Aida Point Of View
"The present and past tenses are generally formed as a single word, example I do, I did, we write, we wrote…”
Kamot sa noo habang pinagmamasdan ko ang ate ko sa trabaho niya. License teacher siya at nag-tuturo sa isang private school, sa tuwing wala namang pasok isa siyang online teacher and mostly foreigner ang mga estudyante na nais matuto ng wikang ingles at naasar ako dahil dito niya talaga napiling mag-turo sa kwarto ko, palibhasa ang kalat ng kwarto niya ni aso namin hindi gugustuhin pumasok.
Bumaba na lamang ako sa convenience store para tulungan si mama, saktong kararating lang ni papa. Sinalubong ko ito ng mahigpit na yakap, pero siyempre dahil anak ako ng dating kung fu master kinarati niya ako.
*cough*cough*
H-huwag k-kayong mag-aalala sanay na ako araw-araw na may normal na ito para sa akin.
“Hala! Anak!”
Nagmamadali namang lumapit sa akin si papa at natatarantang tinulungan akong tumayo.
“Pa, patayin niyo na lang kaya ako?”
“Pasensya na anak akala ko kasi si aleng Memma, natakot ako…”
“Anong klaseng explanation ‘yun? Huwag na pa ako na kaya ko ng tumayo.”Hindi ko alam kung dapat ko bang paniwalaan o masaktan na lang o mananahimik na lang. Mas masakit pa kasi yung sinabi niya sa akin kaysa ‘don sa ginawa niyang pag sipa.
“Hindi na ako magugulat kung sa susunod na sipa mo hi sa hospital na ‘yan gigising.”
Ika ni mama at nag-patuloy lang sa pag-a arrange ng mga can drinks. Tumulong na rin ako kahit pa-ika ika akong maglakad.
“At ikaw naman Aida kailan ka ba mag t-take ng board exam?”
Ayan na naman si Mrs. Pressure cooker.
“Huwag mong sabihin sa akin na hanggang mag-tanda ka palamunin pa rin kita?”
“Ma sabihin mo na lang na gusto mo na akong sipain sa bahay.”
“Huwag kang mag-aalala doon rin naman tayo papunta.”Anak ng di na ma-biro?
“Tsk, eh ako nga ma ni isang kusing na suweldo hindi ko naranasan sa pag-babantay ko dito sa convenience at hindi ako nag re-reklamo ma! Eh si ate nga panay higa lang ‘yan sa kwarto niya at kain minsan nangungupit pa bakit hindi niyo sa kanya sabihin ‘yan? Eh sa amin dalawa ako ang ulirang kapatid."
“Dahil matalino ate mo at may desenteng trabaho, mabait at hindi reklamador.”
“Kahit na bantugan? Makalat? Nangungupit? At kahit na sinagot-sagot ka? Iyan ba ang ideal child mo ma? Hindi ko akalain na criminal pala gusto mo--”*WAPAK*
Anak ng pansit…
“Ma!”
“Huwag mo akong ma- ma ma! Mag-hunos dili ka nga sa mga sinasabi mo.”
“Ma ayan ka na naman eh!”
“Hindi mo alam ang ginawang sakripisyo ng ate mo para sa pamilya natin. Lalo na sayo.”
“Tsk, ang sabihin niyo paborito niyo si ate.”
“Wala akong paborito pareho ko kayong mahal.”Hindi ako naniniwala…
“Isang nguso mo pa baka tuluyan ka ng ma-lumpo.”
Sana hindi na lang ako bumaba at tuluyan ng ginawa ang ultimate plan ko, psh. Pero kailangan ko ng karamay, hindi ko kasi maintindihan ‘tong nararamdaman ko ngayon feeling ko makukulong ako dahil sa ginawa ko noon.
Kaya takot na takot ako lumalapit sa mga pulis, kahit na child abuse tong mga mga magulang ko hindi ko talaga magawang isumbong sa mga pulis baka ako pa ang makulong kapag nalaman nila ang sekreto ko.
“May problema ka ba anak? Bakit masiyado kang intense?”
Lumapit sa akin si papa, inirapan ko siya at nag-bukas ng nutri boost.
BINABASA MO ANG
The Paparazzi And His Target
HumorMeet Aida Madrigal, jobless at eighteen pressured by her mom to find a job, not until she entered the world of the paparazzi agency, at dahil sa desperado siya kumita ng pera, pinasok niya ang mundo ng mga paparazzi without knowing the disaster she...