Kabanata 22 : Sa Ngalan ng Pag-ibig

316 9 0
                                    

-

♫♫ Hanggang sa dulo ng ating walang hanggan, Hanggang ang puso'y wala nang nararamdaman, Kahit matapos ang magpakailan pa man... ♫♫

♫♫ Ako'y maghihintay sa ngalan ng pag-ibig, Hanggang kailan pa ba magtitiis? Nalunod na sa kaiisip,  Huling kapiling ka'y sa aking panaginip--- Ikaw mula noon, ikaw hanggang ngayon ♫♫

-

-

TRISTAN 

-

-

ito namang tugtog sa jeep nakikisabay pa sa nararamdaman ko e' pangatlong araw na ngayon na wala yung cellphone ko wala akong balita kay kuya markus -- kagabe alam niyo ba para akong sinapian patakbo na ako sa sakayan ng jeep papuntang terminal eh' susugod na talaga ako pa maynila kaso naisip ko, pagkalawak ng maynila hindi ko naman alam kung saan mismo sila kuya doon baka maligaw lang ako kaya napahinto din ako agad. 

-

medyo matinik ang pag babantay ni mama sa cellphone at talagang hindi ko mahanap kung saan itinago - nalinis ko na buong bahay sipag sipagan na nga ako -- pati pag gawa ko ng assignments at pag review halos i-broadcast ko na sa buong bahay, wa'epek pa din - nahihibang na ata ako gulo gulo na ang buhok kong papasok sa school dahil sa panay na sabunot ko sa sarili ko dahil sa inis kasi naman wala akong magawa eh' masyadong limitado lang ang mga meron ako. 

-

hindi ko naman memoryado ang number ni kuya markus, hindi ko din naman siya ma-add sa messenger ng mga kaklase ko kasi panigurado ii-stalk nila si kuya markus - aasarin pa ako nung mga yun eh' bahala na -- bahala na mamaya -- isang message lang -- makapag paalam lang ako at masabi ko sa kanya na wag mag alala at okay lang ako, ayos na sakin yun. 

-

pero naiinis pa din ako sa manong driver, hindi nakakatulong sa mental health ko yung mga tugtog niya parang patama lahat saakin eh' nananadya ata. 

-

-

***

-

-

mula kanina pag pasok ko, hanggang heto malapit na mag uwian - panay lang ako buntong hininga - hindi ko na yata makakaya ito - panay ang isip ko kung naiisip din kaya ako ni kuya markus? malamang sa mga oras na ito eh nasabihan na yun ni kuya na wala akong cellphone - nagawa man lang kaya siya ng paraan para makausap or makamusta ako? 

-

parehas kaya kaming isip ng isip sa isat isa? hindi ko mapigilang hindi sumimangot eh' panay mabibigat na buntong hininga at pangalumbaba - parang ang bigat bigat ng araw pati hakbang ko halos pakaskas sa lupa eh' wala akong kagana gana - pinipilit ko namang paniwalain yung sarili ko na wednesday na ngayon at sa byernes eh tapos na ang exam week at malamang meron akong buong weekend para bumawi kay kuya markus kooo -- pero kasi dalawang araw pa yon' dalawang araw pa na puro ganito - parang gusto ko nalang tumalon sa oberpas eh' kaso wala namang oberpas dito saamin, sa bayan pa meron -- hayyyyy mababaliw ka nalang talaga. 

-

-

**********************************************************************************************************************************************************************************************

-

-

ETHAN 

-

"ayos ka lang brad?" bungad ko kay markus kasi naman katatapos palang ng isang subject eh halos ihagis na ni markus lahat ng gamit niya papasok sa bag "tara na sa cafeteria -- one hour lunch tayo sa schedule diba tapos last subject na para sa physics" saad ko pa' 

BunsoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon