Chapter 18 - Argument

9 3 0
                                    

Hindi alam ni Jet at walang idea na pumapasok sa kaniya kung bakit kausap ni Olivia ang isang pogante. Naguguluhan na tumayo si Jet mula sa kama at naglakad papunta sa office niya.

Nag kalkal siya sa cabinet at nang makita ang hinahanap ay kinuha niya ito at umupo para basahin.

Isang dyaryo ang nakasulat sa balita ay ang patungkol pa rin sa lumang kaso noong 2005, ayon sa balita ay ang tunay na may ari ng bahay na ginagamit noong scientist ay isang myembro ng sendikato at involve sa human trafficking.

Matagal nang pinaghahanap ng batas ang lalaking ito pero hanggang ngayon ay hindi pa nahuhuli.

"Instead na ireport sa police ay kinausap niya parin ang kriminal na to." Sabi niya sa sarili at ginupit ang picture ng lalaki na si Raymond Porta. Idinikit niya ito sa board, kasama nung mga involve sa kaso noong 2005 kasama ang dalawang batang survivor na hanggang ngayon ay wala paring balita sa pinaroroonan ng batang lalaki.

Minarkahan niya ng red x si Olivia, ang kuya niya at ang partner nito, pati ang scientist.

"Ayon sa report namatay ang scientist sa loob pa ng bahay, pero paanong namatay si kuya sa daan nila pauwi ? Ibig sabihin may isa pang involve dito" bulong niya sa sarili at nakatitig lang sa picture ni Raymond.

~~~

Sa presinto ay pinatawag ni Paul ang dalawang team. Pag kapasok ng dalawa ay ni lock ni Paul ang pinto upang walang pumasok at walang iistorbo sa kung ano mang pag m'mettingan nila.

"Have a sit" pag offer ni Paul na paupuin ang dalawa at ng makaupo na ang dalawa ay pinlay na niya ang cctv footage.

Madilim at walang mga taong dumadaan. Nakatutok lang ang dalawa sa video habang iniisip kung anong interesting dito.

Maya maya pa ay lumitaw sa footage ang mukha ni Dale, nagulat siya ng makita ang mukha sa footage. Tumayo siya at nag salita.

"Wa'wala akong kinalaman dyan" Sabi niya kaagad habang nakatingin sa projector.

"Nung gabi ng pag rescue kay Emman De La Merced, nakuhanan ka mismo sa lugar kung saan posibling pinagtaguan sa bata. Dale, anong ginagawa mo doon?" Seryosong tanong ni Paul.

"Teka, hindi. Wala akong kinalaman dyan, wala akong alam." Sagot ni Dale.

" Ayoko ring paniwalaan ang video na ito Dale, so please, make us believe what are you doing there?" Madiin na sagot ni Paul.

Tumingin naman siya kay Gerald na tahimik lang at walang masabi sa mga nangyayari sa paligid niya ngayon.

Yumuko lang sa si Dale at tinitigan ng madiin si Paul.

"Sorry sir, pero kailangan ko rin itanong to" Pag simula ni Dale.

"Don't change the topic Dale, answer my question!" Pagdidiin ni Paul.

"Kailan mo sasabihin sa amin ang tungkol kay Jade Lopez? The survivor at posibling killer." Pag sigaw ni Dale, na kahit rin siya mismo ay nagulat sa behavior niya.

Kumunot naman ang noo ni Gerald habang nakatingin kay Dale at ibinaling ang tingin kay Paul.

" What did you say? What are you talking about?" Gulat na tanong ni Paul.

" Nung nakaraan ay, hindi ko sinasadyang makita sa drawer mo ang document na kumuha ng attention ko. Kaya nakuha ko ito" pag sisinunguling niya at pinakita ang document ni Jade Lopez, kasama ang picture ni Olivia.

Behind Her EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon