-
-
KUYA ETHAN
-
-
"bakit ngayon ka lang markus? kanina pa dismissed ang klase ah, isa pa hindi ka pumasok sa physics kasi sabi mo exempted ka na sa exam, bakit ngayon ka lang umuwi?"
-
-
"ah eh may inasikaso lang, kumain ka na ba?"
-
-
"umamin ka nga sakin, hindi ikaw yan -- hindi ikaw yung tipong hindi uuwi agad dahil taong bahay ka, at sa tagal tagal kitang kasama lahat ng aasikasuhin mo alam ko -- umain ka nga, may problema ba?"
-
-
"wala -- may biglaan lang pinatrabaho si mommy -- p-pero okay na" utal nitong saad'
-
-
kayo talaga mga kunsintidor kayo, akala ko ba team markus-tristan tayo bakit kayo lang ang may alam sa mga pinagagagawa ni markus? ohhhhhh akala niyo hindi ko malalaman ano?
-
-
"parang hindi naman yung pinapagawa ng mommy mo yung inasikaso mo, parang iba yung trinabaho mo" pagpapasaring ko' huhulihin ko yung isdang ito sa sarili niyang mga bibig'
-
"ha? trinabaho? wala nga it was just a quick errands, nakisuyo lang si mommy"
-
-
"at kailan ka ba gumawa ng errands para sa mommy mo? eh hindi mo nga halos kausapin iyon" saad ko, sa pagkakataong ito eh' lumapit na ako kay markus para i-corner siya doon sa may pader - kada hakbang ko eh' siya namang atras niya' kabado bente eh' halatang may tinatago.
-
-
"at saan naman yung errands na sinasabi mo?" wika ko'
-
-
"diyan lang malapit sa university belt, bakit ba ang weird mo?"
-
-
"ahhh malapit pala sa university belt, akala ko sa baras eh"
-
-
"whattt? ano sinasabi mo, ano namang gagawin ko sa baras in the middle of the week, and out of our busy schedule ngayong finals" pag mamaang maangan nito.
-
-
"yan din ang tanong ko sayo markus" wika ko' hindi na siya nakakibo kasi ipinakita ko na yung picture na sinend ng tropa ko kanina sa messenger ko
-
-
"pamilyar ka ba sa kotse na ito? sabe kasi nung tropa ko na kapatid ng kaklase ni bunso eh' nag kwento daw yung kapatid niya na meron daw mayamang tisoy, na mukhang anak ng labanos ang sumundo kay tristan sa school, sakay sakay ng mamahaling sasakyan"
-
-
"ha? di ko alam yang sinasabe mo' baka nagkakamali lang sila - tiyaka bakit ko naman susunduin si bunso?"
BINABASA MO ANG
Bunsoy
Teen Fictionpaano ba nasusukat ang pag-ibig? meron bang standards? meron bang pattern? pero hindi ba malawak at madaming klase ang pagmamahal - may iba't iba ding kulay - at kanya kanyang istorya. ikawe? ano ang kaya mo gawin ngayong araw para sa pag-ibig? anon...