Sinabi ko bang mag-ayos ka?"
"Hindi ba't sinabi mong mukha na akong 40 years old dahil ang weird ko manamit?"
Nagulat ako ng bigla itong lumapit sa maleta ko at nag-halungkat ng mga damit ko, "Gab sandali mga gamit 'ko 'yan baka ano pang makuha mo diyan--"
BINABASA MO ANG
The Paparazzi And His Target
HumorMeet Aida Madrigal, jobless at eighteen pressured by her mom to find a job, not until she entered the world of the paparazzi agency, at dahil sa desperado siya kumita ng pera, pinasok niya ang mundo ng mga paparazzi without knowing the disaster she...