Chapter 2 - The Notes

20 3 0
                                    

Kinabukasan ng interrogation ay pinuntahan ni Olivia at Paul ang babaing katabi ng unit ni Paige, wala na doon si Paige dahil temporary lang naman ang kaniyang stay doon.

Kumatok sila ng ilang beses at saka bumukas ang pinto.

"Sino sila?" Tanong ng babae at siya yung sumigaw.

"Olivia, from police department. May kunting katanungan lang ako " pagpapakilala ni Olivia ngumiti lang si Paul sa babae.

Tumuloy sila sa room at umupo sa sofa, nilibot nila ang tingin at wala namang kakaibang nangyayari sa paligid.

"Ms. Gusto ko lang itanong yung nangyari kahapon? Ba-bakit ka sumigaw at humihingi ng tulong? Ano ba nangyari dito?" Tanong ni Olivia.

Kumunot ang noo ng babae at tumawa, at nilapag sa mesa ang dala nitong juice para sa dalawa.

"Huh? Anong sumigaw? Pa-pasensya na po, pero baka ibang tao po ata ang tinutukoy ninyo. Wala pong nangyari kahapon at hindi ako sumigaw" paliwanag ng babae at umupo sa harap nila Olivia.

Nagulat sila Olivia sa katwiran ng babae,

'bakit siya nagsisinungaling' tanong ni Olivia sa isip niya.

"Liv," tawag ni Paul kay Olivia at ngumuso sa may kitchen table, nakita nila ang medicine bottle for dimentia. Nalungkot si Olivia at nagtaka din.

"Ma'am may iba po ba kayong kasama dito? Na may sakit?" Tanong ni Paul.

"Ohh, sino kayo? Anong kailangan niyo? Ahmm gusto niyo ba ng juice?" Tanong ng babae. Napabuntong hininga nalang ang dalawang police at nag paalam na sa babae.

Bumalik na sila ng station at hindi parin makalimutan ni Olivia ang mga pangyayaring iyon.

Kaya nag research siya sa babae kung talaga bang may sakit ito.

Tinanong niya ang kaibigan nito at ang sabi ay nasa maayos naman ang babae at wala itong sakit na dementia.

Umuwi si Olivia na pagod at makikita mo sa mukha nito.

"Ate, kumain ka na ba?" Tanong ni Eman.
"Tapos na, si lola?" Tanong niya kay Eman at tinuro lang nito ang second floor.

Pumasok na si Olivia sa kwarto nito at humiga sa kama nito. Ilang sandali pa ay nag ring yung phone nito.

"Ohh?" Tanong niya sa kabilang linya.

"Pumunta ka dito sa may Saint James, ngayon na." Sabi ni Paul sa kabilang linya at binaba na ito.

Nagmamadali namang umalis si Olivia at pumunta sa sinabing lugar ni Paul.

Nang makarating siya sa lugar na iyon ay pinakita niya yung ID niya sa mga police para papasukin siya sa crime scene.

Sinalubong siya ni Paul at sabay na naglakad papasok ng bahay.

"William Cortes, senior high students. Rumor said that he's suffering depression because of his life status. Nag suicide and here-" abot niya ng note kay Olivia.

"his last message" dugtong niya at pinuntahan na ang bangkay.

"Wala na akong kailangan pang patunayan pa, paalam" Basa ni Olivia sa note nayun at wala ito sa linya. Nilagay niya sa plastic yung note at itinago.

"Maputla ba talaga yan?" Tanong ni Olivia sa isa pang police officer.

"Hindi" sagot nito, umalis lang siya at sinuri ang bangkay,

"Grabe noh? Sino mag aakalang mangyayari yan sa kaniya? Sayang, masiyahin pa naman na bata, tsk tsk tsk" dinig ni Olivia ang bulong ng tao sa paligid.

Ibinaling niya ang tingin sa leeg at nakita ang parang isang tusok ng karayom.

Behind Her EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon