Queen Leigh Hernandez POV
Maaga akong nagising kinabukasan Araw ng Lunes. Kaagad Kong pinatay Ang alarm na kanina pa tumutunog bago ko itinali Ang aking mahabang buhok. Matapos niyun ay Dumeretyo Ako sa labas ng Kwarto subalit walang Channel Ang Naroroon katulad ng nakasanayan ko.
'Himala yata.. Nauna Akong nagising kesa kay Channel'.
Kaagad ko siyang kinatok sa Kwarto niya at ng walang makuhang sagot ay Kusa na akong pumasok. Mabuti na lamang dahil Hindi iyun naka Lock.
"Hoy, Channelas Wala ka bang balak Pumasok? Tanghali n-------------". Automatiko akong Natigilan ng mapansing walang tao sa Kwarto ni Channel. "Saan Naman kaya siya nag punta? Nauna na kaya siyang pumasok? Ang aga Naman ata Masiyado".
'Nakakapagtaka..'.
Lalabas na sana Ako ng mapansin ko Ang Isang Sulat Mula sa may Table kung saan nakapatong Ang mga libro ni Channel. Marahan ko iyong nilapitan bago Ako mariing lumunok. Hindi ko pa mandin nabubuksan ay Iba na ang aking pakiramdam ukol dito. Huminga Ako ng malalim bago iyun tuluyang binuksan.
* Queen, Pasensya na kung Hindi na Ako nakapag paalam sa'iyo ng personal. May kailangan lang Akong asikasuhin na importanteng bagay kaya naman pagsamantala Muna akong mawawala. Hindi ko alam kung kailan Ako makakabalik pero sana mag iingat ka palagi. Wala na Ako diyan para bantayan ka o kaya Naman protektahan ka kaya Naman sana Alagaan mo Ang sarili mo. Ikamusta mo narin Ako Kay Tito Baggi kapag nagising na siya huh? Mag kikita pa Naman Tayo kaya Huwag Kang malulungkot, Okay? I love you Best friend ~ Channel*
Bahagyang tumulo Ang Luha sa mga mata ko bago marahang napaupo sa kama ni Channel. Pinag masdan ko ang nakabibinging katahimikan bago ko marahang Niyakap Ang aking mga tuhod.
"Mag-isa nanaman Pala Ako..".
'Iniwan mo rin Ako, Channel..'. Nanlulumong anas ko bago iniyuko Ang Ulo sa aking mga tuhod. 'Kailangan ka ba babalik?'.
Matapos niyun ay Dumeretyo na Ako sa Wabyu Campus matapos ayusin Ang aking Sarili. Bahagya akong natigilan ng Makita Ang papalapit na si Dawson. Kaagad sumilay Ang ngite sa aking Labi subalit agad rin iyong nawala ng tuluyan niya Akong Lampasan na animoy Hindi Ako nito Kilala. Buntong hininga akong muling lumakad habang Ang paningin ko ay nasa may pares Kong mga paa. Habang tumatagal ay Unti-Unti Kong nararamdaman Ang lungkot sa mga Oras na ito. Muli akong Bumuntong hininga sa ikalawang pagkakataon.
Agad akong natigilan sa paglalakad ng Mapansin Ang Isang pares ng sapatos na nakatayo mismo sa harapan ko. Marahan Kong inangat Ang aking Ulo upang Makita kung sino iyun.
"Is that the new Trend today? Ang maglakad habang nasa may Paa Ang paningin?". Pagbibirong aniya bago mahinang ngumite.
"U-Uno..". Mahinang pagtawag ko sa kaniyang pangalan. Matamis siyang ngumite habang nakatitig sa mga mata ko. Kaagad nangilid Ang mga luha sa Mata ko Hanggang sa namalayan ko na lamang na mahigpit na akong nakayakap sa Kaniya. Ramdam ko Ang Bahagyang pagkagulat ni Uno dahil sa ginawa ko.
"Ganun mo ba Ako kamiss? Parang magkasama lang Tayo kahapon, huh?". Muli ay pabirong aniya subalit bakas Ang Pagtataka niya sa ikinilos ko. "May problema ba?". Seryosong tanong niya ng Maramdaman Ang Pananahimik ko. "May Nanakit ba sa'iyo? Just Fvcking tell me..".
Sa mga sandaling iyun ay mas hinihigpitan ko Ang pagkakayakap Kay Uno. Ramdam ko Ang marahang pagtulo ng mga luha sa mga mata ko pati narin Ang sakit at Lungkot na nag uumapaw sa puso ko.
"W-What's Wrong, Queen Leigh.. You make me fvcking worried about you". Puno ng pagaalalang tanong ni Uno habang nakayakap sa akin.
"Huwag mo akong iiwan, huh? Huwag Kang aalis sa Tabi ko, Uno". Mahina subalit bakas Ang matinding Lungkot sa Boses Kong iyun. "Ipangako mo na Hindi ka lalayo.. na Hindi mo Ako iiwang mag-isa". Lumuluhang anas ko habang mas niriinan Ang pagyakap sa kaniya. Matagal bago sumagot si Uno. Pakiwari ko ay inaalam niya pa kung ano ba talaga ang mga nangyayare.
BINABASA MO ANG
Loving my Ex Boyfriend's Brother {COMPLETED}
RomanceSi Queen Leigh Hernandez ay Isa lamang simpleng babae. Mapaglaro Ang Buhay at kapalaran para sa Kaniya lalo pa dahil Maaga siyang Naulila sa magulang na Hindi niya manlang nakilala o nayakap. Sa mga Nagdaang Araw ay nakilala niya si Dawson. Isang la...