Chapter 44

37 1 0
                                    

Onel Ace Khairuz POV

"Onel Ace, Wake up!". Agad akong nagising sa malakas na tinig na iyun ni Auntie Ysabelle.

"What's happening?". Walang kamuwang muwang na tanong ko. Puno ng luha Ang Mata niya habang nakatitig sa akin. Imbis na sagutin Ang tanong ko ay Mahigpit na yakap Ang naging tugon niya sa akin. Hindi ko alam kung ano bang nangyayare at kung Bakit Umiiyak si Auntie Ysabelle. Maya-maya lang ay Naagaw Ang atensyon ko ng malakas na Tunog ng Ambulance Mula sa labas.

"A-Auntie..". Nag simulang sumibol Ang Kaba sa dibdib ko habang nakatitig sa salaming bintana sa aking Kwarto. Naaaninag Doon Ang kulay asul at pulang Ilaw kasabay ng malakas na Tunog ng Ambulansya.  "Where's mom?". Natatakot na anas ko.

Mas lalong Lumakas Ang naging pag iyak ni Auntie Ysabelle. Hindi ko maintindihan Ang mga nangyayare subalit isa lang Ang sigurado ako sa mga sandaling ito. May Maling nangyayare. Agad akong Bumitaw sa Pagkakayakap ni sa akin ni Auntie Ysabelle at Mabilis na Tumakbo Papalabas ng Kwarto ko.

'A-Ano ba talagang nangyayare?'.

Bumungad sa akin Ang Napakaraming Tao Mula sa labas ng Kwarto Nina Mommy and Daddy. Nandun din si Lolo Garp na siyang Karga Karga Ang Umiiyak na si Third. Sa mga Oras na ito ay Lalong dumoble Ang Kaba sa Dibdib ko. Mariin akong Lumunok habang marahang Lumalakad patungo sa gawi nila.

"O-Onel Apo..". Mahinang pagtawag sa akin ni Lolo Garp. Tinignan ko lang siya bago Nagpatuloy sa Paglakad sa Kwarto ng mga magulang ko. Nang tuluyang makapasok Mula sa tapat ng pintuan ay Bumungad sa akin Ang naka b*gting katawan ni Mommy.

Sa mga sandaling ito ay Hindi ko alam kung Anong gagawin ko o kung saan ba dapat mag simula. Hindi Ako Humahagulhul ng Iyak subalit Sunod-Sunod na naglalandasan Ang Luha sa mga mata ko.

"P-please help my M-Mom..". Nanginginig Ang aking Boses habang hawak Ang manggas ng Isang Polis sa tabi ko. "She might hurt Mr Police man. Please help her.. Please help my Mommy". Mariin Kong nakagat Ang labi ko habang pinagmamasdan Ang Dugong dumadaloy sa Kaniyang katawan. "S-Somebody please call a Doctor! P-please.. Please.. I'm begging you please..". Doon na tuluyang gumaralgal Ang Boses ko.

"K-Kuya Uno!! Pat@y na ba si Mommy?". Umiiyak na anas ni Third ng Lumapit siya sa gawi ko.

"N-No she's not.. She might pranking us katulad ng palagi niyang ginagawa". Pilit Kong tinatapangan Ang sarili ko bago Niyakap Ang Wala pang Muwang na si Third.

"Onel.. Tristan". Mahigpit kaming Niyakap ni Auntie Ysabelle. Pinanood kong Tanggalin nila Ang Tali Mula sa leeg ni Mom. Pinanood ko rin kung paano nila siya Marahang ibaba sa Sahig. Maputla na Ang kulay ni Mommy at Malamig narin Ang kaniyang katawan ng tuluyan ko siyang malapitan at mahawakan.

"M-Mommy..". Sobrang sakit ng dibdib ko sa mga Oras na ito subalit pinilit Kong ngumite habang hawak Ang Pulso ni Mom.

"Can we conduct a CPR kuya? Maybe Mommy needs it". Ramdam ko na pilit Pinapaniwala ni Third Ang sarili niya na Laro lamang ito katulad ng Palagi Naming ginagawa. Ganun din sana Ang Gusto ko subalit sa Puntong ito ay Walang kahit konting tibok ng Pulso akong maramdaman Kay Mommy. Napaka lamig niya na at Namumutla na Ang Katawan.

Mariin Kong naikuyom Ang kamao ko kasabay ng pagbuhos ng aking mga Luha dulot ng matinding sakit at bigat ng damdamin.

"Wala na si Mommy". Malamig na anas ko habang nakatulala sa bangkay ni Mom. Doon na tuluyang Nabasag Ang Boses ni Third at tuluyang humahagulhul ng iyak habang paulit-ulit na tinatawag si Mommy.

Huminga Ako ng malalim at Marahang tumayo kahit pa Pakiramdam ko ay nanlambot ang aking mga tuhod. Pinanood ko ng Yakapin ni Auntie Ysabelle si Third upang patahanin ito. Sa mga sandaling iyun ay Lumapit Ako sa Gawi ni Lolo Garp at binigyan siya ng Malamig na tingin.

Loving my Ex Boyfriend's Brother {COMPLETED}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon