Aida Point Of View
***
02/24/23Kinabukasan...
"Goal for today! Oplan Tigil Kasal at Iwas Kulungan."
Una, kailangan hindi matuloy ang lakad namin ni Woe Ben ngayong araw, sa tingin ko madali lang naman bigyan ng solosyon ito kaya mag-papanggap ako na may sakit at hanggang sa maka-alis na siya ng Pinas at makalimutan niya na may kasalanan ako sa kanya.
Pangalawa, kailangan kong mag-isip ng idadahilan sa kaniya paniguradong iisipin niyang nagkukunwari lamang ako at may naiisip na akong magandang palusot, idadahilan ko ang sushie ni mama.
Pangatlo, kung pipilitin niya pa rin ang kasalanan--este kasalan na nais niya sasabihin ko sa kanya na mapipilitan akong gamitin ang alas ko gamit sa kanya. That-that he's Kim Woe Ben and not--Gabrielle? But anyways let's continue.Dahil paulit-ulit ko siyang sisirain hanggang titigilan niya ako at hindi niya ako makukulong dahil sisiguraduhin kong burado na ang katawan ko sa mundo bago paman niya ako maipakulong-- pero natatakot ako mamatay baka hindi ako pag-buksan sa langit dahil sa dami ng kasalanang nagawa ko. Huwag naman sana Lord…
“Aida okay na ba ang lagay mo? Bakit ka umiinom ng soft drinks akala ko masakit ang tiyan mo? At ang aga pa para uminom ng soft drinks.” Narinig ko ang boses ng ate sa likuran ko, kinuha ko ang mineral water sa gilid ng aking mesa at nag-kunwaring uminom ng gamot. “Kahapon pa ‘yan ate, akala ko kasi tubig ‘yong na-abot ko.” Ngumiti ito sa akin at inayos ang unan ko, umupo ito sa kama at hinaplos ang kamay ko.
"Mukhang malalim ang iniisip mo sa tingin ko iniisip mo ang mapapangasawa mo no? Excited ka na ba na maikasal sa kanya?”
Sa tingin pa lang ng ate ko masasabi kong kinikilig siya sa isang bagay na hindi naman makatutuhanan. Ilang kasinungalingan pa kaya ang ginawa ng lalaking iyon para lang mangyari ang binabalak niyang pagsira sa buhay ko? Pareho sila ni Do Meng, pera lang ang mahalaga hindi niya na iniisip na may inosente siyang tao na madadamay-- wait bakit parang familiar sa akin ang lahat ng sinabi ko?
“A-ano ba ate naririnig mo ba sarili mo? Hindi ka na ba bata, para kiligin at hindi totoo na ikakasal ako sa lalaking 'yon, ikaw type mo ba si Kim Woe--este si Gabrielle? Bakit hindi na lang ikaw ang mag-pakasal sa kanya for sure type ka no’n, maganda ka at matalino--at isa pa walang nakakakilig sa sinabi niya no, nakakatakot meron pa. Sinungaling ‘yon. Huwag kang mag-papaniwala sa lalaking 'yon ate.”
Magpahanggang ngayon kinikilabutan pa rin ako sa tuwing maalala ko ang sinabi ng mokong kagabi. Hindi ko na maalala ang sumunod na nangyari, dahil nawalan ako ng malay.“Ganoon ba? Mukhang matindi nga ang nangyaring tampuhan ninyong dalawa. Pero huwag kang mag-aalala bumabawi naman si Gabrielle at sa tingin ko handa siyang gawin ang lahat mapatawad mo lang, at kung ako sayo bigyan mo siya ng chance. Hindi ko man alam ang buong detalye ng pag-iibigan niyo pero bilang ate mo sana makinig ka sa aking payo. Bigyan mo siya ng chance, he really deserve it.”
Anong pinagsasabi niyang tampuhan? Impossible namang mag-tampuhan kami ng lalaking ‘yun, puot meron iyon sa akin dahil sa ginawa ko. Teka sandali ano kayang pinagsasabi ng lalaking iyon sa mga magulang ko at lalo na kay ate bakit ganito na lamang siya ka weird maki-tungo sa akin.
“Ate wala ka na bang ibang sasabihin? Mag-papahinga na ako.”
“Okay, sasabihin ko na lamang na sa magiging asawa mo na dumiritso na sa kwarto mo baka sakaling gumaan ang pakiramdam mo.”
( 0_0 ) Diyos meyo marimar…
“Ate lumabas ka na nga!”
“Dalaginding na ang bunso namin hehehe…”
Shocks!
“Ate lumabas ka na nga!”
“Hito na hito na, sige na mag-pahinga ka na...”
Talagang mag-papahinga ako habang buhay…
"Gosh lakas ng trip ng babaeng ‘yun ah!"
Tsk. Lagot ka sa ‘kin mamaya Woe Babe--este Ben….***
Dalawang oras na ang lumipas simula ng lumabas si ate, at oras na iyon tinapos ko na ang report at automatic upload naman ito sa any social media app. Nga pala papasok ako ngayon sa kompanya ni Do Meng at pano ko naman gagawin iyon samantalang nandito ako sa kwarto at bantay sarado sa labas?
BINABASA MO ANG
The Paparazzi And His Target
HumorMeet Aida Madrigal, jobless at eighteen pressured by her mom to find a job, not until she entered the world of the paparazzi agency, at dahil sa desperado siya kumita ng pera, pinasok niya ang mundo ng mga paparazzi without knowing the disaster she...