#4 Year's Later...
Aida's Point Of View
"Bestfriend kanina pa tayo nandito sino ba kasi hinihintay mo akala ko ba mag sho-shopping tayo ang sakit na ng panga ko kaka-smile, ah! Kainis ka hindi naman ako siguro kinukunan mo ng larawan ."
Shine pouted.
"Sandali na lang 'to best basta galingan mo lang ang pagpapa-cute mo diyan, ah."
"Bakit ba kasi ang tagal nakaka-ngalay na bestfriend!"
"Hinahanap ko kasi best angle mo, para maganda 'yong pang-instagram mo mamaya sige na smile ka na ulit."
"Fine, gusto ko sa side na 'to dapat litaw ang highlight contour ko..."Napa-buntong hininga na lamang ako habang nagmu-multitasking. Hindi ko naman talaga kinukunan ng larawan ang kaibigan ko, iba 'yung pinupunterya ko. Isang sikat na personahe sa pinas main target ng camera ko at kailangan ko hanapan ng butas.
Dalawang araw ko na itong sinusundan pero lintik lang hindi ako makalapit-lapit dahil parating may naka-buntot na body guards, ngayon na naka-hanap na ako ng pagkakataon, wala siyang kawala sa akin ngayon.
"Bestfriend! Ako ba talaga ang kinukunan mo o si Jollibee?!"
"Mas maganda ka kasi ang angle na 'to kunwari stolen shot, sige sige 1-2-3..."
"Psh, si seobangnim Woe Ben ko lang dapat makakita nitong rare smile ko kainis ka, dapat alam mo 'yon!"Tsk, t*ng*na 'yang seobangnim niya tsk-tsk-tsk ginawang miserable ang buhay ko.
"Huwag sumimangot basta ngumiti ka lang."
"Ano ba kasi ginagawa mo? At bakit hawak mo na naman iyang camera mo instead of suklay!"Napangiti ako ng makita ko kung paano ka perpektong eksena ang makukunan ko ngayon.
"Huli ka balbon..."
*click*
He kissed someone,
*click*
and that someone is he and not a she...
*click*
Umayos ako ng pagkakaupo matapos ko ma satisfied sa nakuha kong larawan.
"Oh ayan ang ganda mo diyan."
Ika ko at pinakita ang picture ni Sunshine, sumilay naman ang tuwa sa kaniyang mga mata.
"Bestfriend ang luma na ng camera mo, bumili ka na kaya ng bago."
Luma lang naman ang panlabas nito pero kulang pa nga ang 500 thousand na inutang ko sa ate ko para lang buo ko ng mabayaran ang camera na sinasabi niyang luma. I sighed and turn back my attention to my bestfriend.
"Hmmm? May sinasabi ka?"
"Wala! Sinasabi ko lang bakit ang tagal dumating ni Jim. Bakit mo ba kasi inimbita ang chinise na 'yon."
Speaking of Jim anong nakain no'n at bigla na lang sumama sa amin? Ayaw na ayaw no'n sumama sa lakad kapag kasama ko itong si Sunshine. Sino si Jim? Kaibigan namin ni Sunshine, slash kaklase na rin.
"Hindi talaga ako sigurado kung ano nga ba ang totoong nationality nung lalaking 'yon pero kutob ko namang isa siyang chinise dahil mahilig siya kumain ng siomai, right? Tara na shopping na tayo? Huwag na nating hintayin si Jim hindi na darating 'yon."
"Shopping na naman andami mo nang damit, pero nag-kulang naman sa tela bumili ka nga ng disenting damit kaya na babastos 'eh. Tignan mo nga pinag-titinginan ka ng mga tao dahil sa damit mo."
"Dahil sa damit ko lang? Omg naman bestfriend forever, may naka-ligtaan ka atang banggitin?"
"Parang wala naman."Ika ko at sumipsip ng orange juice.
"Dahil sa ganda ko, kaya nila ako tinitignan look kamukhang-kamukha ko si Han So Hee."
"Sino na naman ba 'yang si Han So Hee na 'yan, ha."
"Omg, pati ba naman si So Hee hindi mo kilala unbelievable!"
"Sensya na hindi kasi ako fan."
"Alam mo ang oa mo, tsk mas maganda rin kong sa parlor tayo unang pupunta make-over kita! Para, pareho tayong maganda at para naman matuwa si tita."
"Iyan ang huwag na huwag mong gagawin!"
BINABASA MO ANG
The Paparazzi And His Target
HumorMeet Aida Madrigal, jobless at eighteen pressured by her mom to find a job, not until she entered the world of the paparazzi agency, at dahil sa desperado siya kumita ng pera, pinasok niya ang mundo ng mga paparazzi without knowing the disaster she...