-
-
-
grabe naman itong si tadhana, kapatid lang naman ang hinihingi at ninanais ko pero pag-ibig ang ibinigay saakin, kagaya nga ng sinabi ko hindi ko alam saan ito tutungo o hahantong - walang kahit na anong sigurado - bukod sa isa, gusto ko si bunso - at gusto kong mas makilala pa siya.
-
-
MARKUS
-
simula kagabi parang nagbago na si bunso - mas matatamis yung mga ngiti eh' tapos pati yung mga mata halos mawala na sa sobrang banat ng ngiti niya - pagkapilyo e' sa tuwing makakasalubong ba naman ako e' tutusukin yung tagiliran ko - o kaya naman e' kukurutin yung braso ko, tignan mo to'
-
palagi din nakasunod at nakatabi saakin e' tapos biglang uusog o kakalas kapag nasa iisang lugar namin sa bahay nila yung kuya niyang busy sa paglilinis kasi bumabawi dahil hindi nakatulong sa ligpitin kagabi.
-
nakakagigil si bunso e' gusto kong patulan yung mga pasimple niyang pa cute - kaya lang masyado na ata akong matanda para doon - hindi na ata bagay saakin e'
-
tama na yung suklian ko siya ng ngiti - ayan na naman siya oh pa'bibo - nagpupunas lang naman ng bintana e nagapakyut pa - alam ng busy ako magwalis ng bakuran e'
-
"bunso ano ba yan" reaction ko, paano ba naman e' winiwisik wisik saakin yung spray na dapat para sa bintana e'
-
"ano ba kayong dalawa diyan? hindi kayo mapirme" saway ni ethan.
-
"opo manong ethan" pang aasar ni bunso.
-
"tapos na" dagdag pa nito dahil sa wakas e' nalinis na niya ang buong kwarto nila "ako din po manong ethan tapos na po magwalis" gatong ko naman.
-
buong umaga yata kaming naglilinis doon sa bahay at sa bakuran - buti nalang e natapos na.
-
"magpahinga na kayo at babyahe pa kayo pa maynila mamayang madaling araw" ang wika ng mama nila ethan.
-
nalungkot naman ako bigla, ilang oras nalang pala at magkakawalay na naman kami ni bunso - kanina pa nga ako bwelo ng bwelo at hanap ng hanap ng dahilan para maisama ulit ako dito sa susunod na linggo pag uwi ni ethan e' kaso di ko naman alam paano uumpisahan.
-
"pauwi na nga pala kayo ng maynila - kailan kayo ulit babalik dito kuya ethan" wika ni bunso, yan sige bunso - buksan mo ang usaping iyan ng makahanap ako ng paraan para mailusot na bitbitin niya ulit ako dito sa susunod na weekend.
-
"baka hindi muna sa susunod na linggo bunso, may try-out si kuya ng basketball e' kailangan ko makapasok doon sayang din kasi yung scholarship laking tipid din para kila mama" kitang kita ko yung pagbagsak ng mukha ni bunso e'
-
"next week na ba agad yun?" wika ko naman kay ethan.
-
"oo diba dapat nga kahapon - tuwing sabado lang kase e' di naman ako pwedeng mawala sa birthday ni bunso kaya nagpa schedule ako" saad naman ni ethan.
BINABASA MO ANG
Bunsoy
Teen Fictionpaano ba nasusukat ang pag-ibig? meron bang standards? meron bang pattern? pero hindi ba malawak at madaming klase ang pagmamahal - may iba't iba ding kulay - at kanya kanyang istorya. ikawe? ano ang kaya mo gawin ngayong araw para sa pag-ibig? anon...