-
-
-
TRISTAN
-
-
"nagseselos?" pag uulit ko sa sinabi ni ate stephanie, paanong nagseselos? hala hindi kayaaaa - naku lagot - ito nalamang ang naisip ko - nakita ko kasi kung gaano katalim ang mga tingin ni kuya markus dahil sa pagdidikit namin ni ate stephanie eh' ayan tuloy nag walk out na naman siya - lagot.
-
kaya naman agad akong kumalas, napayuko nalang ako habang iniisip ko yung sinabi ni ate stephanie - nagseselos nga kaya si kuya markus? bakit naman siya magseselos?
-
dali dali kong kinuha yung twalya na nakasampay doon sa may pool bench na bitbit-bitbit at nilapag ko doon kanina - tapos dali dali akong nagtungo sa hagdan para umakyat sa itaas at lapitan sana si kuya markus, naku po - wag naman sana akong masigawan' yari talaga.
-
ikaw naman kasi tristan e' diba nag usap na kayo ni kuya markus? na susubukan niyo at titignan kung saan patungo kung anong meron sa inyo - bakit kasi lapit ka ng lapit kay ate stephanie mo - pagkausap ko sa aking sarili.
-
Eh kasi naman first time ko nga makakita ng ganun ka puti, ganun ka tisay - mas maputi pa kay kuya markus e' nangingibabaw ang kaputian, mukhang artista - mukhang amerikana - naaliw lang naman ako pero wala naman akong masamang intensyon' tsaka pinsan siya ni kuya markus, malay ko namang pati siya eh pagseselosan, kung talaga mang nagseselos siyan - wika ko pa sa sarili ko.
dali dali akong nagtungo sa veranda kung nasaan si kuya markus' kaso wala na siya doon eh' kaya minabuti kong sundan na siya sa kanyang kwarto kasi baka doon nga dumiretso.
-
at hindi nga ako nagkamali - nandoon si kuya markus, nakaupo sa computer niya at nakatalikod sa pinto ----------- hindi man lang niya ako nilingon nung pumasok ako - seryosong seryoso siya na nakatutok lang doon sa computer niya - galit nga ata, paano na?
-
dahan dahan akong humakbang - napansin naman niya sigurong pumasok ako no? pero hindi man lang talaga niya ako pinansin o nilingon - saan ba ako mag uumpisa pag ganitooooo, kuya ethaaaannnnnn tulungan mo ako - sa isip isip ko' kung andito lang sana si kuya e' kaso wala, wala akong kakampi sa pagkakataong itooooooo.
-
baka galit pa din, magbabanlaw muna siguro ako - papalipasin ko na muna kasi naman natatakot ako sa sinabi ni ate stephanie' baka masigawan talaga ako.
-
mabilisang banlaw lang - agad kong dinampot yung bathrobe na nasa banyo ng kwarto ni kuya markus at ibinalot iyon sa katawan ko, sa kamamadali ko kasi kanina eh naiwanan ko pala yung bihisan ko sa bag ko sa labas.
-
muli eh dahan dahan akong humakbang - tahimik pa din si kuya markus nakatutok padin sa computer niya - nabitawan ko pa nga yung bag ko sa sobrang taranta e' nilingon tuloy niya ako bigla dahil sa kalabog' naku naman, yari talaga - grabe yung pagkaseryoso sa mata niya - wag naman sana akong masigawan
(-_____-)
-
"nakaligo ka na pala, tapos na ba kayong mag lampungan ni stephanie sa pool?" seryoso niyang saad' nakakaknerbyos yung mata niya, unang beses ko siyang nakitang ganon - hindi ko tuloy alam ang isasagot ko.
BINABASA MO ANG
Bunsoy
Teen Fictionpaano ba nasusukat ang pag-ibig? meron bang standards? meron bang pattern? pero hindi ba malawak at madaming klase ang pagmamahal - may iba't iba ding kulay - at kanya kanyang istorya. ikawe? ano ang kaya mo gawin ngayong araw para sa pag-ibig? anon...