Chapter 36

46 1 0
                                    


Dawson Spade Khairuz POV

"Where are you going?". Takang tanong ni Allison ng Bigla akong Tumayo. Hinawakan niya Ang kamay ko subalit Agad ko rin iyong Hinila. "B-Babe..".

Mabilis Akong Lumakad papasok sa Hotel at dumeretyo sa Room ni Mama. Malakas kung isinara Ang pintuan na siyang ikinagulat niya.

"What the H3ll, Dawson!". Asik niya bago ibinaba Ang baso ng wine malapit sa Lamp. "Ano bang problema mo!".

"Why did you do that to her, Ma! Bakit mo pinahiya ng ganun si Queen!". Mariing asik ko na siyang ikinagulat ni mama.

"What are you talking about!? Hindi ba nga Ako Ang napahiya sa harapan nilang lahat?". Pagdedeny niya. "Kung tutuusin nga dapat ay Ako Ang Magalit dahil Hindi mo manlang Ako ipinag tanggol sa Onel Ace na iyun! Tapos Ngayon susugurin mo Ako para Ipag tanggol Yung babaeng Squatter na'yun!!".

"F*ck it Mom! Ayan ka nanaman e.. Mag papavictim ka nanaman kahit Ikaw Naman talaga Yung may kasalanan!". Galit na asik ko bago mariing nasapo Ang aking Ulo. "Palagi mo nalang ginagawa yan! Nakakapagod ka na, Mom!".

"Bakit ba nagagalit ka ng Ganiyan!? Dahil ba hindi mo nagawang Ipag tanggol siya kanina nung pinapahiya ko siya!?". Makahulugang asik ni mama dahilan para natitigilan ko Siyang lingunin. "Ano bang Nakita niyo sa Queen Leigh na iyun at Nagkakaganiyan kayo ni Uno!".

"K-kung ganun..".

"Tama ka! Alam ko na Ex mo Ang walang hiyang babaeng iyun. And the reason why nagkakaganto Ako ay Dahil alam ko na mahal mo pa siya Hindi ba?!". Seryosong tanong ni mama. Hindi Ako makapaniwala na alam niya palang ex ko si Queen. "Sumagot ka Dawson!".

"Tama ka! Mahal ko parin siya Ma!". Mayriing sigaw ko. "Mahal na Mahal na Mahal ko parin siya at kahit kailan Hindi na mawawala iyun". Nag umpisang mangilid Ang luha sa mga mata ko. "Pero mas pinili Kita Ma. Mas pinili Kong sundin Ang mga Utos mo kesa makasama si Queen. Mas pinili Kong Magpakasal sa babaeng Hindi ko Naman mahal para lang sa Pangarap mo na maging parte ng Pamilya Khairuz!". May halong Galit at sumbat na anas ko.

"Ang kapal ng Mukha mo!". Galit na asik ni mama Bago niya Ako malakas na sampalin. "Without me You're nothing, Dawson! Kung Hindi dahil sa akin Hindi ka magiging Khairuz! Sisirain ka lang ng babaeng iyun at Hindi Ako papayag! Hindi Ako papayag na Umaligid aligid Ang Isang Linta sa Pamilya natin!". Asik niya.

"Here we go again!". Mahina akong natawa habang umaagos Ang Luha sa mga mata ko. "Habang Buhay mo ba isusumbat sa akin yan?! Sa tingin mo ba talaga gusto ko maging Isang Khairuz?!". I shouted. "You're wrong! At kung papipiliin ako ng kapalaran. Mas pipiliin Kong maging Squatter kesa maging Isang Anak sa labas na Khairuz at kesa maging Nanay Ka!".

"How dare you!". Malakas na asik niya bago Ako Muling sinampal. Mariing nakagat ni mama Ang kaniyang labi bago nag umpisang humahagulhul ng iyak. "Hindi mo alam kung Anong pinag daanan ko para lang maabot kung nasaan Ako Ngayon at Hindi ko hahayaang masira lang iyun ng dahil sa pagkahumaling mo sa babaeng iyun!".

"Kaya ba Buhay ko Naman Ang sisirain mo?". Doon na tuluyang bumaba Ang Boses ko. Mariin Kong nakagat Ang labi ko habang tinititigan si mama. Wala Akong kahit konting awa o pagsisisi na nababasa sa Kaniya. Tanging pangarap at mithiin niya lang Ang tanging Nakikita ko.  Ramdam ko Ang init ng Luha sa mga mata ko. Marahil ay Ganito nga yata kapag labis Kang nasasaktan.

'Bakit parang Hindi ko maramdaman na Mahal niyo Ako, Ma..'

"Anak mo Ako ma. Hindi Ako Isang kasangkapan na pwede mong gamitin para sa mga pangarap mo sa Buhay". Umiiyak na anas ko bago marahang tumalikod sa gawi niya. "Simula Ngayon, Wala ng kasal na magaganap. Kalimutan niyo narin na Maging Ina ng Future CEO ng Khairuz Group of Company dahil Hindi na mangyayari iyun". Seryosong Saad ko bago tuluyang Lumabas ng pinto.

Loving my Ex Boyfriend's Brother {COMPLETED}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon