Prologue

30 4 0
                                    


Masayang nag lalakad ang dalawang batang mag kakaibigan, pareho silang ulila at wala nang mga magulang. Napahinto sila sa paglalakad ng may tumigil na isang magandang kotse sa harap nila, bumukas ang pinto at isang lalaki ang nagsalita mula sa loob.

"Gusto niyo ba nito?" Masayang tanong ng isang lalaki na nasa loob habang hawak ang masasarap na pagkain at laruan. Tumango naman ang dalawang bata at pumasok sa loob ng kotse.

"Let's go!" Malamig na sabi niya sa driver, pinakain niya ang dalawang bata at unti unti itong nawalan ng malay. Inilipat sila sa likod ng kotse at dito ay may mga nakahiga rin na mga batang walang malay.

Dinala sila sa gitna ng kagubatan at doon ay may isang munting bahay, pinasok sila sa loob ng bahay at pumunta sa basement.

Inilagay na sa patient's bed ang dalawang bata katabi ng isang magandang batang babae.

"Dad, wala na po ulit akong makita" sabi ng isang magandang babae habang may ini'inject sa kaniyang leeg. Nataranta ang lalaking doctor at dali daling nag inject para kunan ng dugo ang dalawang walang malay na mga bata. Hindi niya napalitan ng needle ang gamit niya dahil sa pagmamadali.

Maya maya lang ay may isang police car ang dumating at narinig iyon ng doctor. Umakyat siya at kinuha ang shotgun, pinagmasdan niya ang tao na nasa labas. Dalawang police ang lumabas sa kotse.

Lumabas siya at binaril ang isang police, tinamaan ito sa may dibdib at tumalbog. Binaril ng isang police ang doctor at tinamaan ito sa legs nito. Gumapang pa pasok ng bahay ang doctor, sumunod naman ang police.

Pag bukas ng pulis sa pinto ng basement ay naagulat siya sa nakita niya, kasunod nun ay ang putok ng baril at tumama ito sa tenga niya, namilipit sa sakit ang police, nakita niyang bumangon ang dalawang batang walang malay, habang sumisigaw ang isa pang magandang babae.

"Tulong, kuya tulungan mo kami" sabi ni isang babaing ulilla. Tiniis ng police ang sakit at tumayo, binaril niya ang doctor ng Dalawang beses tinamaan ito sa noo at namatay.

"DADDDD!" sigaw ng isang babae.

Nakalabas silang tatlo sa bahay na yun at sumakay sa police car, habang nag mamaneho ang isang police ay nagulat siya ng may kumalabog sa kotse niya.

Lumabas siya at tiningnan ito, ngunit wala siyang nakita. Nagulat ang police ng may isang tao ang sumunggab sa kaniya at tinakpan ang mga mata nito, nakita ng dalawang bata ang nangyari, natakot sila at tumakbo ng mag kaibang deriksyon.

Tumatakbo habang umiiyak ang isang babae hanggang sa nakarating ito sa maliit na bayan at nabunggo ng isang motor. Habang ang isang batang lalaki ay nakarating sa police station at humingi ng saklolo.

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°

ATTENTION: This story might content any rude words, that you are not comfortable with, please, read at your own risk. Thank you so much. Mwua mwuaa

All names, places, events and incidents are fictional, I am truly sorry for any similarities.

REIN_GLUX

presents

Behind Her Eyes

All Rights Reserved

2024

Enjoy reading, please help me support my story, thank you so muchhhh, mwuaaaaaa

Behind Her EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon