CHAPTER 12

10 5 0
                                    

***Somewhere in South Korea***

Aida Point Of View

"Nahihilo ako…"

Unang beses ko sumakay ng eroplano. Pero alam niyo hindi nagging madali ang unang biyahe ko para sa akin at hindi nagging maganda. Expected ko na rin naman dahil mahiluhin talaga ako.

Kahit paman sa bus mahiluhin pa rin ako kaya nga mas prepare ko mag-motor kaysa sumakay ng kotse o MRT talaga. Sa totoo lang ilang beses na akong sumuka kanina sa biyahe sobrang nakakahiya na nga sa katabi ko at sa ilan pang pasahero.

Magpahanggang ngayon kahit naka-lapag na kami at nandito na ako sa loob ng airport, nasusuka pa rin ako. Ngunit pinipigilan ko dahil nakakahiya sa mga tao, ang sama nga ng tingin nila sa akin at mukhang diring-diri talaga sila.

Kung tinatanong niyo si Gab kung saan hindi ko siya kasama ngayon, pero iisa kami ng sinasakyan ngunit na sa VIP area ito at mabuti na rin iyon  na hindi ko siya kasama nakakahiya kung makita niya ako sa lagay kong ka awa-awa kanina baka mas lalo niya pa akong kutyain.

Sumabay na ako sa mga kasamahan ko sa biyahe ang dami ngang taong nag-aabang kay Gab, pero mas mauuna ako kay Gab kasi paniguradong matatagalan pa ito, sabi naman niya may susundo sa akin. Matalik niyang kaibigan.

Curious nga ako kung sino sa mga kaibigan niya, kasi sa pagkakaalala ko ako nga ang dahilan kung bakit nasira ko ang pagkakaibigan nila nung dating miyembro ng sikat na k-pop group sa buong bansa.

Bumuga ako ng hangin ng makita ang pangalan ko sa isang babaeng may dalang placard na may nakasulat na na Aida Archer nag-hintay pa ako ng sampong minuto bago pumasok sa isip ko na nag-iba na pala ang apelyedo ko.

“Ughm Miss I’m Ayda Archer?”

Miss? Bakit Miss?

"Miss Archer right?"

Ika nung babaeng Koreana na may dalang placard na pangalan ko ang naka-sulat. Nanlaki ang mga mata nito at tinuro ako tapos the rest hindi ko na maintindihan ‘yung mga sinasabi niya kasi--Korean…

“Miss do you know how to speak English?”

Tanong ko sa kanya kasi useless lang kasi ‘yung haba ng sinabi niya hindi ko naman maintindihan.

“Yes! of course! A little bit ma’am but I know how to speak tagalog, I was working in the Philippines for 2 years and I attended my college there for almost 3 years so I’m fluent in tagalog and Cebuano, omg! Bakit hindi mo agad sinabing ikaw si Ayda Archer! Ang ganda mo naman seryoso ka bang mag-ta trabaho ka bilang personal alalay ni President Woe Ben? Wait hmmm ilang taon ka na? Sa tingin ko menorde-edad ka pa wait planado mo ba na magging P.A ni Woe Ben? Oh no! Isa ka pa lang karibal! At ang swerte mo girl dahil ikaw ang kauna-unahang P.A ni Woe Ben na babae! Yung isa kasi umalis na, feeling ko naghahanap yun ng mapapangasawa gwapo rin yun so any ways ako nga pala si Yuna.”

“Oh, Thank you but my name pronounce like Eyda not Ayda and I’m not--”

“Omg! Sana magtagal ka para parati kitang makasama! Na basa ko sa bio data mo na mag-kasing edad lamang tayo omg may lahing english ka ba? Mukhang oo naman pero mukha kang may lahing japanese or chinise! Huwag kang mag-aalala dahil may isa pa akong kaibigan na koreana na marunong rin magtagalog. Excited na ako na makasama ka, yieh! Pasenya na ah, medyo madaldal lang talaga ako halika na tulungan na kita.”

Ilang beses na ata akong napa-blink dahil sa kadaldalan niya. Ni isa wala akong maintindihan kahit pa tagalog na ang ‘yung dulo. Sumunod na lamang ako sa kaniya matapos niya akong kaladkarin palabas ng airport, actually hindi kami dumaan sa usually exit, basta niya na lang ako hinila tapos nung naka-labas na kami napa-ngiti ako sa sobrang aliwalas ng panahon sa Korea gani-ganitong oras sa pinas nasa-harap na ako ng freezer nag-papalamig.

The Paparazzi And His Target Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon