Chapter 13 - Memories

9 3 0
                                    

Naguguluhan si Olivia sa mga nangyayari pero nanaig pa rin sa kaniya ang paniwalaang sana mali ang iniisip niya, na sana hindi si Jet ang killer.

"J-jet?" Tanong ni Olivia, habang papalayo kay Jet.

"Olivia, hindi. Hindi mo naiintindihan" sagot naman ni Jet at naglakad ng dahan dahan palapit kay Olivia.

"Ipaintindi mo! Kasi all this time akala ko ikaw lang ang magiging kakampi ko sa lahat ng nangyayari ngayon, pero hindi, sabagay sa ikling panahon na yun, hindi pa nga talaga kita kilala" sagot ni Olivia.

" Makinig ka, hindi ako ang killer, okay? " Paliwanag ni Jet.

" So ano ang lahat ng mga 'to? Huh?" Pasigaw na tanong si Olivia habang iniikot ang paningin sa loob ng kwarto. Laking gulat niya nung makita niya ang salamin sa likod ni Jet, nakita niya ang tattoo sa may batok nito, naalala niya yung nakita niya nung nakita niya si Maddie kasama ang isang lalaking may tattoo.

" Ikaw? Ikaw nga yun! J-jet. Bakit? Bakit mo to ginagawa? Asan ang kapatid ko?" Sunod sunod na tanong ni Olivia at naghanap siya ng kung anong pweding armas pero gunting lang ang nakuha niya at itinutok iyon kay Jet.

*knock knock* dinig nilang may kumakatok sa labas.

" Lods? Hello?" Mahinang dinig nila.

Sisigaw na sana si Olivia pero inataki siya ni Jet, kinuha nito ang gunting na hawak niya at tinurokan siya ng tranquilizer. Narinig ni Jet na pumasok na si Gerald sa loob kaya kumuha nalang siya ng mga importanteng gamit at umalis na para tumakas. Bago pa man siya makaalis sa office ay nilingon niya muna si Olivia, hinalikan sa noo.

" I'm sorry, maiintindihan mo rin lahat ng ginagawa ko." Sabi niya at dali dali ng umalis.

Wala nang malay si Olivia pero narinig niya ang lahat ng mga sinabi ni Jet, tumulo naman ang luha niya bago siya tuluyang mawalan ng malay.

Nilibot naman ni Gerald ang boung shop, hanggang sa makarating siya sa office at nakita niyang nakahiga sa sahig si Olivia, tumakbo na siya at ginigising si Olivia.

Maya maya pa ay nagising na si Olivia, pinaupo siya ni Gerald sa upuan at binigyan ng tubig.

"Ano po bang nangyari? Asan si Jet?" Tanong ni Gerald. Habang inililibot ang paningin sa loob.

"Ano ang mga ito?" Dagdag niya.

"Si Jet, siya ang killer" maikli at walang buhay na sabi ni Olivia.

"Huh! Sandali itatawag ko to sa-" natigil si Gerald sa pagsasalita dahil pinatigil siya ni Olivia.

"Huwag! Huwag muna, g-gusto kong masigurado muna ang lahat, alam kung may ibang rason,at gusto ko munang malaman yun" sagot ni Olivia at tumayo na para lumabas.

"Sa ngayon, satin satin nalang muna ito. " Dagdag niya.

"Thank you nga pala, makakauwi ka na" sabi Olivia at pumasok na sa kotse niya.

Dumiritso na sa bahay si Olivia at nadatnan niyang magkausap ang lola niya at si chief. Kumunot ang noo niya habang pinapanood ang masinsinang pag uusap ng dalawa.

Nakikita ni Olivia sa mukha ng Lola niya na parang balisa.

Nang umalis na ang chief at pumasok na sa loob ng bahay si lola Martha ay lumabas na si Olivia sa kotse at sinalubong si Chief.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Olivia.

"Ohh, wag kang mag alala. Hindi ko kikidnapin ang lola mo" pabirong sabi ni Chief.

"Pwes, layuan mo na kami." Madiin na sagot ni Olivia.

"Alam mo, hindi ko aakalaing lalaki ka ng ganyan ka tapang, sabagay ganun siguro talaga pag sinusubok na ng panahon" sagot ni Chief at tumingin sa mga mata ni Olivia, kinuha niya yung pagkakataon na yun para i hypnotize ulit ang Chief, umaasa parin siya na kaya niya i-hypnotize si Chief, at nagawa nga niya.

'bakit hindi to gumana nung nakaraan?' tanong niya sa sarili niya at nag fucos na kay Chief.

"Asan ang kapatid ko?" Tanong ni Olivia, hindi alam ni Olivia pero may dalawang bagay lang siyang ma confirm ngayon. Sana alam ni Chief kung asan ang kapatid niya para makuha niya na ito at hindi si Jet ang killer.

"Hindi ko alam" mahinhin na sagot ni Chief na nagpalugmok kay Olivia, tumulo ang mga luha niya at nagagalit.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya habang pinupunasan ang luha niya.

" Pinapunta ako ni Martha " sagot ni Chief. Bakit naman siya kakausapin ni Lola Martha? Tanong niya sa sarili niya at tinanggal na niya ang hypnotize at pumasok na sa loob.

"La, lola?" Tawag ni Olivia habang papasok na.

"Ohh, apo? Bakit?" Tanong naman ng matanda.

Sobrang bigat ng nararamdaman ngayon ni Olivia, gulong gulo na siya sa mga nangyayari sa buhay niya ngayon. Niyakap niya ang matanda at umiyak na habang humihingi ng sorry.

"Alam mo apo, wala kang kasalanan. Hindi mo kasalanan ang lahat ng masasamang nangyayari, hmm? Basta ito ang lagi mong tatandaan. Mahal na mahal ka namin ng kapatid mo" sabi ng matanda.

"La, I'm sorry, pero kailangan kong gawin to" sabi niya at hinypnotize ang ang matanda.

"La, ano pong alam niyo kay Jade? " Deritsong tanong ni Olivia.

"Si Jade si Olivia, Si Olivia si Jade" sagot ni matanda.

"Huh? La? Ano? Pa-pano po nangyari yun?" Gulat na tanong ni Olivia.

"Si Chief ang nagbigay kay Jade sa akin, dahil siya ang dahilan kung bakit namatay ang mga anak ko, nung masagasaan ang bata ng isang motor at tumilapon din ang motor sa harap ng dinadaanan ng kotse ng anak ko" paliwanag ng matanda.

Lalong nalugmok si Olivia sa mga narinig niya, sumisikip ang dibdib niya at hindi halos makahinga, sobra sobra na ang mga nalalaman niya ngayong gabing ito, hindi niya kinakaya.

Lalo pa't iniisip niyang siya pala si Jade, siya ang dahilan ng pagkamatay ng mga magulang ni Emman. Tuluyan na siyang nahimatay at nahulog sa sahig.

Nagising nalang siya sa sinag ng araw at naalala na niya ang lahat ng mga alaala niya, mula nung makidnap silang dalawa ng kaibigan niyang lalaki, kung paano siya iniligtas ng lalaking polis at kung paano siya nabunggo ng isang motor.

Naalala niya ang pulis na nagligtas sa kanila ay nakita niya iyon sa kwarto ni Jet.

" Kailangan kong makausap si Jet." Sabi niya sa sarili niya.

" Not now, you need to rest. " Sabi ng isang boses sa tabi niya, hindi niya man lang napansin na may tao pala sa tabi niya kanina pa.

" Paul, okay na ako. Bakit ka andito? Wala ka bang trabaho?" Tanong Olivia kay Jet.

" Yeah, I have a lot of works to do. So, since your okay now, I should get going." Paalam ni Paul at umalis na.

" 2 days nalang, papatayin niya na si Emman, anong gagawin ko?" Tanong niya sa sarili.

Narinig niya na nag ring ang phone niya at nakita ang pangalan ni Jet, sinagot niya agad iyon.

"Anong kailangan mo? Please Jet, please. Ibalik mo na sa akin si Emman, pakawalan mo na yung kapatid ko." Sabi agad ni Olivia habang palabas na siya ng kwarto, umalis na siya at nag maneho.

"Olivia, kailangan nating mag usap." Sagot lang ni Jet na binalewala lang ang pakiusap ni Olivia.

" Okay, sige. Ako naman yung gusto mong kunin diba?" Sabi ni Olivia.

"Saan tayo magkikita?" Dagdag niya pa. Sinabi naman ni Jet ang exact address.

"Huwag na huwag kang magsasama ng polis, lalong lalo na sa team mo" sagot ni Jet at nag end na ang call.

"I'll fucking kill you!" Sigaw niya habang nag mamaneho.














°°°°°°°°°′°°°°°°°°′°°°°°°
*thank you*

Behind Her EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon