Chapter 23 - Over

9 3 0
                                    

Nagising si Olivia na nakahiga na sa malamig na stainless. Inilibot niya ang paningin at nakita niyang nasa kwarto na naman siya. Nakita niya si Gerald na walang malay at may mga pasa sa mukha.

"Paul, please. Pakawalan mo na kami, o kahit si Gerald lang. Ako lang naman kailangan niyo diba?" Nagmamakaawang sabi ni Olivia.

Nilagay ni Paul ang mga susi sa bulsa ng kanyang pantalon at lumapit sa kaniya si Paul, hindi ito nagsalita nakakatakot na mga tingin.

"How did you become more stronger than my hypnotizes?" Tanong nito at seryoso pa rin na nakatingin kay Olivia.

Hindi masagot ni Olivia ang tanong na iyon dahil maging siya rin ay hindi rin alam ang totoo.

"Hindi ko rin alam, okay? So please, pakawalan mo na kami" ulit na sabi ni Olivia, dahil natatakot siya. Natatakot siyang mamatay o pumatay ng mga inosenting tao na ginagawa nila Paul.

Maya maya pa ay tinanggal na ni Paul ang tali kay Olivia. Mapansin ni Olivia ang dahan dahan na pag bukas ng pinto, akala niya si Paige.

Tiningnan niya si Gerald na nakatingin din sa pinto.

Lumaki ang mga mata ni Olivia sa gulat ng makita niya si Jet, naibsan rin kahit papano ang kaniyang pakiramdam, at nagkaroon ng chance na makaligtas.

Tumingin ulit siya sa pwesto ni Gerald at nagkatinginan nalang sila.

Nang matanggal na ang lahat ng tali sa kaniya ay agad niyang hinablot ang susi sa bulsa ni Paul pero hindi naging madali ang pagkuha.

Nakuha niya ito pero nahuli agad ang kamay ni Olivia, pilit niya paring inaagaw kay Paul ang susi.

Isang malakas na sampal ang pinakawalan ni Paul dahilan ng pag dugo ng labi at pag mark sa mukha ni Olivia, sinuntok niya ito sa sikmura saka tinapon sa kung saan.

Sobrang sakit ng sampal at suntok, kaya nanghihina na si Olivia, iniinda ang sakit at pilit na tumayo.

Lumapit sa kaniya si Paul.

"I-I'm sorry Liv, I didn't mean to hurt you, I'm so sorry. Anong nagawa ko? Fuck!" Naghahalong emosyon na sabi ni Paul, galit at guilty siya sa nangyari kay Olivia.

"I'm sorry too" mahinang sagot ni Olivia dahil sa sakit na tinamo niya ay nawalan siya ng lakas.

Lumapit naman si Jet sa likod ni Paul dala ang isang matigas na tubo at malakas na hinampas kay Paul, agad na lumingon si Paul sa likod hawak ang batok na tinamaan ng malakas na hampas.

"Fuck!" Sabi niya at tumumba dahil nawalan na ito ng malay. Ibinigay ni Olivia ang susi kay Jet para makawalan si Gerald.

Nakalabas silang tatlo sa bahay na iyon at naglalakad na paalis sa kagubatan.

Dumating naman si Paige sa bahay at galit na galit ito sa nadatnan.

Nakita niya si Paul na walang,

"Fuckin stupid!" Sigaw niya at lumapit kay Paul.

Ginising niya ito at nagising naman si Paul.

"Where the hell are my food, Paul?" Galit na tanong ni Paige, nakakatakot ang mukha dahil sa galit nito ay nag iba na ang anyo nito.

"Nakatakas sila. Hindi pa sila nakakalayo." Nagmadaling tumayo si Paul at agad na tumakbo palabas.

Kinuha naman ni Paige ang isang knife na nakita niya sa loob ng bahay at agad na sobrang bilis na umalis para hanapin ang kaniyang mga bihag.

Bukod sa hypnotize ay may iba pang kakayahan si Paige bilang isang bampira, tulad na lang ng speed and enhance sense of hearing.

Akay akay ni Jet si Olivia. Si Gerald ang nauna sa kanila para mas mahanap nila ang labasan.

"Sandali lang, kailangan ko mag pahinga. Sandali lang, para mas mabilis tayo sa pag lakad kung hindi mo na ako inaalalaayan."  sabi ni Olivia kay Jet, makikita sa mukha ni Jet ang pag kabalisa at tinawag niya si Gerald.

Hindi nila alam na nakabalik na si Paige at hinahanap na sila ng halimaw. Dahil sa ingay ng tatlo ay hindi naging mahirap kay Paige ang hanapin sila.

"Gerald, saglit lang, kailangan lang mag pahiinga ni Olivia." Tawag ni Jet kay Gerald, at isinandal si Olivia sa isang puno, at pumikit rin siya samantala.

Nag lalakad pabalik si Gerald sa kanila para umupo rin.

"Malapit na rin naman mag umaga. Mas mapapadali tayo kung bukas--"  natigil sa pag sasalita si Gerald at dahan dahan itong tumingin ssa tiyan niya  ng may maramdaman siyang mahapdi na parang tumusok sa tiyan niya.

"Gerald!" Sigaw ng dalawa ng makita ang kutsilyo na nakasaksak mula likod hanggang sa harap ni Gerald pinaling ni Paige ang leeg ni Gerald to give her more access sa leeg nito.

"You made me no choice but to do this Olivia." Nakakatakot na sabi ni Paige at saka kinagat sa leeg si Gerald.

Sumikip ang dibdib ni Olivia, at nag hahalo halo na ang kaniyang emosyon.

"Liv, tara na. LIV!"  tuloy tuloy na sabi ni Jet, pero wala nang marinig si Olivia. Sumunod lang siya habang hinihila siya ni Jet.

Napunta kaagaad si Paige sa unahan nila at pareho silang hinawakan sa leeg at itinapaon sa kung saan. Tumama si Olivia sa puno at bumalik na rin ang kaniyang katinuan.

Palapit na sa kaniya si Paige pero dumating si Jet at pinigilan si Paige sa pag atake kay Olivia, hinawakan niya ito mula likod para mapigilan ang bampira.

"Umalis ka na Liv, go!" Sigaw  ni Jet.

"HIndi, sabay tayong aalis dito." Sagot ni Olivia.

"I'll be fine. Umalis ka na hanggat kaya ko pa siyang pigilan." sabi ni Jet, kahit ayaw man  niyang iwan siya ay wala siyang magagawa kundi ang umalis at makaligtas.

Hindi pa man nakakalayo si Olivia ay naubos na ang lakas ni Jet, iniuntog ng paulit ulit ni Paige si Jet sa puno dahilan para makawala siya dito.

Malapit na sumikat ang araw kaya nanghihina na rin si Paige, kailangan niya nang makainom kahit kaunti ng dugo ni Olivia para bumalik ang lakas at hindi matunaw sa araw.

Habang tumatakbo si Olivia ay nakita na niya si Paige na nasa harapan niya.

"TIGIL" Sigaw ng isang lalaki sa likuran ni Paige, si Dale. Nang makita ni Dale na aatakihin siya nito ay pinaputukan niya ito ng baril pero iba ang tinamaan.

hinarang ni Paul ang sarili para iligtas si Paige, Hindi maintindihan ni Paige ang nararamdaman pero sobra siyang nagalit sa nangyari.

Agad na sumulpot si Paige sa harap ni Dale at animoy kakagatin niya na sana ito pero nabaril siya ni Dale, na agad naman naghilom ang sugat. Kinalmot niya si Dale sa mukha at sa ibinalibag ito. Nabitawan ni Dale ang baril tumilapon ito malapit kay Olivia.

Sabay na pinulot ni Olivia at Paige ang baril. Kinalmot kalmot siya ni Paige pero hindi siya nagpatinag sa hapdi at sakit nito.

Nakita ni Olivia na unti unti na silang tatamaan ng sikat ng araw kaya ipinaubaya niya kay Paige ang baril at ngumisi.

"Bring that to hell, BITCH!"  Sigaw ni Olivia at buong pwersang sinipa si Paige papunta sa sinag ng araw.

Napangisay si Paige at sumisigaw sa sakit at nakalabit ang gatilyo ng baril. Lumaki ang mata ni Olivia ng makaramdam siya ng sakit sa tagiliran niya.

Dahan dahan ng nag b'blurred ang paningin niya. Nakita niya ang mukha ni Jet, sa huling sandali ay nakita niya ang taong mahal niya..

Ngumiti siya dito.

"I- it- it's ov-ver" Pinilit niya ang sarili na matapos ang katagang iyon bago pa man siya tuluyan nang mawalan ng malay.






°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°

T H A N K   Y O U

Behind Her EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon