STILL DOS POVLumuhod Ako sa harapan ni Allison at nag-Umpisang mag banggit ng Vows. "This ring is a sign of my love and loyalty to you". Hindi ko alam subalit nakay Queen Ang mga mata ko habang sumasambit ng Vow. Napapanood ko Ang Pag landas ng luha sa kaniyang mga mata. Nang Hindi na niya makayanan ay Mabilis siyang Tumakbo subalit aksidente siyang nabangga ng isang Waiter dahilan para matapos sa damit niya Ang mga alak na bitbit nito.
"Queen..". Mabilis Akong tumayo. Akma na sana akong tatakbo para tulungan siya ng maramdaman ko Ang mahigpit na pagpigil sa aking braso. Nilingon ko si mama na masama Ang tingin sa akin.
"Are you okay, Ija?". Tanong ni Lolo Garp Kay Queen na kasalukuyang naka Upo parin sa sahig. "Pwede ko bang malaman kung kanino Kang Angkan nabibilang?". Tanong ni Lolo Garp habang tinitigan si Queen. Lalo akong nakaramdam ng inis dahil alam Kong Ang liit ng tingin nila Kay Queen. Sa mga Oras na ito ay isa-isa nila siyang hinuhusgahan.
"Look Dad! Naka T-shirt lang siya na Itim at naka maong na pants at rubber shoes like ewww! Is she even invited?". Anas nung babaeng anak ng Isa sa mga Board members.
"Maybe she was also a servant here!". Natatawang anas Naman ng Iba.
"Bitawan mo Ako, Ma!". Galit na talagang anas ko.
"No! You stay here!". Angil ni Mama subalit Hindi ko na siya Pina kinggan pa. Sa mga Oras na ito ay Wala nang ibang mahalaga sa akin kundi si Queen at Wala ng Iba pa. Gusto ko siyang mailayo sa mga Taong ito.
'Wala na akong pakealam! Nakahanda na Ako sa magiging kaparusahan mailayo lang Kita dito!'.
Malayo pa man ay Automatiko na Akong natigilan ng Makita si Uno na nakatayo sa harapan ni Queen. Inilahad niya Ang kaniyang kamay para Tulungang tumayo si Queen.
'Huwag.. please.. huwag mong Kunin Ang kamay niya, Queen'.
Matagal bago abutin ni Queen Ang kamay ni Uno subalit inabot niya rin ito kalaunan. Marahang pinunasan ni Uno Ang mga luha ni Queen bago hinawakan nito Ang kaniyang kamay.
"Everyone, I would like you to meet my Girlfriend. Queen Leigh Hernandez". Seryoso subalit proud na anas ni Uno na siyang ikinagulat ng lahat. Maging ni Lolo Garp at lalong lalo na Ako. "Be nice to her or else.. Ako mismo Ang mag bubura ng mga pangalan niyo sa Board". Bigla ay Cold na banta niya bago hinigit si Queen papalayo.
***
Tristan hart Khairuz POV
"What are you doing, Uno? We're going late". Anas ko ng Makitang Hindi pa nakaayos si Uno. Nakasandal siya sa Sofa habang naninigarilyo. Agad akong napabuntong hininga. Naninigarilyo lang siya kapag stress and Frustrated siya. "What's the prob?".
"Mr Wong broke our agreement. Nangangahulugan lamang ito na Tuloy Ang kasunduang pagpapakasal ng Angkan ng mga Wong Kay Dawson".
Ramdam ko Ang matinding inis sa Boses na iyun ni Uno. Matagal na niyang pinag planuhan ito kaya Naman Hindi ko siya masisisi. "Napaka gulang na matanda!". Hindi makapaniwalang anas ko. Nilingon ko Ang Isang malaking itim na Case Bag sa tabi ni Uno. Nasisiguro ko na ito Ang Perang ibinalik ni Mr Wong bilang pagputol sa kasunduan.
Ang kasunduang iyun ay plinano mismo ni Uno Mula ng malaman niya na Angkan ng Mga Wong Mula sa Thailand Ang napili ni Lolo na maging kabiak ni Dos. Nasisiguro naming magbibigay iyun ng malaking Impak sa pangalan ni Dos lalo na sa Mata ni Lolo Garp at ng Iba pang Board members ng Khairuz Group of Company.
"Paniguradong si Dos na Ang Susunod na Magiging CEO ng Khairuz Company". Dismayadong anas ko bago lumingon Kay Uno. "What are you gonna do now? Aren't you going to let him get that position just like that, Right?"
"Never!! Pinaghirapan ko Ang Khairuz Company Mula palang nung Bata Ako. Bago mamatay si Mom ay ipinangako ko sa kaniya na Ako Ang Susunod na mag mamayari ng Kumpanyang pinaghirapan nila ni Dad". Ramdam ko Ang lamig at tindi ng poot na namamayani Kay Uno sa mga Oras na ito. "Hindi ko hahayaan na Isa lang Bastardo Ang Aagaw ng mga ambisyon at pinaghirapan ko. Besides, baka nakakalimutan mo na may Position na Ako sa Company".
"So what's your plan?". Agad ay tanong ko. Matagal bago sumagot si Uno. Alam ko na may gumugulo sa isip niya sa mga Oras na ito.
"That girl! She's our last option and the strongest weapon to Destroy that engagement between Wong Clan and to Destroy Dos as well". Walang emosyong anas niya. Nasisiguro Kong sa mga Oras na ito ay naka Plano na lahat ng galaw ni Uno.
"You mean, That Queen Leigh Hernandez?". Takang tanong ko bago bahagyang napaisip. "Are you sure about that? I mean.. Ilang Araw narin simula ng pagpapanggap niyo sa School pero Hindi ko Makita Ang epekto nito Kay Dos. Hindi ko rin sila Makita na mag-usap man lang". Agad Kong naalala Yung araw na dumating si Queen sa Field para sampalin si Uno. After nun ay narinig ko Ang naging pag-uusap ni Dos at Queen. "Kung tutuusin parang Basura lang Ang tingin ni Dos sa babaeng iyun. Wala siyang pakealam at ni ayaw niyang malaman nino man na nagkaroon sila ng relasyon".
"Don't underestimate Dos. Sa maikling panahon na nakasama natin siya ay alam ko na agad na Hindi siya basta-basta kakagat sa ganuong klase ng trap. It's hard to admit but he's still a Khairuz and so he act as one".
"W-What do you mean? Hindi Kita maintindihan, Uno". Naguguluhang anas ko. "Kung alam mo na Pala na Hindi tumatalab Kay Dos Yung ganuong klaseng Strategy. E' bakit ginagawa mo parin?".
"Because of that girl". Bahagyang natigilan si Uno na animoy malalim Ang iniisip. "There's something about her that I can't explain. Hindi siya katulad ng ibang babae sa Hindi ko maipaliwanag na dahilan. Dahil dun alam ko na agad na impossible para Kay Dos na Basta nalang siya Kalimutan o talikuran". Bigla ay Lumonok si Uno ng Mariin bago bumuga ng Usok patungo sa itaas ng kisame. "Maaaring matalino nga si Dos. Possible na alam niya na Ang Plano ko simula Palang kaya Umaasta siya na Wala siyang pakealam".
"You mean.. sinasadiya niyang Huwag pansinin Ang babaeng Yun Hindi dahil Wala na siyang nararamdaman dito kung Hindi dahil------".
"He wanted to protect her from us". Ngumisi si Uno bago makahulugang tumingin sa gawi ko. "Ngayon.. Naiintindihan mo na ba Ang ibig Kong Sabihin?". He smirked.
Tinignan ko si Uno ng Mariin. Ngayon ay malinaw na sa akin Ang lahat at pati narin Ang Plano ni Uno. Hindi ko mapigilang mamangha sa Talinong ipinapakita ni Uno sa mga Oras na ito. Hindi ko akalain na sa maikling panahon ay makakaisip siya ng panibagong Plano matapos masira Ang Nauna.
"Kaya Pala Tinanggap ni Dos Ang Engagement para paniwalain si Queen na Wala na siyang nararamdaman dito but the truth is he wanted to sacrifice himself to save that girl from us". Hindi ko rin mapigilang mamangha Kay Dos. Hindi Ako makapaniwala na nalaman niya agad Ang layunin ni Uno simula palang.
"Lies is part of people's life". Malamig na anas ni Uno bago kaagad na Ngumisi. "Pero kahit Anong pagtatakip ni Dos sa nararamdaman niya. Alam ko na naaapektohan siya kapag Nakikita niya Ang babaeng iyun. Alam ko na nasasaktan siya ng dahil sa babaeng iyun at iyun din Ang gagamitin natin to bring him down". He smirked.
BINABASA MO ANG
Loving my Ex Boyfriend's Brother {COMPLETED}
RomanceSi Queen Leigh Hernandez ay Isa lamang simpleng babae. Mapaglaro Ang Buhay at kapalaran para sa Kaniya lalo pa dahil Maaga siyang Naulila sa magulang na Hindi niya manlang nakilala o nayakap. Sa mga Nagdaang Araw ay nakilala niya si Dawson. Isang la...