Chapter 22 - Vampire

7 3 0
                                    

Napansin ni Jet na huminto na ang location nila Gerald, kaya tiningnan nila kung saang exact address ito pumunta. Kumunot ang noo ni Jet, ng malaman niya na sa lumang bahay ni Brando ito dinala, kung saan ginamit noong 2005 ng scientist.

Itinawag kaagad nila ito at sakto naman na may nag pa-patrol na malapit sa lugar kaya pinuntahan kaagad.

"Walang tao dito, pero may nakita kaming isang cellphone, maaaring niligaw niya lang tayo!" Sagot ng isang officer na unang nakapunta sa lugar.

"FUCK!" Sigaw ni Jet na may pag ka dismaya.

"Saan ka Olivia?" Alalang bulong niya sa sarili at nag u-turn. Sa pag papatakbo niya ay may isang babae ang bigla nalang humarang sa daan, nagulat silang pareho sa pagsulpot ng babae kaya kasabay ng pag pihit ng brake ay naikot din agad ni Jet ang steering wheel at bumaba sa bundok hanggang sa nabungo sa isang malaking puno ng kahoy. Parehas silang nawalan ng malay.

Nagising si Jet, na maraming gasgas sa katawan, ginigising niya si Dale na mas duguan sa kaniya. Nagising naman ito pero hindi masyado maka galaw.

Kinuha ni Jet ang phone niya sa bulsa para tumawag ng ambulansya, pagkakuha niya ng phone ay nahulog din galing sa bulsa niya ang isang picture.

Tumawag siya ng police at papunta na daw, kinuha niya ang picture na nahulog at lumaki ang mga mata niya sa idea na pumasok sa isipan niya.

Kahiy hirap siyang kumilos ay nagawa niya, kinailangan niyang umalis para iligtas si Olivia.

"Dale, hey! Dito kalang. Parating na ang mga backup. Sabihan mo sila mamaya na kailangan nilang pumunta sa address na to!" Binigay niya kay Dale ang picture at umalis na ng paika ika.

Minasdan niya ang lugar at napansin niyang malapit nalang siya doon sa address.

~~~

Nakahiga na si Olivia at kinukuhaan na siya ng dugo.
Ng may dumating na isang babae, magandang babae at pwede sa modeling, actually isa talaga siyang model.

Nagulat si Olivia ng makita ang isang babae na pumasok. Namumula ang mata nito. Hindi niya matandaan pero familiar sa kaniya ang babae.

"Dear Olivia, Ohhh, thank you for coming!" Bungad ng babae at lumapit kay Olivia.

Lumaki ang mga mata ni Olivia ng makilala niya ang boses at ang mukha nito.

"P-panong- anong nangyayari? Ikaw ang tunay na mastermind ng pag patay?" Tanong ni Olivia.

"Paul, give me my blood" utos nito kay Paul, at sa unang pagkakataon ay nakita ni Olivia na parang asong utusan si Paul.

Inabot ni Paul ang isang bag ng dugo sa babae ng nakangiti.

"Wag mo kaagad ubusin yan Paige." Sagot ni Paul.

"Plinano niyo rin ba ang unang case namin ni Paul na kasama ka? Huh? Paige Fabian?" Tanong ni Olivia.

"Ahh, Yes, I am the one who insisted to be involved. I even miss the smell of your blood" sagot ni Paige.

"Ano bang gagawin mo sa amin? Anong kailangan mo? "

"Blood. Blood. Blood. That is all I need." Sagot ni Paige habang paikot ikot kay Olivia

"Paano mo kami nakilala ni Paul?" tanong ni Olivia.

" Ohh, don't tell me that you also forgot about me? " Nakangiting tanong ni Paige at bumaling ng tingin kay Gerald. Hinawakan niya ang mga panga ni Gerald habang wala ito sa tunay na kamalayan at inamoy ang leeg nito.

Behind Her EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon