Kabanata 7 : Tulak ng Bibig, Kabig ng Dibdib

772 15 5
                                    


-

-

MARKUS 

-

-

"yari ka talaga saakin bunso kapag nahuli kita" masaya kong saad - paano ba naman kasi itong si bunso pinuno ba naman ng icing yung mukha ko - loko loko talaga e' 

-

huy pero sobrang na-appreciate ko yun ah - matagal tagal na din nung huli akong masayang umihip ng cake nung birthday ko kagaya nga ng naikwento ko sa inyo. 

-

kaya iba talaga yung ngiti at saya sa puso ko nung lumitaw si bunso diyan sa pinto e' akala ko talaga bumili lang ng softdrinks  eh'  may pasupresa pala. 

-

tama nga siya dapat isini-celebrate kahit pa sa pinaka simpleng paraan, isang bagay na hindi ko nagawa nitong mga nakaraang birthday ko kasi naman lagi ko nalang ikinukulong yung sarili ko sa condo o kaya naman sa kwarto ko at magmumukmok nalang maghapon. 

-

ito na marahil ang isa sa mga memorable kong birthday - wala naman saakin yung handa e' pero yung may kahit isang makakaalala at magse-celebrate ng totoo kasama ako - malaking bagay na iyon isang bagay na pinagkait ng mga magulang ko - at isang bagay na ibinigay saakin ngayon ni bunso. 

-

"tama na, tama na kuya markus" hingal na saad ni bunso "kukuha nalang ako ng wipes para punasan iyan, wag mo na ako gantihan ng punas pleaseee" saad ni bunso sabay patakbong liko doon sa kwarto - lumabas siya eh bitbit na yung lagayan ng wipes - tinulungan pa nga akong mag punas e' 

-

"halika na nga dito ikaw talaga pinapagod mo ako lalo e" wika ko kay bunso - iwas na iwas eh palibhasa may kasalanan. 

-

"halika na nga hindi na kita pupunasan ng icing" saad ko pa sabay tulak palayo saakin nung cake. 

-

"sorry na kuya markus, gusto lang naman kita pasayahin e' ikaw naman kasi birthday mo pala hindi ka man lang nagsasabe" 

-

"hayaan mo na bunso ang importante eh nakapag blow na ako ng candle diba?" nakangiti kong saad, sa totoo e' doon palang kontento na ako talaga. 

-

"halika na dito sa tabi ko, buksan mo itong regalo ko sayo" lalo akong napangiti eh, bigla ba namang nagbago ang reaction ni bunso - napalitan ng saya yung nagpapaawang mukha kanina habang nagso'sorry eh

-

"regalo mo? halaaaaaa sige buksan na natin kuya markus" saad nito "hala pagkalaki e' ano naman kaya ang laman" dagdag pa nito paghugot ko ng regalo doon sa malaking paper bag. 

-

tuwang tuwa ako nung manlaki yung mata ni bunso "paano mo nalamang ito yung gusto ko?" wika niya. 

-

"ha? malay kong iyan ang gusto mo, ikaw ha baka sinasabi mo lang yan kasi hindi mo naman talaga gusto ang regalo ko" 

-

"hindi kuya, palagi ko to tinitignan online e' ang mahal mahal naman kasi wala pa akong ipon" aniya ni bunso "grabe naman tong regalo mo - wala man lang ako mareregalo sayo hindi mo naman kasi sinabi na birthday mo din e" 

-

"ayos lang yun bunso, makita ko lang na gusto mo yung regalo ko eh  masayang masaya na ako" 

-

BunsoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon