Kabanata 4 : Takip Silim

972 20 0
                                    


-

-

madamot ang daigdig bilang na bilang lang ang araw na ibinigay saatin para makapiling yung mga taong mahal natin - kaya naman habang kapiling niyo sila at may pagkakataon kayo e' yakapin niyo sila ng paulit ulit at paulit ulitin ding sambitin na mahal niyo sila - hindi naman kasi natin alam ang posibilidad ng bukas - kaya hanggang nandiyan ka at nandiyan sila e' sige lang ng sige. 

-

-

TRISTAN

-

-

pag ako talaga nakakawala dito - gaganti talaga ako humanda kayooooooooo saakin, pinagtutulungan niyo akong ahh ikaw kuya ethan tsaka ikaw na anak ng labanos - wika ko sa sarili ko, gaganti talaga ako.

-

habang nagpupumiglas ako e' may napansin ako sa leeg ng kakauwi ko lang na kuya galing sa mga barkada na namiss niya daw - hindi iyon nakalagpas saakin kaya agad kong pinuna "kuya ano yang pula sa leeg mo?" wika ko.

-

napabitaw siya saakin eh - balot balot ba naman ako ng kumot habang naka baliktad sa ere' pagkalakas ni kuya e' pero tila ba nanghina dahil sa napansin ko.

-

"oo nga ethan kanina ko pa din gusto itanong, tsaka bat ganyang ang amoy mo - amoy babae ka, amoy matamis na prutas e" gatong naman ni kuya markus.

-

"ah eh - kagat ng lamok yan - malamok kasi sa court kagabe - tsaka kinamot ko kaya lumaki"

-

"parang ibang lamok ang nakakagat diyan boy" pang aasar ni kuya markus sa kuya ethan ko.

-

sinasabi ko na nga ba e' hindi lang barkada ang pupuntahan ni kuya - mukhang hindi lang alak ang nasipsip nitong kuya ko kagabi.

-

"tigilan niyo nga akong dalawa - bunso ligpitin mo na yan higaan tutal inayos na namin e' ginulo mo ulit" pag iwas ni kuya ethan.

-

pulang pula yung mukha e' halatang huli, pero di kulong e'

-

nagtinginan nalang kami ni kuya markus tapos tumawa - pero teka hindi pa ako nakakaganti - kaya naman dinampot ko yung unan tapos pinalo sa mukha ni kuya ethan - dinamay ko na din si kuya markus.

-

kaya heto nagpapaluan kami ng unan - kaso malakas pala silang dalawa - nahuli na naman nila ako - parehas nila akong hawak habang kinikiliti - hindi na ako makahinga e' kaya naman no choice - yung braso ni kuya markus na malapit saakin eh agad kong kinagat, napasigaw siya eh'

-

tapos ako tawa ng tawa "arayyyy arayyyy bunsoooooooo" sigaw niya.

-

"huy bunso, siraulo ka magpapasa yan"

-

"kayo kasi eh' di na ako makahingga e"

-

"loko ka kumuha ka ng yelo doon - alam mong anak ng labanos yan si kuya markus mo e'

-

"kayo kasi e" na guilty naman ako bigla kaya agad na tumalon at nagmamadaling pumunta sa ref para kumuha ng yelo - grabe napalakas at napadiin yata yung kagat ko kasi pulang pula yung braso ni kuya markus.

BunsoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon