Kabanata 11 : Larawan

492 13 3
                                    


-

TRISTAN

-

-

"ano ba naman yan bunso, pangatlong tawag mo na ito - nakaalis na nga si markus at papunta na diyan - hindi mo na ba mahintay?" 

-

"hindi naman sa ganon kuya ethan, gusto ko lang makasigurado na tutupad siya sa usapan - kasi naman hindi ako umattend ng program sa school kasi sabi niya byernes palang daw ng tanghali e' nandito na siya" 

-

"iidlip mo yan' kamukat mukat mo eh nariyan na si kuya markus mo, ito naman hindi makapag hintay" 

-

"eh kasi naman kuya e' unang beses kong lalabas ng baras - sa wakas eh' makakakita na ako ng ibang lugar at tanawin" 

-

"basta bunso yung bilin ni kuya ha" heto na naman si kuya, akala mo talaga gagawa ng kalukohan eh'

-

"wag mo agad isuko ang bataan ha' pag isipan mo munang mabuti at wag kalimutang gumamit ng----------" di ba? loko loko e' kaya inawat ko na. 

-

"ano ba naman yan kuya, hindi ngaaaa --- hindi nga aabot sa ganon' isa pa mamamasyal lang ako doon at magbabakasyon' isinasama kasi kayo ni mama e' pareho naman kayong may lakad" 

-

"sinasabi ko lang bunso - mas maigi ng sigurado" 

-

*peeeeeeeeeeeeeeeep* peeeeeeeeeeeeeeeeeep* 

-

"palagay ko si markus na yan bunso, sige na kailangan ko na din umalis papunta sa school - mag iingat kayo ha at yung bilin k---" hindi ko na naman pinatapos - na excite ako bigla e' si kuya markus na nga kaya iyon. 

-

"sige sige na kuyaaaaa babye - i love youuuuu" binabaan ko na, kating kati na kasi yung paa ko eh' 

-

dali dali akong nag suot ng tsinelas tapos nagtungo sa sala palabas ng pinto para silipin kung si kuya markus na nga. 

-

napahinto ako sa pagtakbo eh' paano ba naman may puting van sa harap ng bahay namin -- bakit nandiyan iyan? nakakatakot e' 

-

kasi naman diba nangunguha yan ng bata sa balita? baka ibenta ang baga ko at gawing sisig - naku po' 

-

nagdalawang isip tuloy ako lumapit kaso pipeep ng pipeep eh' 

-

maya maya pa e' dahan dahan bumaba yung bintana ng sasakyan - tapos bumungad ang nakangiting si kuya markus - kumakaway at tinatawag ako para lumapit. 

-

"wait kuya" wika ko, sabay karipas ng takbo sa kwarto nila mama at papa. 

-

"maaaaaa, andito na si kuya markus aalis na po kame" wika ko sabay yakap at halik sa pisngi ni mama. 

-

"ohsiya mag iingat ha' wag mo kakalimutan tumawag" 

-

"opo" matapos sa silid nila mama e' sa silid naman namin ni kuya ethan ako tumakbo para kunin yung mga bag at gamit ko. 

BunsoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon