Chapter 41

39 1 0
                                    

Tristan hart Khairuz POV

"Congrats, Mr CEO!". Masayang bati ko Kay Uno matapos Ang Naging Meeting ng mga board members kanina. "At last nag bunga narin Ang mga paghihirap mo". I added. Malalim na Bumuntong hininga si Uno. Wala Ako kahit katiting na Kasiyahan na mabasa sa mga mata niya.

'Nakakapagtaka'.

"May problema ba?". Agad na tanong ko. "A-Aren't you happy?".

"Of course I am". Walang ganang aniya bago itinaas Ang mga Paa sa side table. Nasa may School Hub kami Ngayon at kataka-taka Ang pagiging tahimik ni Uno.

"Let's Celebrate? San mo gusto?". Pagaaya ko subalit parang Hindi manlang niya Ako narinig. Mariin akong bumuntong hininga bago tumabi sa kaniya. "Huwag mo Sabihin sa aking si Queen Leigh Ang iniisip mo?".

Agad akong nilingon ni Uno na animoy nagugulat na napamaang.

"Huwag Kang mag patawa! Hindi siya Ang iniisip ko". Mayriing pag tanggi niya bago inayos Ang sarili. "After what happened sa Hawaii. Tinapos ko na lahat ng koneksyon naming dalawa". Malamig na aniya.

"Ganun ba?". Nakangiwing anas ko. "Wala ka manlang bang naramdaman sa Kaniya Nung mga panahong nag papanggap kayo?". Obvious Naman na Wala pero gusto ko paring malaman. Alam ko na Impossibleng Mahulog si Uno Kay Queen Leigh pero alam ko rin na May Possibilidad kahit Papaano.

'Hindi Naman kasi mahirap Mahulog sa babaeng katulad niya. Simple, maganda at kakaibang babae'.

Huminga ng malalim si Uno na animoy may iniisip. "Nung mga panahong Kasama ko siya. Wala akong Ibang naramdaman kundi Awa. Napakahina niya at napakaliit ng tingin sa Sarili". Bahagya siyang Uminom ng Wine bago nilaro ito sa kaniyang mga kamay. "Nakikita ko sa kaniya si Mom Nung mga Panahon na Umiiyak siya. Sobrang naaawa Ako sa kaniya kaya naman tinulungan ko siya at pinasaya subalit walang ibig Sabihin Ang lahat ng iyun. Ang lahat ay Parte lamang ng Plano at Wala ng Iba pa".

'Sabi ko na nga ba..'

"Pero Bakit Hindi mo manlang siya Kinausap bago ka Umuwi ng pilipinas? Hindi ba dapat Formal niyong tinapos Ang lahat". Agap na tanong ko.

"What for? Kasama niya na si Dos and I'm sure sa mga Oras na ito ay Wala na Siyang Pakealam pa sa akin. Paniguradong napaka saya niya na". Ngumiwi siya bago malamig na ibinaling Ang paningin sa Kabilang dereksyon. "The day before I left nakausap ko si Allison Wong. Sinabi niya sa akin na Hindi na matutuloy Ang Kasal kung kaya Naman gusto niya na layuan ko na si Queen Leigh at hayaan sila ni Dos na maging masaya".

"W-What? Ibig Sabihin alam niya na Yung Plano una palang?". Nagugulat na anas ko bago Marahang Uminom ng Wine. "B-But How?".

"Hindi ko alam kung Papaano niya nalaman pero... Pinahanga niya ako". Mariing ngumise si Uno. "Magaling siya kung mag-isip Hindi katulad ng kaniyang ama". Manghang anas ni Uno. Huminga Ako ng malalim bago kalaunay mahinang natawa.

'Kung ganun ay iyun marahil Ang dahilan kung bakit nakuwa ni Uno Ang Boto ng Mga Wong para manalo bilang CEO. Iyun Marahil Ang naging Kondisyon ni Allison para sa Kasiyahan ni Dos at Queen Leigh'.

"That Allison Wong. She's Smart, Huh?". Manghang anas ko bago nag patuloy sa paginom ng Wine. "How about Cyrine? Kamusta Yung Pagdalaw mo sa Puntod niya".

"Dumating si Kylix pero Hindi niya Kasama Ang magulang niya. Nakapag Usap kami pero Hindi rin ganun katagal". Maikling tugon niya.

"I see..". Ngumiwi Ako. Maya-maya lang ay Biglang nagpaalam si Uno. "Where are you going?". Takang tanong ko.

"May bibihin lang Ako sa Pharmacy". Aniya bago tuluyang Lumabas ng Hub.

"H-huh? Ano Naman kayang bibilhin niya dun? Wala Naman siyang sakit ah..".


***

Queen Leigh Hernandez POV

"Kanina pa Umalis yun si Dos ah? Asan na kaya iyun?". Rinig kong anas ni Channel bago naupo sa may Tabi ko. "Ang init mo na Queen.  Gusto mo ba dalhin na Kita sa Clinic?". Pagaalalang aniya habang kinakapa Ang Noo ko.

"H-Hindi na.. Okay lang Naman Ako e. Ipapahinga ko nalang ito dito. Paniguradong mamaya wala narin ito". Nanghihinang anas ko bago isinandal Ang Ulo sa Desk. Hanggang ngayon ay Si Uno parin Ang iniisip ko. Nalulungkot ako sa ginawa niyang Hindi pag pansinin sa akin. Pati narin sa Hindi niya pag paalam nung Mauna siyang Umuwi dito.

'Alam ko namang pagpapanggap lang iyun pero.. Hindi niya Naman Ako kailangang tratuhin ng ganito'.

Mariin akong lumunok bago marahang Ipinikit Ang mga mata.

"Balita ko nagkaubusan na ng Gamot sa Clinic dahil madaming Nagkakasakit this Month. Palagi kasing Umaambot nitong mga nakaraang Araw e". Rinig kong anas ni Kaori.

"Kaya Pala.. siguro walang nakuhang gamot si Dos sa Clinic". Sagot Naman ni Channel bago malalim na Bumuntong hininga. "Bakit Naman kasi Ngayon ka pa nag kasakit, Queen? Hindi ka Naman sakitin Diba?".

Hindi na ako sumagot pa. Nahihilo narin talaga kasi Ako. Ang totoo ay Kahit Ako ay nag tataka dahil bihira Naman talaga Ako dapuan ng Sakit.

"Queen, May nag papabigay sa'iyo nito". Rinig kong anas ni Larry dahilan Upang marahan kung buksan Ang mga mata ko.

"A-Ano Naman kaya ito?". Takang anas ni Channel bago Binuksan Yung Supot. "Huh? Prutas at Cup noodles?".

'C-Cup Noodles?'.

Agad akong napamaang ng Bigla nalang maalala Ang Isang Tao. Huminga Ako ng malalim bago bumuntong hininga. 'Impossible..'

"T-teka may gamot pa palang kasama. Tamang Tama Queen makakainom kana Ng gamot". Anas ni Channel. "Pero kanino Naman daw ito galing?". Tanong niya dun sa lalaki.

"I don't know. Napag Utusan lang Ako e". Nakangiwing anas nito bago tuluyang Lumabas ng Classroom.

'Possible kayang galing ito Kay Uno?'. Bigla ay nakaramdam Ako ng Pagasa sa isiping iyun subalit agad ring natigilan sa Sinabi ni Kelvin.

"I'm sure galing yan Kay Dos. Nakita ko kasi siya kanina na Lumabas ng Campus after malaman na Wala ng Gamot sa Clinic". Agad na Saad ni Kelvin bago Lumapit sa Gawi ni Kaori. Doon Ako mariing bumuntong hininga dulot ng pagkadismaya.

'Nababaliw na nga yata Ako..'

"Ako na mag lalagay ng Hot water sa Cup noodles para makainom narin ng gamot si Queen". Pag piprisinta ni Kaori.

"Heto.. Salamat Pres". Nakangiting anas ni Channel bago inabot Kay Kaori Yung Cup noodles.

"Wait, Ako na Kaori". Bigla ay Pag agaw ni Kelvin sa kamay ni Kaori bago malawak na ngumite. "Ayokong Nahihirapan ka e". Masayang aniya bago kumindat Kay Kaori.

"O-Okay..". Natatawang anas ni Kaori bago tuluyang Lumakad si Kelvin sa Water station. "By the way parang Hindi ko yata napansin si Uno? M-May problema ba kayo?". Curious na tanong ni Kaori. Bahagyang napaubo si Channel bago Ako marahang nilingon. Nailihis ko Ang paningin ko sa Kabilang bahagi. Ni Hindi ko na sagot Ang tanong niya.

"W-Wait may Sulat pa palang kasama". Anas ni Channel bago kinuha Yung Sticky note at binasa iyun. Agad na nanlaki Ang Mata ko ng Makita iyun. Kamuka iyun ng Sticky note na sinusulatan ni Uno sa Hawaii kapag may Note siya sa akin.

"You're so weakling as always".

Pagbasa ni Channel sa Sulat ay Kaagad akong napabalikwas ng bangon. Mariin akong lumunok bago kinuha Yung Sulat at binasa iyun habang Panay Ang kabog ng dibdib ko.

"Napaka sweet Naman ni Dawson Tho Ang Sarcastic ng dating huh?". Natatawang anas ni Channel. Nilingon ko lang siya bago marahang ngumite.

'Alam kung sa'iyo ito galing. Hindi Ako pwedeng mag kamali.... Uno".

Loving my Ex Boyfriend's Brother {COMPLETED}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon