Channel Kim's POVHuminga Ako ng malalim habang nakaupo sa Isang Upuan malapit sa may Garden Area. Hapon narin at nag uuwian na Ang Ilan sa mga Estudyante subalit pinili kong tumambay muna para mag pahangin.
'How could they say na Wala akong Kwentang Anak at walang silbi bilang Isang Panganay ng mga Kim!? Hindi manlang nila iniisip kung Anong nararamdaman ko!'.
"Can we talk?".
Marahan Kong nilingon si Third na noon ay Bigla na lamang sumulpot sa harapan ko. Kaagad ko siyang sinamaan ng tingin bago Umasta na aalis na ng pigilan niya Ako. Hinawakan niya Ang braso ko dahilan ng paghinto ko.
"Bitaw!". Seryosong paguutos ko.
"Galit parin ba Hanggang Ngayon?". Aniya sa Paraang bagamat nakangite subalit bakas Ang Pagiging sensero nito na Kausapin Ako. "Common' It's just a kiss".
Hindi makapaniwala Kong hinigit Yung Braso ko na hawak niya bago ko siya deretyang hinarap.
"Just a kiss?". Kunwari ay Natatawang anas ko full of sarcasm. "You shouldn't kiss people without their permission, Third! Kung para sa'iyo Kiss lang yun para sa akin-----". Mariin akong Lumunok.
"What?". He innocently asked.
"Alam mo na fiance Ako ng Kapatid mo that time". Inilihis ko Ang paningin ko. "Kung para sa'iyo Normal lang manghalik ng babae just because you're Tristan hart Khairuz ay ibahin mo ako. Hindi Ako katulad ng Ibang babae na naghahabol at nagkakandarapa na mahalikan ka!".
"I know..". Seryosong Saad niya bago huminga ng Mariin. "But I'm still not sorry for what I did because that's what I felt in that moment. Lalo na nung Nakita kitang Umiiyak at nasasaktan ng dahil Kay Uno".
Bahagya akong natigilan sa mga sinabing iyun ni Third. Mas lalo Kong niriinan Ang pagtitig sa mga mata niya at kung Bakit Wala akong makitang kasinungalingan Doon ay hindi ko rin alam.
"Kung sinasabi mo lang yan dahil nag guguilty ka na Nasaktan Ako ng kapatid mo, Hindi bale nalang. Ayus narin Naman Ako at nakapag Usap narin kaming dalawa ni Uno. I decided to start over again and forget my Feelings for him para narin sa best friend Ko".
"Yun Yung sinasabi ng Puso ko and it's not because I feel guilty or anything". Agad na Saad niya.
"Ano bang gusto mong palabasin, third?". Naguguluhang tanong ko.
"Mag date Tayong dalawa, Channel". He immediately answered. Kaagad nanlaki Ang Mata ko sa tinuran niyang iyun.
"Nababaliw ka na nga talaga". Hindi makapaniwalang anas ko bago iiling-iling siyang tinalikuran.
"I wanted to confirm this feelings na gumugulo sa akin after we kissed. Palagi kitang Iniisip simula ng Araw na iyun at palagi narin Akong nag-aalala para sa'iyo. Hindi ko narin alam kung ano itong nararamdaman ko at Unti-Unti akong Binabaliw nito Araw-Araw". Seryosong pagpapaliwanag niya Mula sa aking harapan.
"Sa tingin mo ba talaga madadaan mo Ako sa mga ganiyan mo?". Natatawang anas ko bago siya bahagyang idinuro. "Ilang babae na ba Ang nasabihan mo ng Ganiyan Mr Casanova? Kasi Hindi na nakakatuwa e. Ikaw narin Ang nag Sabi na Isa lang iyung Simpleng Halik at Tama ka. Kaya Naman please lang Lumabayan mo na ako at Humanap ka nalang ng ibang babaeng mabobola mo".
"P-Pero..".
"You know what? Ganito nalang Third. Let's forget about what happened including that Kissed, Okay?". Pagpipigil ko sa kaniya bago Ako Tuluyang lumakad at tinakikuran siya.
'Sa tingin niya ba talaga mapapaniwala niya Ako? Napakarami ko ng naririnig Tungkol sa kaniya at kalat na kalat na Ang Balita na S*x lang Ang habol niya sa mga babae. After that Bigla niya nalang iiwan at pagsasawaan'.
BINABASA MO ANG
Loving my Ex Boyfriend's Brother {COMPLETED}
RomanceSi Queen Leigh Hernandez ay Isa lamang simpleng babae. Mapaglaro Ang Buhay at kapalaran para sa Kaniya lalo pa dahil Maaga siyang Naulila sa magulang na Hindi niya manlang nakilala o nayakap. Sa mga Nagdaang Araw ay nakilala niya si Dawson. Isang la...