-
-
TRISTAN
-
-
ang bilis talaga ng oras, nakakadismaya - kahapon lang eh parang saamin lang ni kuya markus ang daigdig tapos ngayon eh halos ilang minuto nalang malapit na kami sa bahay - uuwi na naman ako saamin sa baras tapos si kuya markus naman e' kailangan bumalik sa buhay niya sa maynila.
-
iniisip ko palang eh' hindi ko na mapigilang malungkot -- kasi naman bakit naman kasi kailangan magkalayo pa kami ng lugar ng taong mahal ko ano? sadyang mapag laro ang puso, kay rami rami namang tao saamin, yung malapit at abot kamay pero sadyang ipinakilala ako sa taong malayo at medyo mahirap abutin.
-
hawak hawak lang ni kuya markus ang kamay ko, may pa ilang ilang beses na ilalapit niya ito sa mga labi niya at hahalikan, habang ako naman eh' nakasandal lang sa balikat niya, ninanamnam at sinusulit ang mga huling minuto na magkakasama kami.
-
mahirap din kasi asahan ang bukas, hindi ko alam kung kelan mauulit ang mga ganitong pagkakataon.. napag usapan na din kasi namin ni kuya markus na medyo magiging busy sila ngayong 2nd semester na nila sa taong ito.
-
magkahalong lungkot at saya ang naramdaman ko noong naging usapan namin iyon kasi kung second semester na nila, ibig sabihin nalalapit na din ang graduation ko -- medyo masaya, kasi naman... naalala ko yung pangako ni kuya ethan na pag college na ako eh' sa kaparehang school ako mag aaral, at magsasama na kaming tumira sa maynila
-
pero hindi rin maalis saakin ang malungkot kasi ilang buwan pa iyon eh' bago ko sila makasama e' magiging busy muna sila para maipasa ang semester na ito -- ngayon pa nga lang daw na papalapit palang e' samut sari na ang gawain kaya halos hindi daw sila magkandaugaga kwento saakin ni kuya markus.
-
pero nangako naman siya na hindi mawawalan ng oras saakin at palagi akong kakamustahin, bi-besitahin kapag may pagkakataon.
-
napahigpit nalang ako ng hawak sa kamay ni kuya markus dahil sa mga tumatakbo sa isipan ko, idagdag mo pa na sa kasunod na kanto e' bahay na naman - magbibitaw na ang kamay namin at babalik na naman sa normal, parang kay cinderella nung sumapit na yung alas dose' ganun na ganun ang pakiramdam ko.
-
muling hinalikan ni kuya markus ang kamay ko sa huling pagkakataon bago kumalas at binuksan ang pinto ng sasakyan, siya namang salubong ni kuya at ni mama noon sa tapat nung gate namin.
-
agad akong yumakap kay kuya at nagmano kay mama - tapos si kuya markus naman e' nagtungo sa likod ng kotse para ibaba ang mga gamit ko.
-
"oh kamusta bakasyon markus, hindi naman ba nag pasaway itong bunso namin?" wika ni mama.
-
"naku po tita, pagkabait hong bata nito -- mukhang nag enjoy sa dagat at sa swimming pool eh" saad naman ni kuya markus.
-
"bakit ka nakasimangot bunso, mukha kang matamlay akala ko ba nag enjoy ka?" puna naman ni kuya ethan.
-
"baka nabitin lang sa bakasyon, tsaka kagigising - naka idlip kasi sa kotse ethan" wika ni kuya markus kay kuya ethan.
-
BINABASA MO ANG
Bunsoy
Teen Fictionpaano ba nasusukat ang pag-ibig? meron bang standards? meron bang pattern? pero hindi ba malawak at madaming klase ang pagmamahal - may iba't iba ding kulay - at kanya kanyang istorya. ikawe? ano ang kaya mo gawin ngayong araw para sa pag-ibig? anon...