-
-
-
Ikaw? Anong nagawa mo ngayong araw sa ngalan ng pag ibig? ako kasi I just break the boundaries of distance and time -- sometimes decisions and sacrifices are meant to be made to make a relationship work - dumating man ang araw na posible natin itong pag sisihan - at least we did something and at least we tried.
-
-
MARKUS
-
-
I actually don't know paano ko sasalubungin si tristan, hindi ko alam ano una kong sasabihin at ano una kong itatanong pero syempre mas nangibabaw yung pagkamiss ko sa kanya - kaya when I saw him standing across the street, staring at me with amusement at shock on his face wala para bang sumama sa hangin lahat ng inis at tampo ko -- the first thing I did was run towards him and gave him a big and warm hug sabay sambit ng pangalan niya "bunso" wika ko.
-
batid ko naman na medyo gulat pa din siya kaya bigla ba namang kumalas sa yakap ko tapos tinulak ako papalayo - pulang pula si bunso eh' dahil na din siguro sa gulat at pagkabigla "k-kuya markus anong ginagawa mo dito" wika ni tristan.
-
"hindi ka kasi nasagot sa mga tawag at messages ko e' kaya sinadya na kita dito" tugon ko naman.
-
hindi mawari yung reaction ni bunso, paano ba naman nag halo halo na yata yung gulat tsaka dahil na din siguro sa mga naging reactions ng mga kasama niya.
-
"tristan what is the meaning of this?" wika nung isang babaeng kasama at nasa likuran ni tristan "diba siya yung poging kuya nung birthday mo? ang sabi mo samin hindi mo siya boyfriend at kaibigan lang siya ng kuya mo" dagdag pa nito.
-
akmang sasagot si tristan pero inunahan ko na "hindi ko pa siya boyfriend noon" saad ko..
-
tapos ayun pinalo palo na ng mga babaeng classmate niya si tristan habang nag sisigawan -- ang kukyut nila panoorin hahahahaha parang mga bulateng inasinan eh' -- tapos heto si tristan halos na pipe na ata pulang pula eh'
-
"hindi pa noon, eh ngayon?" pakikisali naman nung isa.
-
napakamot ako sa ulo e' sa totoo hindi ko din alam "tristan tinatanong ka ng mga kaklase mo" pang gagatong ko' sa totoo kase eh gusto ko din kasi marinig mula kay tristan e'
-
lalo tuloy lumakas yung sigawan lalo na yung tili ng mga babaeng kasama niya -- hindi kasi sumagot si tristan eh' bigla ba namang humakbang papalapit saakin tapos eh hinawakan yung kamay ko - tapos ito karay karay na niya ako papalayo sa mga kasama niya.
-
"kuya markus" wika ni tristan nang tumigil kami sa pag lakad at bitawan na niya ang aking kamay "anong ginagawa mo dito? diba busy kayo sa school at exam week ninyo? tumakas ka sa klase niyo ano? alam na ni kuya ethan ito?" seryosong saad ni bunso.
-
"hindi naman ako tumakas, exempted kasi ako sa isang exam dahil mataas naman na ang grades ko kaya kinuha kong opportunity yun para puntahan ka -- ano ba naman kaseng nangyari sayo? hindi mo sinasagot mga tawag at message ko -- may problema ba tayo tristan?" nakayuko kong saad.
BINABASA MO ANG
Bunsoy
Teen Fictionpaano ba nasusukat ang pag-ibig? meron bang standards? meron bang pattern? pero hindi ba malawak at madaming klase ang pagmamahal - may iba't iba ding kulay - at kanya kanyang istorya. ikawe? ano ang kaya mo gawin ngayong araw para sa pag-ibig? anon...