Chapter 16 - Blood Letter

7 3 0
                                    

Hindi pa rin maayos ang pakikitungo ni Emman kay Olivia, kahit pang sabihin na siya ang nagligtas sa kaniya. Hindi pa rin mababago sa isip ni Emman na si Olivia parin ang dahilan ng pagkamatay ng mga magulang niya.

Hindi naman titigil sa paghingi ng tawad at nagsisisi rin siya sa nangyari. Alam niyang balang araw mapapatawad din siya ng kapatid.

Sa police station naman ay kasalukuyang ini'interrogate si Jet.

Pumunta sa police station si Olivia para mag testify na inosente si Jet at kasama niya ito boung mag damag.

Habang nag sasalita si Olivia ay tahimik naman na nakikinig ang mga kasama. Masaya si Jet na ginagawa ni Olivia ang lahat ng makakaya niya para maialis siya sa presento, pero hindi pa rin mawawala ang hinala nito kay Olivia.

"Kailangan ba nating sabihin sa kanila ang tungkol kay Dale?" Pabulong na tanong ni Jet kay Olivia, tumingin muna siya kay Dale at sa mga kaibigan at saka ibinaling ang tingin kay Jet.

"Huwag muna" bulong na sagot ni Olivia, ayaw niyang paniwalaan na isa sa mga kaibigan niya ang killer. Kaya hanggat maaari, ay kaya niya pa namang gawan ng paraan ay ginagawan niya.

"What? What are you saying?" Tanong ni Paul na nakatingin kay Jet.

" Nothing, " nakangiting sagot ni Jet.

" Liv, I just want to clarify something here that you are not a police officer anymore, so if there's any information that you are holdin' on , it's easier if you surrender it to us" nakangiting sabi ni Paul.

" Let's go" dagdag niya at umalis na sa room. Sinundan siya ni Olivia at nakarating sila sa hindi matao na lugar.

"Paul, I have my leads." Bulong ni Olivia na nag pahinto kay Paul sa paglalakad at nilingon si Olivia.

Palingon lingon muna si Olivia sa paligid, at saka nilapitan si Paul.

"Si Dale, nakita namin siya kagabi ni Jet, andun siya sa eskinitang yun at bigla nalang siyang nawala saka sumulpot yung itim na van" sabi ni Olivia na nagpakunot sa noo ni Paul.

Tumawa ng kunti si Paul saka seryoso na tumingin kay Olivia.

"Are you fucking high? Liv? Are you kidding me?" Tanong ni Paul saka nagpatuloy sa paglalakad.

" I don't have a reason to lie, nasa sa'yo kung paniniwalaan mo'ko" sagot ni Olivia at umalis na.

Naiwan si Paul na mag isa dun, bumalik siya sa opisina at pina kawalan si Jet.

Kaharap niya ngayon sina Gerald at Dale. Gusto niyang tanungin si Dale, gusto niyang malaman ang totoo kung ano nga ba ang ginagawa ni Dale doon.

" Hey guys, seems like you had fun last night. Why did you not invite me" initiate niya at nakatingin lang sa tahimik na si Dale, nakayuko lang si Dale sa paperworks niya ngumiti, isang nakakalokong ngiti na ikinagulat naman ni Paul iyon.

"Ou nga ehh, kaya lang ako lang mag isa kagabi. Sabi kasi nitong si Dale may importante daw siyang lakad, kaya ayon, mag isa lang tuloy ako kagabi" sagot naman ni Gerald at nag act pa na parang malungkot.

"Oh, where did you go last night Dale?" Tense na tanong ni Paul pero nakangiti siya at hindi parin inaalis kay Dale ang tingin.

Ngumiti si Dale at tingingnan si Gerald at Paul.

"CR lang ako saglit" sagot nito at umalis na.

Napansin ni Paul na kakaiba ang ikinikilos ni Dale ngayon, para bang may tinatago ito.

"What is wrong with him? Have you notice him? Parang may kakaiba sa kinikilos niya" sabi ni Paul at bumalik na sa upuan niya.

"Ou nga po, nagtatampo siguro kagabi yan, baka hindi nasipot ng date or may kung anong nangyari kagabi" sagot naman ni Gerald.

"Hays, ghad Gerald. Buti na lang malakas ka- wait, he's not in the mood because maybe something isn't going to his plan last night!" Masiglang sabi ni Paul at tumawa.

"Been worried for nothing" bulong ni Paul.

Nakalaya na si Jet at muli niyang binuksan ang coffee shop niya kasama si Olivia bilang isa niyang empleyado.

Nang mai' close na ang store ay nakaupo lang silang dalawa at magkaharap. Hindi na tumitingin si Jet sa mga mata ni Olivia, napansin naman ni Olivia yun pero hindi niya ipinranka kay Jet yun.

Pinabayaan niya lang yun dahil alam naman niyang kasalanan niya rin ang lahat kung bakit parang hindi na nagtitiwala si Jet kay Olivia.

"Kumusta na kayo ng kapatid mo?" Tanong ni Jet, tumayo siya at lumapit kay Olivia.

"Balang araw, magiging okay din kami." Sagot ni Olivia sa tanong ni Jet.

Hinawakan ni Jet ang mga kamay ni Olivia, tinitigan ang pisngi at nilamapasan ang mga mata ni Olivia. Hinawi niya ang mga buhok sa noo ni Olivia at doon lang siya nakatingin sa mga buhon na hinahawi niya.

"Ipaliwanag mo lang ng ipaliwanag ang side mo, maiintindihan at maiintindihan ka rin ng mga taong nag mamahal sa'yo, tandaan mo yan" sabi ni Jet.

Tinitigan ni Jet ang mga labi ni Olivia, malambot at pinkish na lips. Napalunok siya at ipinikit ang mata at dahan dahang idinampi ang kaniyang mga labi sa labi ni Olivia.

Ibinalik din naman ni Olivia ang mga halik na iyon sa mga ilang segundo.

Tumigil sila, at maya maya pa ay tumayo na si Olivia upang mag paalam.

Umalis na siya at umuwi na, tahimik ang bahay ng maka uwi na siya, malamang ay tulog na ang lola at ang kapatid niya.

Pumasok siya sa kwarto ng lola at nakita niyang mahimbing ang tulog nito, lumapit siya at niyakap niya ang matanda at inayos ang kumot nito.

"I love you La" sabi niya at lumabas na sa kwarto.

Pumunta naman siya sa kwarto ni Emman, nakita niyang hawak nito ang picture ng mama at papa niya. Kinuha ni Olivia ang photo frame at ibinalik sa lamesa, pero nakita niyang nakataob ang ibang mga photo frame. Itinayo niya ang lahat ng iyon, yun ay ang mga larawan na magkasama sila ni Emman.

Nagulat siya sa isang picture na may drawing pa na sungay. Nilapitan niya si Emman at niyakap,

"I'm so sorry, I'm sorry Emman, kung pwede lang maibalik ang mga magulang natin, gagawin ko. I'm sorry," bulong ni Olivia habang nakayakap pa rin. Tumayo na siya.

"I love you, Emman" sabi niya at umalis na. Pag sarado ng pinto ay dumilat ang mga mata ni Emman, gising siya mula pa kanina at pinakiramdaman niya lang ang ate niya.

Pabalik na sana siya ng kwarto niya ng may makita siyang isang pamilyar na tindig, bumilis ang pintig ng kanyang puso.

Nakita niya itong, lumabas mula sa kwarto niya at pababa na sa hagdan.

Hinabol niya ang taong naka hoodie, pero nakatakbo naman ito kaagad, hinabol niya hanggang sa labas pero hindi niya mahabol, medyo mabilis tumakbo ang taong iyon kumpara kay Olivia.

"SINO KA? LEAVE MY FAMILY ALONE!" Sigaw ni Olivia sa labas.

"FUCK!" Sabi niya bago pa man siya muling pumasok sa loob ng bahay.

Isinara niya ang pinto at sinigurado na lock na ito bago umakyat sa kwarto niya.

Inilibot niya kaagad ang tingin sa loob upang ma identify niya kung ano ang kinuha ng taong yun, pero imbis na may mawala sa mga gamit niya ay may dumagdag pa.

Napansin ni Olivia ang isang brown envelope sa study table niya, dali dali niya itong pinuntahan.

Umupo siya sa upuan at binuksan ang lamp bago niya buksan.

Isang letter lang ang laman nun, pero gamit ang dugo sa pag sulat.

"Congratulations Jade, do you still remember me?" Basa ni Olivia sa letter.

"Fuck you!" Nasabi niya nalang at pinunit ang letter at itinapon sa basurahan.

"Gusto mo maglaro pa? Pwes, pagbibigyan kita  at sisiguraduhin kong ikaw mismo ang masusunog sa sarili mong apoy!"















Short update here.

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
*thank you*

Behind Her EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon