Chapter 6 - Nightmare

12 3 0
                                    

Pumunta agad sina Olivia sa bahay ni Oscar, tinatawagan ni Eman si Oscar, pero hindi nito sinasagot ang tawag.

Bumaba agad ng kotse si Olivia at kumatok sa pinto ng bahay nina Oscar.

"Sino ho sila?" Tanong ng isang babaing nag sisigarilyo at mukhang lasing na din, siya ang mama ni Oscar.

"Si Oscar po?" Tanong ni Olivia at inilibot ang tingin sa loob ng bahay, nakita niya yung makalat na sala at amoy alak sa loob.

"Huh!" Suminghot muna siya sa sigarilyo at bumuga ng usok sa mukha ni Olivia, gusto na siyang upakan ni Olivia, pero nag titiis lang siya.

"Hindi ko alam, kakauwi niya lang kanina inutusan kong bumili ng makakain, baka mamaya andito na yun. Tuloy ka." Dugtong niya at pumasok na sumunod si Olivia at umupo sa isang sofa katabi ni Eman.

"Anong kailangan niyo?" Tanong ng babae.

"Ka-kaibigan po ako ni Oscar, gusto ko lang siya makausap" sagot ni Eman.

"Huh! May kaibigan ba yung mokong na yun? Walang silbi yun eh! Hindi ko alam kung bakit pa ba ako nag titiis sa batang yun, sana siya nalang yung namatay!" Sabi ng babae at uminom ng alak

" Huwag niyo pong sabihin yan, be careful for what you wish for" sagot ni Olivia, tiningnan niya sa mga mata ang babae at sinubukan dito ang kutob niyang nakakapag hypnotize siya.

" Patayin mo ang sigarilyo " bulong ni Olivia na kahit si Eman na katabi nito ay hindi maintindihan ang sinabi.

Sa paningin ng babae ay nag kulay red ang mata ni Olivia at inuutusan siya nito, pinatay niya ang sigarilyo at nilapag.

Nag titigan ulit sila ng mawala yung kulay pula sa mata ni Olivia ay bumalik naman sa katinuan ang babae.

" Nakatulog ata ako" sabi ng babae na para bang na alimpungatan.

Tiningnan ni Olivia yung relo niya at nasa 30 minutes na rin pero hindi parin bumabalik si Oscar.

" Aalis na kami " paalam ni Olivia, at hinanap si Oscar. Nag hiwalay sila ni Eman para mas mapabilis ang paghahanap.

Pumunta si Olivia sa isang convenience store at nagtanong sa cashier.

Confirm na na kaya niyang mag hypnotize pero hindi na niya ginamit yun para magtanong sa cashier.

"May nakita ka bang isang batang lalaki nasa 19 years old, uhmm medyo kulot yung buhok niya at ganito ka tangkad" describe niya kay Oscar at tinuro yung leeg niya to describe his height. Nag isip saglit ang babae at saka nagsalita.

"Oo, pagkalabas niya dito nakita ko siyang sumakay sa itim na van" sagot ng cashier.

" Itim na van, sige salamat! " Nagmamadaling lumabas si Olivia at may nabangga siyang isang lalaki.

" Ouch! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo, fuckin bitch! " Nilingon ni Olivia ang lalaki at tumalikod na sabay sabing

" Fuck you too, asshole! " Sabay wave ng kamay niya sa likod ng bad finger sign.

Tiningnan ni Olivia ang labas kung may cctv, nakita niya sa may poste ang isang cctv.

" Is that even working? " Tanong niya sa sarili niya.

Tinawagan niya si Eman para pumunta sa convenience store.

Pinapanood na nila yung cctv footage, pero hindi nakikita full display yung footage dahil may nakaharang sa malapit sa cctv na dahon. Hindi nakita doon yung plate number ng van. Iniisip ni Olivia na ito yung van na nag-iwan kay Cassey sa may mall.

Kinabukasan nun ay nireport na as missing si Oscar.
Nasa kaniya kaniyang cubicle ang apat. Nagbubulungan si Gerald at Dale habang tumatawa.

"What the fuck is funny?" Galit niyang sabi sa dalawang nasa likod niyang cubicle.

Behind Her EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon