Epilogue

13 3 0
                                    

Nagising si Olivia sa pagkakatulog at pinakiramdaman ang paligid kung asan siya, napansin niyang may mga nakakabit na wire sa kaniya. Nasa hospital siya at maya maya pa ay may pumasok na doctor kasunod non ay si Jet, Emman at Lola. Good thing dahil sa tagiliran lang tumama ang bala at naagapan naman kaagad.

Niyakap siya ng lola at ng kapatid. Nag kwentuhan ng mga masasayang alaala.

Nang umalis na ang lola at si Emman ay lumapit naman si Jet sa kaniya at hinawakan ang mga kamay nito.

"I miss you" bulong ni Jet at hinalikan ang mga kamay nito.

"Oo nga eh, nasabi sa akin ni Lola na 1 month din akong nakatulog. I thought I was gonna die" sabi ni Olivia ng nakatingin sa kisame.

"Kumusta si Dale? Si- si-.." Hindi na natuloy ni Olivia ang sasabihin niya dahil napahagulhol nalang siya ng maalala si Gerald at Paul. The tragedy of their team and their friendship.

Hindi niya akalian na sila sila lang pala ang magpapatayan sa huli ng kanilang case.

"Dale's doing fine. Nag resign na din siya sa pagka police, dahil hindi niya na daw kaya." Sagot ni Jet at tumingin ng mariin kay Olivia at saka bumuntong hininga.

" Gerald- he- ahm, They haven't found his body" sabi ni Jet. Mas lalong nalugmok si Olivia sa narinig.

"Panong- panong hindi makita? "

"Base sa investigation, makikita sa dugo na posibling gumapang si Gerald papunta sa gilid ng pangpang at nahulog. Pero hinanap na rin ang dagat pero wala pa rin."

Pagka discharge ni Olivia sa hospital ay hiniling niya na puntahan ang puntod ni Paul.

Inilapag ni Olivia ang bulaklak na dala niya at tiningnan lang ang puntod.

"Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa'yo. Gagu ka eh. But still, you were my friend, we were family. Sorry kung naiwan kita noon mag isa, sorry kung hindi kita nakilala agad. Alam mo, mula nung mga bata pa tayo, binubogbog mo na talaga ang ibang mga bata. I guess, you were born to be fighter pero ginamit mo ito sa balikong hangarin mo."

Pagkatapos nilang magpa alam kay Paul ay umalis na sila pabalik sa bahay ni Olivia.



Ang lahat ng nangyayari ay may kapaliwanagan.
Ang lahat ng masama ay may pinaghuhugotan.
Pero ang iba ay nakatadhana talagang maging masama kaya makiramdam ka kung gusto mo silang maunawaan.











T H E   E N D




Thank you for supporting this story, at sana ay masamahan niyo pa ako sa journey sa pagsusulat.


ALL RIGHTS RESERVED

2024

***

Rein_Glux

Behind Her EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon