Chapter 21 - Revelation

8 3 0
                                    

Hindi na lumabas si Paul at Gerald, pumasok nalang si Olivia sa kotse sa may passenger seat siya naka pwesto.

"How are you Liv?" Nakangiting tanong ni Paul.

Dahil kinakabahan si Olivia na makulong at wala talaga sa plano na magpakulong siya, gusto niya lang makausap si Paul.

Tumango lang siya ay ngumiti tumingin siya sa likod kung saan naka upo si Gerald na nakapikit ang mga mata na parang natutulog.

"Uh, he fell asleep, just don't wake him up, napagod ata sa trabaho, since you resigned nadagdagan mga trabaho namin. But that's fine" kwento ni Paul para pagaanin ang sitwasyon.

Tinatawagan parin ni Jet ang phone ni Olivia, maging si Dale ay tinatawagan din si Gerald pero parehong walang sumasagot.

"SHIT!" Sigaw ni Jet at hinampas ang manobela. Dahilan ng pag busina ng malakas.

Hindi na maayos na nakapag park si Jet at tumakbo na sa park, hindi naman kalakihan kaya nilibot nila ito, pero walang Olivia ang makikita sa park. Pumunta siya sa mga cr, pero wala. Nag tatanong din sila kung napansin ba nila si Olivia kasabay ng pagpapakita ng picture ni Olivia.

"Excuse me po, nakita niyo po ba siya kanina? Di-dito lang po sa park" tanong ni Dale sa grupo ng magbabarkada na dumaan.

"Ay, sorry hindi po ehh." Sagot ng isa at sumang ayon naman ang mga kasama.

May nakita si Jet na babae na may baby na nasa lilim ng puno, nilapitan niya ito at tinanong.

"Excuse me, baka po nakita niyo siya? Girlfriend ko po siya," sabay pakita ng picture nilang dalawa ni Olivia.

"Hindi- ay teka lang, siya ba yun? Oo, siya nga yun. Andito kanina, pero naka alis na sumakay na siya sa isang kotse" sagot ng babae na ikinalungkot ni Jet.

Halo halong emosyon ang nararamdaman niya ngayon, at gusto niya nalang mag breakdown pero hindi pwede, kailangan niyang malaman kung asan si Olivia.

Sa gitna naman ng way nila Olivia papunta sa station ay huminto ang kotse.

"Bakit tayo tumigil? May nakalimutan ka ba?" Tanong ni Olivia.

"Wait, I think it's on my pocket-" agad na inilabas ni Paul ang panyo niya na may pampatulog at itinakip sa bibig ni Olivia, nanlaban si Olivia, pero hindi niya kinaya.

"Ahh! Ger-gerald!" Sigaw niya pero wala paring malay si Gerald. Naramdaman niya ang panghihina ng katawan niya pero ibinuhos niya lahat ng lakas niya at sinubukan niyang tanggalin ang hypnotize kay Gerald kahit hindi ito naka tingin sa mga mata niya. Bago pa siya tuluyang mawalan ng malay ay nakita niyang nagawa niya ang pagtanggal ng hypnotize kay Gerald.

Nang magising si Gerald ay in'on niya ang location niya kay Dale para mahanap sila at saka niya sinakal  si Paul gamit ang braso niya, dahilan para mag pa liko liko ang way ng kotse nila, muntik na silang mabangga ng isang truck.

Halos mawalan na ng hininga si Paul, tumingin siya sa salamin at tiningnan ang mga mata ni Gerald, hindi ito nakatingin sa salamin kaya hindi niya ma hypnotize.

"Is that all you can do?" Tanong ni Paul, at nahuli niyang tumingin si Gerald sa salamin kaya nagkatitigan sila.

"Go back to sleep, doggy!" Pag utos niya, bintawan ni Gerald si Paul at naupo na sa likod at natulog.

Nakita naman kaagad ni Dale iyon at sinundan agad nila ito, tumawag agad sila ng backup at patuloy na sinusundan ang location nila Olivia.

Ng makarating na si Paul ay binuhat na niya si Olivia at inupo sa upuan at saka pinag tatali ang mga kamay at paa at nilagyan ng tape ang bibig.

Kasunod na binuhat niya si Gerald, inilagay niya ito sa harap ni Olivia at naka tali lang ito na parang aso na may limit kung saan lang siya pwede pumunta.

Maya maya pa ay nagising na sila.

Umiiyak si Olivia habang iniisip kung bakit nagagawa ni Paul ang mga ito, bakit si Paul? Kumikirot ang puso niya at sobra siyang nasasaktan na malamang si Paul ang matagal na niyang hinahanap na killer.

"Mhsnsnsidhsnsk" pagaangal ni Olivia pero hindi maintindihan, lumapit naman si Paul sa kaniya, habang papalapit si Paul ay sinubukan niya kung kaya niyang gamitin ang hypnotize kay Paul. Nagtitigan lang sila at maya maya ay sumigaw si Gerald sa sakit at napahawak ito sa ulo niya.

Itinigil ni Olivia ang pag hypnotize.

Tinanggal ni Paul ang tape sa bibig ni Olivia.

"Anong nangyari sa kaniya? Gerald? Okay ka lang?" Agad na tanong ni Olivia.

"That's because of the pressure of our hypnotizes battling, he's been affected." Sagot ni Paul.

"Paul? P-paul? Anong nangyari? Ba-bakit mo to ginagawa?" Umiiyak na tanong ni Olivia.

"Well, it's because we need you! I need you Liv!" Sagot ni Paul.

"Remember the days that we've been kidnapped? Jade?" Dagdag niya.

Kumunot ang noo ni Olivia ng marining niya iyon.

"A-anong ibig mong sabihin? Tim?" Takang tanong ni Olivia, hindi niya alam na buhay si Tim, matagal rin siyang walang balita sa kaibigan.

"Yes, it's me. Why did you leave me Liv? Why do we need to separate ways that day when we're running away?" Malungkot na sabi ni Paul pero may diin at parang may pait sa mga sinasabi niya. Inaalala ni Paul ang araw na iyon at napaluha rin siya.

"Hindi ko alam, please pakawalan mo na kami. Pakawalan mo na si Gerald. Please" pagmamakaawa ni Olivia, pero parang hindi siya narinig ni Paul.

"Sobrang hirap habang lumalaki akong walang kasama sa buhay. May nag bibigay lang sa akin ng pagkain, pera at bahay pero wala siya. I don't have anyone beside me!" Pag patuloy niya.

"I'm sorry, Paul, I'm sorry kung yan ang dinanas mo. Kung alam ko lang sana, sana sinama nalang kita." Sabi naman ni Olivia.

" So I killed the teenagers for the blood, and the Marcos- Who was that again? Ella's father, I made him killed himself in the jail." Naglakad siya papunta kay Gerald at inakay ito papunta sa higaan.

" Ohh, and Maddie, naisip ko nga muntik na akong mabisto dun, buti nalang nagawan ko ng paraan. Pero nag enjoy talaga ako sa pagkidnap kay Emman, Imagine? Nakasalubong ko pa si Dale doon, so I used him to be the suspect!" Sabi nito sabay tawa. Itinusok na niya ang karayom para kumuha ng dugo kay Gerald.

Hindi makapaniwala si Olivia na totoo nga na si Paul ang killer. Hindi niya maisip kung ilang taon o kung gaano niya katagal itong pinlano.

"Ano yung may bumaril sa'yo? Plano mo rin ba yun? Para kunin lalo ang loob ko?" Galit na tanong ni Olivia.

"You got that right Liv, I planned all of this to get you!"

"Ano bang kailangan mo sa akin? Bakit kailangan mo pang pumatay ng mga tao?" Tanong ni Olivia.

" No Liv, I killed them because I need them, it's not because of you, it's just an random idea to play with you!" Sagot ni Paul.

" And Hindi ako ang may kailangan sa'yo." Dagdag niya at umiwas na ng tingin kay Olivia.

" Huh? Edi sino?" Takang tanong ni Olivia.

"Someone saved me from my miserable life. She keep me safe and now I'm working for her." Nagulat si Olivia ng sabihin iyon ni Paul.

"Anong sinasabi mo Paul? Ma-may kasama ka? Sino? Paul, ginagamit ka lang niya! WAKE UP!" sigaw ni Olivia, at sana nga ay kaya niya pang baguhin ang lahat.

"Ikaw ang gumising Liv! Kailangan niya tayo at kailangan natin ang tulad niya. Maaari nating pagharian ang Pilipinas sa ability na meron tayo, so work with us Liv." Sagot ni Paul at makikita mo sa mga mara niya ang sincerity.

"Yan ba ang kilangan niya sa akin? Kaya gusto niya akong makuha?" Malumanay na tanong ni Olivia, naubusan na siya ng lakas sa pag tatangkang maka takas sa pagkakatali, at sumasakit na rin ang kamay niya.

" No! She wants your blood too! And dead!" Sagot ni Paul na ikinagulat ni Olivia at napaluha sa takot at kaba na nararamdaman niya.











°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
°=°

Behind Her EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon