CHAPTER 18

4 5 0
                                    

Aida’s Point of View

Natauhan ako nang itapat ni Hero ang mukha niya sa tapat ng mukha ko, pilit niyang sinisilip ang mukha ko at at naghahanap ng paraan para lang mag-tagpo ang tingin namin sa isa’t isa hanggang sa naisipan ko na lang pumikit. Omg bumabalik na naman sa akin ang ginawa kong kahihiyan nung unang beses kaming mag kita hindi pwede ‘to, bakit siya nandito bakit niya ‘to ginagawa nais niya ba akong mapahiya?

“Come on open your eyes and just look at me for bit seconds.”

Ilang minuto na akong naka-pikit ayoko ta talaga buksan mga mata ko dahil nahihiya ako. Naramdaman ko namang binitiwan ni Hero ang mga braso ko at naka-rinig rin ako ng tunog ng pag bukas sara ng pintuan kaya naisipan ko nang dumilat pero mali ata na ginawa ko iyon dahil nung nagkataon na dinilat ko na ang mata ko, mga mata naman ni Hero ang sumalubong sa mga mata ko.

“Remember me? It’s me, Tanjero Tadashi open your eyes now Airra Danielle...”

Para akong tanga sa ginagawa ko natulala kasi ako sa harap niya, hindi ko naman kasi inaasahan na makita siya muli. Alam ko si Hero itong na sa harap ko, imposibleng makalimutan ko ang lalaking sumagip ng buhay at dumi ko. Pero kasi-- bakit naman sobrang lapit ng mukha niya? Para na akong maduduling sa sobrang lapit ng mukha namin sa isa’t isa siguro kung may siraulong tutulak sa kaniya hindi malabong mahalikan niya ako, at isang maling galaw niya lang ay hindi malabong mahahalikan niya talaga ako.

“Oh you don’t know my real name don’t you? It’s me Hero remember the airport thing when you--”

“O-of course I remember y-you s-sir…”

‘Sabi na nga ba’t hindi niya malilimutan ang kabaliwan ko. Nakakahiya naalala niya pa!’

A-atras na sana ako ng bigla niya higitin kamay ko kamuntikan ko pang matumba dahil na walan ako ng balanse ng maapakan ko ang cup-noodles ko sa ilalim ng mesa sobrang init nga sa paa pero hindi na alintana ang init dahil mas nararamdaman ko ang nag-aapoy na init sa aking pisngi, hindi ko alam kung bakit biglang pumasok sa akin ang eksenang ito sa napapanood ko sa K-drama. Feeling ko talaga para kaming nag sho-shooting ng k-drama at may mga butterfly effects pa, naks naman ang lakas maka-k-drama ne’tong nararamdaman ko.

“Sir? Hahaha just call me Hero. You look so pale. You’re not sick, but your face is all red.”

( 0////0 ) ‘hinawakan niya pa ang pisngi ko…gosh!’

“Ah-ah I’m having an allergic reaction hihihi.”

Sinong hindi mabibigla, matutulala at ma-mula kung ganito naman ka gwapo, kinis, linis ang makikita ko ng harapan. Ni isang bahid ng tigyawat sa mukha wala akong nakikitang bakas sa mukha niya. Sana ganiyan rin ka kinis ang mukha ko. Pero kailangan ko lumayo baka may magawa na naman akong katangahan huhuhu ayoko na maulit ang nangyari noon mas mabuting lumayo ako sa kaniya sapat na makita ko siya ngayong araw. Napatikhim ako, kumalas na sa pagkakapit ne’to sa bewang ko at umatras ng apat na hakbang palayo sa kaniya.

“Aida? Are you alright? Is there something wrong?”

Tumalikod ako at kinurot ang pisngi ko, sinisigurado ko lang na hindi panaginip ang lahat.

“Ehem! Y-yes I’m fine-- still breathing--doing great-- e-excuse me.”

“Where you going?”

Agad kong ginala ang mga mata ko naghahanap ng excuse.com.ph pero wala na akong naisip na dahilan kung di ang itapon ‘tong mga basura ko at linisin ‘tong ginawa kong kalat. Pero gagawin ko pa lang sana ng lumapit ito sa natapon kong agahan at siya na mismo ang naglinis ne’to. Halos malaglag ang panga ko sa ginawa niya, mga bakla grabe wala akong masabi kung di WOW ang bait niya talaga omg ang swerte ni Ga In sa kaniya. Aish! Sana man lang nag-inform siya na darating siya, hindi ‘yung ganito. Ang haggard ko na nga sa first meeting namin pati ba naman ngayon bantot pa rin? Aish nakaka-loka!

The Paparazzi And His Target Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon