♦️Chapter 3 ♦️
Queen Leigh Hernandez POV
{ Wr na u sir? D2 na me} text ko dun sa Umorder ng Chicken Wings sa Restaurant ni Sir Baggi. Mabuti na lang at dito rin sa Wabyu Campus Ang Location ng Costumer pero Ang masama lang ay mukang Hindi ko ata aabutin Ang First subject.
'Unang Araw pa Naman ng Klase! Nakakainis naman'.
*Beep*
{Dumeretyo ka sa may Pool Area. Dalian mo dahil nagugutom na ako (>.<)! }"Tch! Nakakainis! Sino ba kasi ito!?". Wala na rin akong nagawa pa kaya Naman dumeretyo na Ako sa may Pool Area. Wala namang Masiyadong tao dahil start na ng Klase sa mga Oras na ito. Nang tuluyang makapasok sa Pool Area ay Agad na lumapit sa akin Ang Isang lalaking nakasuot ng Uniporme ng Wabyu Campus. Mabilis Ang kamay nitong kinuha Yung Chicken order subalit agad ko Naman iyung inagaw.
"WTF?!". Angil niya.
"Bayad Muna bago ko ito ibigay Sayo!". Anas ko.
"Tch! Fine!". Animoy spoiled brat na aniya bago dumukot ng wallet sa bulsa. "Tumatanggap kaba ng Credit Card?".
"Cash only!". Sagot ko naman na ikinahaba ng nguso niya. Muli siyang sumilip sa wallet niya subalit tila Wala roon Ang hinahanap niya.
"You! Hindi mo ba ako nakikilala!?". Aniya habang umaarte na animoy pangulo ng pilipinas.
"Hindi!".
"Fine! Dahil Hindi mo Ako Kilala patatawarin Kita sa ginagawa mo sakin Ngayon. Akin na yan.. ibigay mo na sakin yang Chicken Wings". Aniya na animoy Ako pa Ang may kasalanan sa aming dalawa e, samantalang siya itong ayaw mag bayad.
"Ibibigay ko lang ito kapag nagbayad kana. Kung Hindi ka magbabayad Hindi ko ito ibibigay sa'iyo!". Nauubusan na ng pasensyang anas ko.
"HAHAHAHA! Kita mo itong Mukha na ito? Napakagwapo ko Hindi ba? Ganitong Mukha ba Ang mukang walang Pera!? Babayaran Kita kaya iabot Muna yan sakin!". Anito na lalong ikinakakulo ng dugo ko.
"Ang Sabi ko.. Ibibigay ko ito kapag binayaran mo na Ako. 500 pesos lang ito kaya naman BAYARAN MO NA!". Pilit na inihihinahon ko Ang sarili sa natitirang 2% ng anger issue ko.
"Ughh! Nakakainis ka naman Ms E! Mayaman Ako Okay. Babayaran Kita ng Double pa sa Halaga ng manok na yan kaya naman ibigay mo na yan sakin pleaseeeeeee?". May bahid na inis nitong Sabi bago umakto na parang mabait na kuting pagsabi ng please.
"????". Me.
"Ako si Ford Dymond Khairuz! Apo ni Garp Khairuz na siyang nag mamayari ng Paaralang ito kaya naman----------A-Augrayyyyyy!!!".
"May Saltik ka ba!? Hindi Kita Kilala at Wala akong pakealam kung saang angkan ka nabibilang naiintindihan mo ba?! Pag sinabi Kong mag bayad ka magbayad ka!!!!!!!!". Ubos nang pasensyang sigaw ko habang Hinihigit Ang kwelyo ng Uniform niya. Halos Maputol na Ang mga litid ko sa leeg sa sigaw na iyun subalit ramdam ko parin Ang matinding inis.
"What's happening here!?".
Pareho kaming natigilan Ng may biglang Magsalita sa bunganga ng pintuan. Agad na ikinalaki ng mata ko Ang Galit na Galit na aura ni Dean habang animoy umuusok pa Ang kaniyang ilong.
"P-Patay!". Ismid ko bago marahang binitawan Ang kwelyo ng Lalaking ito.
"You're Dead!". Animoy nangiinis pang anas nito bago marahang lumakad paalis.
"At saan ka pupunta Mr Ford Dymond Khairuz!?". Pagpigil ni Dean sa Kaniya.
"Outside this pool area. Nagugutom na kasi Ako e". Nakangusong anito na tila bata.
'Walang modo!'.
"GRRRR!!! BOTH OF YOU, GO TO MY OFFICE NOWWWWW!!!". Galit na Sigaw ni Dean na halos Dumagundong sa Buong Pool Area.
BINABASA MO ANG
Loving my Ex Boyfriend's Brother {COMPLETED}
Storie d'amoreSi Queen Leigh Hernandez ay Isa lamang simpleng babae. Mapaglaro Ang Buhay at kapalaran para sa Kaniya lalo pa dahil Maaga siyang Naulila sa magulang na Hindi niya manlang nakilala o nayakap. Sa mga Nagdaang Araw ay nakilala niya si Dawson. Isang la...