Kabanata 3 : Tabi Tayo

1.1K 22 1
                                    


-

-

MARKUS 

-

-

"at saan kayo galing na dalawa?" ang bungad ni ethan saamin ni bunso pagparada namin nung kulong kulong - ang sungit eh matapos akong tulugan - naka cross pa yung mga kamay. 

-

"at ikaw bunso, baka may ginawa ka na kay markus ha - bakit basa yung buhok niyong dalawa?" 

-

"ito naman si kuya usisero - dinala ko si kuya markus sa lawa - tinulugan mo kasi eh naisip ko baka buryong na diyan sa balkon" paliwanag ni bunso. 

-

"ang daya niyo hindi niyo ako ginising" wika naman ni ethan. 

-

"ginising kita kuya tulog mantika ka - kahit anong yugyog tulog ka - yaan mo sasusunod isasama ka na namin" 

-

"grabe ka kay markus bunso - baka inabuso mo na yan ah - tignan mo namumutla oh" wika pa nito - tinitigan naman ako ni bunso naalala ko yung sinabi niya kanina habang nakasakay kami sa kulong kulong at umaandar na wag ko daw isumbong sa kuya niya ang nangyari dahil tiyak mapipingot na naman daw siya. 

-

"pakainin mo naman bunso ginutom mo yata e' hirit pa nito - actually medyo gutom na nga ako. 

-

tahimik na pumasok si bunso sa bahay nila habang kami naman ni ethan e nagtungo sa kwarto - maya maya pa naamoy ko na yung mabangong pancit canton - lalo akong nagutom e' 

-

tapos ito na naman si bunso - may hawak na naman na tray - para talagang waiter eh' 

-

tapos inilapag niya yung kanton sa kama - natawa ako paano ba naman eh pantay na pantay ang hati sa tatlong platito - may tig dalawa bang malalaking buns sa ibabaw. ang kyut talaga nitong si bunso e' napapangiti nalang ako - naalala ko tuloy yung nasa vide---- ay ano ba naman yan markus, kung ano ano iniisip moooo. 

-

"ayan kuya pantay pantay yan ah baka madaya ka na naman" wika ni bunso, tapos ginulo ni ethan yung buhok  e kakasuklay lang ata ni bunso -  heto na naman yung magkapatid nag aasara na naman e' sobrang kyut talaga - lagi nalang asar talo si bunso. 

-

"tignan mo markus" wika ni ethan tapos sabay abot saakin ng maliit na larawan - habang si bunso busy sa pagkain ng pancit "sino tong batang babae? ang kyut naman" wika ko - halos mabulunan si bunso eh' sabay hablot saakin nung picture - di ko nga alam saan nakuha ni ethan yun e' 

-

"kuya ethannnn naman e" asar na wika ni bunso tapos itinago sa pwetan yung picture. 

-

tawa naman ng tawa si ethan "si bunso yan" wika nito. 

-

"ha? e bakit babae?" aniya ko naman. 

-

"hindi na kasi inakala nila mama na magkakababy pa sila at masusundan ako - menopause baby yang si bunso e' tapos ang lumabas sa ultra sound nung una e babae - kaya naman lahat ng pinamili nila mama na gamit ay pambabae - as in lahat boy" masayang kwento ni ethan habang hindi naman na maipinta ang itsura ni bunso. 

BunsoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon