Kabanata 8 : Pa Sulyap Sulyap

707 14 1
                                    


-

-

tunay ngang mapaglaro ang pag ibig - hindi mo alam kung kailan susulpot at darating - magigising ka nalang isang araw palagi ka ng naka-ngiti, palagi mo na siyang iniisip, hinahanap hanap - nina nais'nais - hanggang sa kasama na siya sa bawat dalangin mo sa langit - at bawat panaginip. 

*****

-

-

TRISTAN 

-

nahihibang na ata ako - hindi ko na maunawaan ang sarili ko' mukha akong tangga dito oh' - kahit sa pagliligpit ng kinainan namin ni kuya markus e' hindi ako maka pokus - lingon ako ng lingon kung nasaan siya't sinusundan sundan siya ng tingin. 

-

tapos ngingitian ko siya at susuklian din naman niya ako ng ngiti - kanina nung may handaan akala ko normal lang kasi silang dalawa lang naman ni kuya ang palagi kong kasama at syempre si mama. 

-

pero alam ko naman kasi kung saan susuot si kuya, at palagi din namang sa kwarto ko lang matatagpuan si mama - pero si kuya markus? mawaglit lang sa tingin ko e' hinahanap hanap ko kaagad. 

-

akala ko kanina normal lang - pero dahil sa mga sinabi niya kanina matapos ng aming masinsinang usapan ay napagtanto ko na - na ibang klaseng paghahanap na nga talaga ang meron ako sa kanya. 

-

"yari ako kay kuya neto" ito nalang ang naisip ko - kasi naman sa dami dami ng pwedeng mapusuan eh' kaibigan niya pa - kakaasar nila saaking dalawa ito e' 

-

hindi tuloy ako mapakali, hindi ko alam kung papasok ba ako sa kwarto o hindi - urong sulong e' hanggang sa napagdesisyunan ko nang itulak ang pinto at datnan si kuya markus na nag papagpag ng kama at naghahanda ng matulog. 

-

"bunso naiayos ko na din yung higaan niyo ni kuya ethan mo'  na set up ko na din yung lampara na hugis buwan oh' pwede na natin patayin yung ilaw kasi hindi ka na matatakot sa dilim" wika ni kuya markus - pero hindi ko napansin lahat ng iyon kasi sa kanya lang nakatuon ang pansin ko e' 

-

"ah eh s-sige po k-kuya markus" tugon ko tapos pumpwesto na ako sa lapag kung nasaan yung higaan namin ni kuya ethan.

-

diretso akong nahiga - kinumutan hanggang sa bewang yung sarili ko - ipinatong yung dalawa magkahawak kong kamay sa bandang tiyan ko tapos tumingin lang ako sa kisame. 

-

ang tahimik e' puro kuliglig lang tsaka ingay ng bentilador yung naririnig ko "tulog na kaya si kuya markus?" wika ko sa isip ko, naiilang kasi ako lumingon sa pwesto niya e' baka makita niyang tinitignan ko siya. 

-

itanong ko kaya kung gising pa siya? o kaya mag umpisa man lang ako ng usapan - baka kasi isipin niya na biglang nagkaroon ng ilangan dahil sa naging usapan namin kanina - hayyyyssss paano ba ito - ang hirap naman. 

-

-

**********************************************************************************************************************************************************************************************

-

MARKUS 

-

-

BunsoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon