Chapter 17 - Document

7 3 0
                                    

Inilihim ni Olivia ang nangyari sa bahay niya, wala siyang pinagsabihan kahit na ang lola at ang kapatid niya, maging kay Jet ay hindi niya sinabi.

Gusto na tumigil ni Olivia sa pag iimbistiga dahil sa hindi na siya pulis, pero hindi pa rin siya tinatantanan ng killer.

Kaya ngayon ay papunta silang dalawa ni Jet sa may eskinita na huli nilang nakita si Dale. Nakita nilang may nakakabit na cctv kaya pinuntahan nila ito at pinanood ang footage.

Pinanood nila ito at nakita nila si Dale na nahuli sa cctv, dahan dahan itong naglakad hanggang sa mawala siya sa camera.

"Yung isa pa pong cctv dun?" Tanong ni Olivia sa operator.

"Sorry po ma'am, matagal na pong hindi nagagamit iyon, sira na po kasi yun ma'am." Paliwanag ng operator.

Wala na silang magawa kahit pa mag reklamo sila ay hindi na nila mababago pa iyon kaya pinanood nalang nila ulit ang footage at napansing nilang may dumaan na isang black na van.

" Dale, " bulong ni Olivia at lumabas.

" Nung nawala siya sa footage papunta na siya sa van non, at siya mismo ang nagdrive ng van na yun. " Paliwanag ni Olivia.

" Pero parang may mali" Takang tanong ni Jet at ikinalat ang paningin upang mag isip.

" Paanong mali? Malinaw na si Dale nga ang killer" Dali daling sagot naman ni Olivia papasok sa kotse.

" Kasi kung siya nga killer, bakit ganun yung lakad niya? Para bang may pinag tataguan siya at maingat yung paglalakad niya"  Tanong ni Jet, at iniisip pa rin kung bakit kakaiba ang kilos ni Dale sa video.

"Kasi kung siya nga ang killer, malamang kampanti na siya sa paligid dahil kabisado niya na ito, at idagdag mo pang kaya niyang mag hypnotize ng mga tao" Dagdag ni Jet.

" Of course Jet, nag iingat siya na walang makakakita sa kaniya. Kailangan malaman to nila Paul" Sagot ni Olivia at saka na sila tumungo sa police station.

Nag message nalang si Olivia kay Paul na lumabas saglit sa station para makausap.

Ilang sandali pa ay nakita nilang palabas na si Paul kaya lumabas na rin sila sa kotse at hinintay na sa labas si Paul.

"What's the matter?" Agad na tanong ni Paul at kumuha ng isang yosi at sinindihan ito, bumuga ng usok.

Binigay ni Olivia ang copy ng footage, nakakunot noo naman itong tinanggap ni Paul.

"Hindi ka na ba talaga babalik sa service Liv? We need you" Sabi ni Paul ng matanggap ang binigay ni Olivia.

"Hindi na, okay na ako" sagot ni Olivia at tumingin kay Jet.

"Si Dale, look after him Paul. Hindi natin alam kung ano pa ang kaya niyang gawin" pagbigay ng babala ni Olivia kay Paul. Tumango lang si Paul at humithit ulit sa yosi niya.

"Kaya lang may kakaiba sa kilos niya, pansinin mo yung paglalakad niya-" hindi na natapos ni Jet ang pagsasalita ng pigilan siya ni Olivia.

"Jet, stop it!" - Pag suway ni Olivia kay Jet, hinawakan niya pa ito sa kamay para tumigil sa pagsasalita.

Napatingin nalang din si Paul sa kamay ni Olivia na nakahawak kay Jet at saka mapait na ngumiti.

" Don't worry, lover boy, papanoorin ko ito ng maigi at walang ni isang impormasyon ang makakalagpas" Sagot ni Paul at tumalikod na at nagsimula nang maglakad pabalik ng station.

"By the way Liv, I guess you should be more careful now, that you're not around here anymore, Thank for this" Dagdag ni Paul at saka na tuloyang naglakad pa pasok sa loob.

Sa loob ng station naman ay pinanood ni Paul ang footage na bigay ni Olivia, kumunot ang noo niya ng makita si Dale, at may point din ang sinasabi ni Jet kanina.

"How come did you involve in here, Dale?" Bulong ni Paul matapos mapanood ang video.

Malinaw na sa kaniya na may kakaibang kinikilos si Dale but the video didn't convince him that Dale is a killer. Hindi siya kumbinsido sa idea na kaya ni Dale, kaya pumunta siya sa records room at hinanap ang record ni Dale.

Maayos naman ang background ni Dale maliban sa issue na naireport na nagkaroon ng violence act si Dale during his high school, hinanap niya kung anong school yun at nang makita niya ay agad siyang umalis para puntahan ito.

"Sir, ito na po yung file na- " naputol sa pagsasalita si Gerald dahil nagmamadali talaga si Paul.

"Just put it on my desk" sagot agad ni Paul at hindi man lang tinitigan ang dalawang nakasalubong niya.

"Anong nangyayari?" Takang tanong ni Gerald, nakanguso pa siya habang nakatingin at nagtatanong kay Dale, nag kibit balikat lang si Dale at ngumiti.

"Hayaan mo na, ikaw talaga. Akin na yan, ako na maglalagay sa mesa ni sir" pag volunteer ni Dale.

Pumayag naman na si Gerald at ibinigay ang mga documents kay Dale kahit na ilang lakad nalang ay andyan na ang mesa ni Paul.

"Ayown, salamat. Gusto mo ng kape? Nagugutom ako eh, kakain muna ako saglit" pag aya ni Gerald.

"No thanks, go. Ako na bahala dito" Sagot ni Dale at naglakad na papunta sa mesa ni Paul.

Bago pa man niya mailapag ang documents ay nakita niya ang paper niya, nagulat siya at ngumiti ng nakakaloko.

"Let's see, what you've got here" sabi nito at iniisa isa ang mga papeles.

Nakita niya ang report nung highschool siya na may tinulak siya sa second floor ng building ng school.

Bumalik sa alaala niya ang scene ng pagkahulog ng lalaki na nasa harap niya at tinitingnan niya itong nahuhulog.

May nakita siyang isang bagay kinuha niya ito at tinago sa bulsa niya.

"Tapos ka na ba diyan?" Nagulat siya ng biglang magsalita si Gerald. Napalunok nalang siya at tumango, at umalis na sa lugar na iyon.

Habang nag d'drive si Jet para ihatid si Olivia sa kanila ay hindi niya sinasadyang mabasa ang popup message na nasa phone ni Olivia.

"Later, 7:30 at Luna Bar" kumunot ang noo ni Jet at ng mapansin ni Olivia ay ngumiti siya.

"Kain kaya muna tayo sa labas?" Pag aya ni Jet.

"Ahmm, kasi. Inaayos ko pa kasi yung kay Emman diba? Kaya sana hanggat kaya ko, sasabay ako sa kanila sa pag kain." Sagot ni Olivia.

"Oo nga pala, alam mo sana talaga maging okay na kayo noh? Para naman magkaroon din tayo kahit kunting panahon, yung sa atin lang." Sabi naman ni Jet, ngumiti si Olivia at hinawakan ang kamay ni Jet.

"Huwag ka mag alala, darating din ang panahon na yun" sagot ni Olivia at hinalikan ang isang kamay ni Jet.

Nang makapasok na si Olivia sa bahay ay umalis na rin si Jet, sa labas ng subdivision ay nag park siya dun kasama sa mga maraming nakapark na sasakyan din. Hindi niya alam pero nararamdaman niyang may kakaibang gagawin si Olivia.

Pag kaalis na pagkaalis ng kotse ni Jet ay kinuha niya agad ang susi ng kotse niya at dali daling lumabas, nag drive na siya pa alis at papunta na sa Luna Bar.

Nakita naman ni Jet ang kotse ni Olivia at agad niya itong sinundan sa hindi kalayuan, sapat na upang hindi siya mahalata.

Ilang sandali pa ay huminto na ang kotse ni Olivia at nakita niyang lumabas ito sa kotse at pumasok sa loob ng isang bar.

Isinoot ni Jet ang facemask at nag jacket din para hindi siya makilala ni Olivia. Lumabas siya at sinundan ang dinaanan ni Olivia kanina.

Maingay, mausok at maraming taong nag sasayawan ang makikita sa loob. Nasisilaw siya sa liwanag na pakislap kislap kaya mahihirapan siyang hanapin si Olivia.

Pero ilang sandali pa ay nahanap niya rin si Olivia, pero nagulat siya ng makita ang kaharap at kausap ni Olivia.

"Anong nangyayari Olivia?" Tanong ni Jet sa sarili at lalapitan na sana niya si Olivia pero naharang siya ng mga babaing sumasayaw at isinasayaw siya.



°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
*thank you*

Behind Her EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon