Chapter 6
Onel Ace Khairuz POV {Uno}
"OMG! IT'S UNO!!! UGHHHH! I AM VERY MUCH HAPPY TO WITNESS THOSE ABSSS!!!".
"UNO IS F*CKING HOT ON THAT GODDESS BODY AND FACE! BUTI NALANG TALAGA LUMIPAT AKO NG SCHOOL DITO!"."Tss!".
Kasalukuyan akong nag tetraining sa Pool area dito sa Wabyu Campus ng Marinig ko Ang Usapan ng tatlong babae. Nakaupo Ako Ngayon sa Sofa habang pinupunasan Ang Tumatagaktak Kong buhok dulot ng matinding pagkabasa.
"Bakit ganun si Dos! Dinidisiplina lang Naman natin Yung babaeng yun huh. Bakit niya ba siya pinagtatanggol?".
"Kaya nga e.. Hindi Naman siya dating ganun. Madalas Wala Silang pakealam kapag tinuturuan natin ng leksyon Yung mga fr*ak na naninira o nakakabangga nila sa West Campus. Hindi ba?".
"Kaya nga nagtataka rin Ako e. OMG! Hindi kaya nilalandi ng babaeng yun si Dos after niyang ipa- guidance si Fort?! Grrrr! That B*tch! Humanda talaga siya sakin".
"Anong pinaguusapan niyo?". Angil ko dun sa tatlong babaeng Estudiante habang hawak ko Ang kwelyo ng Isa sa kanila. "Is that true? Dos did that?". Seryoso at malamig na tanong ko.
"Y-yes.. it's true. Pinaalis niya pa nga kami dun sa basement sa likod ng school and saved that girl". Anas Nito. Itinulak ko siya Mula sa pagkakahawak ko sa kwelyo niya.
"Alis!". Sigaw ko sa kanilang Tatlo dahilan upang aligaga Silang magtakbuhan palabas ng Pool Area. "Interesting!". I smirked.
Matapos makapag bihis sa locker ay uuwi na sana Ako ng matanaw ko si Dos sa Hindi kalayuan. He's with someone at kasalukuyan silang nakatalikod sa gawi ko.
"It's been a while. Kamusta kana Queen?". Tanong ni Dos dun sa kausap niyang babae.
"O-Okay lang.. Okay parin naman Ako". Anas ng babae. "I-Ikaw Ang kamusta na? Ang laki na ng pinagbago mo h-huh. Halos Hindi na Kita makilala". Agad na natahimik sa Dos.
"Mahabang kwento. Hindi ko alam kung Papaano ko sisimulan ikwento sa'iyo Queen. Pero Tama ka. Maraming ngang nagbago sa akin p-pero may isang bagay Ang kailan man ay Hindi nag bago". Anas ni Dos Dahilan upang lingunin siya ng dalaga.
"Ang Tagal mong nawala Dawson. Akala ko Hindi kana babalik. A-Akala ko nakalimutan mo na ako. A-Akala ko----". Naputol Ang nakabadyang pag gagaral ng Boses ng dalaga ng yakapin siya ni Dos. Sa Puntong iyun ay Hindi na Ako nakinig pa at tahimik na lumakad papalayo sa gawi nila Ng may ngisi sa aking mga labi.
'Biruin mo nga Naman at dito ko pa Pala mahahanap ang Bala na magbabaon sa'iyo, Dos. Nakakatawa!'.
"I think Wabyu Campus isn't f*cking bad after all!". Malamig na anas ko bago mahinang natawa.
Nang tuluyang makauwi sa Bahay ay isa-isa akong nilapatan ng mga Maids upang magbigay galang. Derederetyo lang Ako subalit Automatikong huminto ng mahagip ng mata ko Ang lsang malaking larawan ng aking ina. Lumakad Ako sa gawi nito at tahimik siyang pinagmasdan.
"Palagi mo nalamang pinag mamasdan Ang larawan ng iyung Ina, Onel. Ganun ka parin, katulad lang noong Bata ka pa. Hindi ka parin nag babago".
Nilingon ko Ang Pamilyar na Boses na iyun ng Isang matandang babae. Agad na tumaas Ang Kilay ko ng tuluyan siyang Makita.
"Buhay ka pa Pala, Auntie Ysabelle?". Nagugulat na anas ko dahilan para hatawin niya Ako ng Kaniyang mahabang baston sa ulo. Paano ba Naman ay matagal narin siyang Hindi umuuwi ng pilipinas. Wala narin akong Balita sa kaniya. She's Garps Younger sister. Pero matanda na siya as in.
"Bastos ka paring talaga! Bakit gusto mo na ba talaga akong mamatay!". Galit na anas nito.
"A-Aray! Ikaw rin Naman ganun ka parin! Palagi mo nalang akong hinahataw ng Baston sa Ulong matanda ka!". Asik ko dahilan upang muli niya akong hatawin ng Baston. "Arggh!!! A-Aray! Ansakit na!".
"Tch! F*cking young Master!". Anas ni Auntie Ysabelle bago Ako Inambahan ng Isang yakap. "Na miss Kitang Bata ka". Aniya na agad ikinalambot ng Puso ko. Subalit Hindi ko iyun hinayaan kaya Naman agad ko siyang marahan na itinulak.
"Ang Drama mo Auntie. Bakit ka ba andito!?". Agad Ay asik ko na ikinatawa niya.
"Para Bantayan ka". Tumatawang aniya na ikina awang ng labi ko.
"W-Whuattttt?!".
BINABASA MO ANG
Loving my Ex Boyfriend's Brother {COMPLETED}
RomanceSi Queen Leigh Hernandez ay Isa lamang simpleng babae. Mapaglaro Ang Buhay at kapalaran para sa Kaniya lalo pa dahil Maaga siyang Naulila sa magulang na Hindi niya manlang nakilala o nayakap. Sa mga Nagdaang Araw ay nakilala niya si Dawson. Isang la...