Kabanata 12 : Unang Gabi

718 8 0
                                    


-

-

MARKUS

-

-

"aray naman bunso, bakit ba?" wika ko, kasi naman itong si bunso - kumalas na nga sa pagkakahawak sa kamay ko e' hinahampas hampas pa yung balikat ko. 

-

"sinungaling ka kuya markus, naasar ako sayo" 

-

"bakit naman bunso?" 

-

"sabi mo saakin simple lang ang bahay niyo, tahimik at walang masyadong tao - kaya naman pala walang tao kasi naman palasyo palang itong bahay niyo eh - bakit hindi mo sinabi saakin at kay kuya na ganito pala karangya ang buhay mo" wika ni bunso. 

-

"mahalaga ba naman 'yon? isa pa ayoko mag kwento hanggang hindi niyo nakikita baka sabihin niyo nag yayabang ako eh' tsaka hindi naman akin 'to sa mga magulang ko 'to" 

-

"ganun na din yun kuya markus - nagtyaga ka sa maliit naming bahay at natulog sa maliit naming kama at malamok na kwarto eh' sa malambot na kutson ka naman pala nakahiga dapat" 

-

"ikaw talaga bunso, halika na nga at kumain na tayo - medyo late na oh' para makapag pahingga na tayo"

-

sumunod lang siya saakin patungo sa kusina habang nililibot ang mata sa kabuuan ng aming bahay - parang batang ipinasyal sa mall e' 

-

"senyor-- ay markus nakahanda na ang pagkain - ininit ko na din kanina ko pa kasi niluto yan eh"  wika ni ate annie, sinadya ko talaga na siya lang ang nandito at pinag day off ko na muna ang ibang kasambahay - baka kasi hindi maging komptable si bunso kapag madaming ibang taong gumagalaw eh' kaya minabuti ko na si ate annie nalang at isang driver ang aming makasama. 

-

"ay ate ako na po, ayos lang po ako" ang wika ni bunso, tumangi ito na ipag urong ng upuan ni at annie. 

-

"kumain ka na bunso, masarap yang kaldereta ni ate annie - specialty niya yan kaya naman iyan ang pinaluto ko kasi paborito ko din yan" nakangiti kong saad, sinuklian lang ako ng ngiti ni bunso. 

-

gulat pa din ata' hayaan ko na nga muna. 

-

-

***

-

-

matapos kumain eh iniwan ko na muna si bunso kay ate annie para silipin kung maayos na ba ang tutulugan niya - tapos e' agad din akong bumalik baka kasi wala siyang kausap. 

-

"ate annie nasan si bunso, i mean si tristan?" tanong ko kay ate annie na nag aayos pa din ng pinagkainan. 

-

"magpapahangin daw eh' baka nandiyan sa pool area o kaya naman sa garden" agad kong inikot ang bahay pero wala siya - saan naman kaya nagsuot si bunso. 

-

"kuya marvin nakita mo ba si tristan?" tanong ko kay kuya marvin na sakto papasok ng bahay at nasalubong ko. 

-

"nandyan sa entrada, inaaya ko ngang pumasok eh' mamaya nalang daw" 

-

BunsoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon