Queen Leigh Hernandez"Nalulungkot ka ba kasi sakin mo Piniling sumama at Hindi Kay Dawson?". Agad akong napamaang sa Tinuruan na iyun ni Uno. Malalim akong bumuntong hininga. "You did a great job, Queen Leigh". Seryosong aniya bago Humarap sa gawi ko. Kasalukuyan kasi kaming nasa may Dalampasigan. Madilim na subalit Kita ko parin Ang perpektong Mukha ni Uno na siyang nasisinagan ng liwanag ng Buwan.
"Ang totoo.. sumama Ako sa'iyo dahil------".
"Hanggat Hindi pa natatapos Ang kasunduang pag papakasal ay Huwag mo munang sundin Ang kagustuhan mo na makasama si Dos. Mas maganda parin kung babalik siya sa'iyo kapag tuluyan na siyang nakipaghiwalay sa Anak ng mga Wong". Malamig na aniya na siyang ikinatigil ko.
"K-kaya mo ba Ako pinapili kanina?". Mahinang anas ko. "Para Siguraduhin Ang nararamdaman ni Dawson".
"Sa palagay ko ay Mahal ka parin niya at base sa Nakita kong Reaksyon ng Mukha niya ng Sumama ka sa akin. Nasisiguro kong ano mang Oras ay Siya na Mismo Ang sisira ng Kasunduan". Anas ni Uno bago deretyang tumingin sa mga mata ko. Agad na Bumagsak Ang mga balikat ko bago inilihis Ang paningin papalayo sa pares niyang mata.
'Bakit ba Ako naiiyak?'
"Are you happy?". Bigla ay seryosong tanong niya.
"O-Oo Naman! Sobrang saya ko nga e haha! Whoo! Grabee Ang saya". Nakangiting anas ko habang pasimpleng Pinunasan Yung Luha sa Mata ko.
Tinitigan niya Ako ng Sobrang riin dahilan Upang bahagya Kong makagat Ang labi ko. "Maraming Salamat sa Lahat, Uno. Maraming Salamat kasi Sa maikling panahon na naging Fake Boyfriend kita. Sobrang Dami Kong narealize at dahil dun Unti-Unti nagiging mas matapang Ako". Buong Pusong anas ko bago Huminga ng malalim.
'Mas nagiging Malakas Ako lalo na kapag Nandiyan ka. Kapag alam ko na sa bawat lingon ko ay Ikaw agad Ang matatanaw ko. Na nakahanda Kang Ipag tanggol Ako sa kahit na sino kahit Hindi Naman totoong Tayo'.
'I'm happy to be part of your story Uno, kahit alam Kong Fantasy lang Ang lahat. I need to wake up now from reality'.Iyun Ang mga salitang gusto Kong Sabihin Kay Uno subalit Hindi ko magawa. Totoo nga yata Ang kasabihan na Nothing feels heavier than unsaid words.
"I'm not going to the next Chapter with you, but I'll be happy to see you finish this story with someone else". Senserong anas ni Uno bago marahang ngumite at ginulo Ang Buhok ko. Agad na nangilid Ang mga Luha sa mga mata ko. Alam ko at malinaw sa akin na Hindi naging kami pero bakit Ambigat ng pakiramdam na ito. Bakit Hindi Ako masaya at bakit Ako nasasaktan ng ganito.
'Posible kayang sa maikling panahon ay Ikaw na at Hindi si Dawson Ang May hawak ng Susi ng Puso ko?'
"D-Dito na ba natin tatapusin ito?". Mapait akong ngumite habang naghihintay sa sagot ni Uno.
"Kapag tuluyang natapos Ang kasunduang pagpapakasal. It's our final goodbye". Aniya bago Tumingin sa Papalubog na Buwan. "Pero hanggat Hindi pa nangyayare iyun. Mag pakasaya Muna Tayo, Girlfriend". Aniya bago Matamis na ngumite.
Mariin Kong nakagat Ang Labi ko upang pigilan Ang Pag patak ng aking mga luha habang pinag mamasdan si Uno na Ang paningin ay nasa Liwanag ng Buwan. "Tama ka.. Boyfriend". Matamlay subalit nakangiting anas ko bago huminga ng malalim.
'The story continues but, our Chapter ends here'.
***
Queen Leigh Hernandez POV
Nag Umpisa Ang Fashion Show pagkatapos ng naging paguusap naming iyun ni Uno. Katulad ng napagkasunduan Namin ni Uno ay Dumeretyo Ako sa may tent ng dressing Room ni Allison Wong. Papasok na sana Ako ng Bigla akong higitin ng Kung sino.
"What are you doing here? Bakit Hindi ka pa nakabihis? Mag uumpisa na Ang Fashion Show, Ms Allison Wong". Hesterikal na anas nito bago Ako Higitin papasok sa Tent.
"T-teka..".
Hindi na Ako nakasagot pa ng aligaga na silang lahat habang Inaasikaso Ako. Sobrang Inggay at halos Sabay-Sabay sila kung mag salita. Dumagdag pa Ang Ingay na nanggagaling sa labas kung saan gaganapin Ang Fashion Show."Nag kakamali ata kayo... H-Hindi Ako si... t-teka..". Ilang beses Akong nag paliwanag subalit parang Wala silang naririnig dahil sa Sobrang pressure. Ano Mang Oras kasi ay Mag-sisimula na Ang Event. Natagpuan ko na lamang Ang sarili ko na nakatayo sa Dami ng mga Tao sa Gitna ng Stage habang nakasuot ng Silver na Bikini.
"Go Ms Wong! You're so Pretty!". Anas nung Baklang humigit sa akin sa Tent. Mariin akong lumunok. Napakaraming Tao subalit Hindi ko Naman sila Makita dahil sa Dami ng nakakasilaw na Spotlight na nakatutok sa akin.
"OMG! Is that The Famous Allison Wong? She's so Stunning!".
"Well! No wonder why She's one of Our guest. I can't believe that One of the Beautiful faces in Thailand standing in front of us tonight".
'Ano ba itong pinasok mo Queen Leigh Hernandez!?! Huhuuuu! Nasan ba kasi si Allison Wong? Bakit Ako Yung hinigit nila?!'.
Dumagdag pa sa kaba ko Ang Bulungan ng Iba pang Runway Model na siyang Pinaguusapan Ang Ityura ko. 'Gusto ko na Tumakbo!!!'.
"What are you doing Ms Wong? Please Naman Rumampa ka na. Kailangan mong Ipakita yang Diamond Swimsuit na suot mo sa mga Tao". Mahinang Sigaw niya sa akin.
"P-pero kasi Hindi nga Ako si----------".
"What's the matter? Natatakot ka ba?". Agad nanlaki Ang Mata ko ng Makita sa Uno na siyang nasa May Tabi ko. Naka Topless siya ay tanging Brief lang Ang Suot pang ibaba.
"U-Uno.. Anong ginagawa mo dito?". Takang tanong ko.
"It's my Job". Simpleng aniya bago ngumite.
'Oo nga Pala! Model nga rin Pala si Uno'.
"Bagay sa'iyo". Aniya bago pinasadahan ng Tingin Ang kabuuhan ko. Agad na Nanginit Ang Mukha ko bago bahagyang Natakpan Ang Hinaharap ko.
"A-Ano bang ginagawa mo! Huwag mo nga Akong tignan ng Ganiyan!". Nahihiyang asik ko na Bahagya niyang ikinatawa. "Anong nakakatawa!".
"Wala ka namang B0obs kaya bakit mo pa tinatakpan?". Pangaasar niya na ikinataas ng Kilay ko.
"Excuse me!". Asik ko.
"Hindi sila nag punta dito para panoorin Tayong Mag away, Girlfriend". Bigla ay Sumeryoso si Uno bago tinitigan Ang Mata ko. "I don't know where Allison Wong Right now pero Isa lang Ang Alam ko. Napagkamalan ka nilang siya so You need to Act as Her". Aniya na siyang nakuha ko Naman agad.
"Alam ko Naman yun pero kasi----".
"Don't worry! Lumakad ka lang at I-enjoy Ang Gabi na Taas Ang Noo. Huwag mong isipin Ang mga manonood sa'iyo". Seryosong aniya bago matamis na ngumite. "Kapag Hindi ka na Kumportable tumingin ka lang sa Likod mo. I'm just standing behind you and silently Cheering you up".
Sa sinabi niya iyun ay kaagad Gumaan Ang Loob ko. Bigla ay Umusbong Ang tapang at Kompyansa sa dibdib ko. Huminga Ako ng malalim bago nag umpisang Lumakad sa Runway. Nakabibinging Palakpakan at papuri Ang aking naririnig, Nakakasilaw na Flash ng mga Cameras at Manghang Mukha ng mga Manonood. Buong Kumpyasa akong ngumite habang Rumarampa.
Matapos niyun ay Hawak kamay kaming Lumakad ni Uno na magkasama. Lalong Lumakas Ang Sigawan ng mga tao Pati narin Ang Tibok ng Puso ko.
'Kapag Kasama Kita parang Magic na nawawala Yung Kaba at takot ko sa Mundo. Parang nagiging ibang Tao Ako na kahit Ako Hindi makapaniwala. Ikaw lang Ang nagiisang Tao na nag turo sa akin na Maging matapang at Maging Masaya'.
"Gusto Kita..".
BINABASA MO ANG
Loving my Ex Boyfriend's Brother {COMPLETED}
RomanceSi Queen Leigh Hernandez ay Isa lamang simpleng babae. Mapaglaro Ang Buhay at kapalaran para sa Kaniya lalo pa dahil Maaga siyang Naulila sa magulang na Hindi niya manlang nakilala o nayakap. Sa mga Nagdaang Araw ay nakilala niya si Dawson. Isang la...