Chapter 12 - Hidden

12 3 0
                                    

Agad na pumasok si Olivia sa loob ng office.

"Hindi ka ba nasabihan na kumatok muna bago pumasok?" Tanong ng chief.

"Bakit? May tinatago ka ba dito?" Tanong ni Olivia.

"Putang ina mo, asan si Emman? Huwag mong idamay dito si Emman!" Galit na sabi ni Olivia, mahina, malumanay pero madiin.

Dumating naman si Paul kasama ang dalawa pang pulis, at sinubukang pigilan si Olivia.

"Olivia stop-" napahinto sa pag sasalita si Paul ng pinatigil siya ng chief.

"Magdahan dahan ka sa pananalita mo officer. You know what are those consequences. " Kalmadong sabi ng chief at tumitig ng madiin kay Olivia.

"I'm sorry chief, she's just confused, we are all. " Paliwanag ni Paul at pumunta kay Olivia.

"No! Alam kong ikaw ang pumatay kay Maddie, nung nalaman mong nakilala ni Maddie ang killer tinuloyan mo siya sa hospital! At ngayon, pakawalan mo si Emman," Sabi ni Olivia ng hindi man lang nakinig sa sinabi ni Paul.

"Wala kang evidence na ako nga ang killer" sagot ng chief.

"Hahanapin ko ang butas ng mga ka hayopan mo" sigaw ni Olivia.

"Sa tingin mo papayagan pa kitang mag imbistiga?" Sagot ng chief at umupo sa upuan niya.

Tinanggal ni Olivia ang badge niya at inilapag sa lamesa kasama ang baril niya.

"No, and I'm quitting!" Pag kasabi niya nun ay sinubukan niyang i hypnotize ang chief pero hindi ito gumana, walang nangyari.

"Fuck you! I'll make sure that I'm going to get back Emman!" Dagdag ni Olivia at umalis na.

"Liv, what are you doing? You can't just do that!" Sabi ni Paul.

"Ginagawa ko lang kung anong gusto ko! Mag iimbistiga ako ng sarili kong paraan!" Sagot ni Olivia habang nag lalakad pa rin.

Bago pumasok sa kotse ay hinarap niya si Paul.

"Gusto kong uminom, tara?" Sabi ni Olivia, pero dumating si Gerald at Dale.

"Sir, pinapatawag po kayo ni chief" sabi ni Dale.

Hindi na sumagot si Paul kay Olivia, at tumalikod na at nag lakad pa balik sa loob ng station.

Sa kabilang banda naman ay nagising si Emman at napansin niyang nasa ibang paligid siya, hindi familiar sa kaniya ang lugar.

"Asan ako?" Tanong niya sa sarili at inilibot ang tingin sa paligid. Nakita niya ang isang bed na may mga belt.

Nakakulong lang siya sa isang kwarto at wala ni isang naka tali sa kaniya.

"TULONG! TULONGAN NIYO 'KO" Sigaw niya. Pero wala siyang naririnig na sagot mula sa labas.

Nanginginig na siya sa takot, natatakot siyang mamatay. Natatakot siyang sumunod sa mga magulang niya.

"Ma, natatakot ako" bulong niya habang umiiyak.

Tumigil siya sa pag iyak at pilit na inalala ang nangyari.

Nasa bahay lang si Emman nun, pero may isang lalaki ang kumatok, familiar yung boses ng lalaki kaya pinag buksan niya, pero hindi niya maalala ang mukha ng lalaki.

"Anong nangyari? Bakit hindi ko maalala ang nangyari?" Tanong niya sa sarili niya.

"PAKAWALAN NIYO NA PO AKO! " Sigaw niya ulit, napatakbo siya sa kama ng mapansin niyang gumagalaw ang doorknob. Pumasok ang isang lalaki, at nagulat siya ng makilala ang lalaki.

Pero hindi na siya nakapag salita at agad na nawala sa ulirat, at nasa ilalim na siya ng hypnotize.

Pinahiga siya sa isang bed si Emman, at ikinabit ang mga belt. Nag suot siya ng gloves at kinuha ang needle at bag, nag simula na siyang kumuha ng isang bag na dugo kay Emman.




Sa kabilang banda ay pumunta si Olivia sa coffee shop ni Jet, nagulat si Jet ng makita si Olivia ng biglaan. Kaka close lang ng shop ni Jet, pero pumasok pa rin si Olivia.

"Clo- Olivia, anong gi-ginagawa mo dito?" Tanong ni Jet.

Hindi sumagot si Olivia at umupo lang sa upuan.

"May mas malakas ka pa dyan sa kape?" Tanong ni Olivia, na kuha naman ni Jet ang point ni Olivia, kinuha niya ang wine at binigyan si Olivia.

"Hey, ano bang nangyari?" Tanong ni Jet.

"Nag resign na ako!" Mahinang sabi ni Olivia at uminom lang ng uminom ng wine.

Mga ilang sandali pa ay medyo lasing na si Olivia, umiiyak lang siya at sinisisi ang sarili sa pagkawala ng kapatid niya.

"A-ano ba kasing kinalaman ko? Bakit kailangan niya pang pumatay ng tao kung gusto niya akong makausap! Harapin niya ako! Fuck you!" Sabi ni Olivia.

" Alam mo, Olivia. Lahat ng 'to may rason, kung bakit nangyayari sayo lahat ng 'to, pero sinisiguro ko sayo na tutulungan kita, palagi." Sagot ni Jet.

Tumahimik ang paligid. Nag titigan lang sila, tinitigan ni Olivia ang maamong mukha ni Jet, ang labi na pinkish at para bang gusto niya itong lasapin.

Pumikit si Olivia at hinalikan si Jet sa labi. He kissed her back.

Nanatili silang ganun sa ilang segundo. Kumalas sila at parehong hinahabol ang hininga.

"Sorry" sabi ni Olivia at iinom na sana ng alak.

"Tama na ya-" pag pigil ni Jet, pero natapon pa ito sa damit niya.

"Oh my! Jet, sorry, wait-" sabi ni Olivia at pinunasan ang nabasang damit.

"It's okay, ako na to. Magpapalit lang ako saglit" sabi ni Jet.

Pumunta naman si Jet sa CR at hinubad ang damit, nag hilamos na muna siya.

Nakita niya ang kaunting part ng tattoo niya sa batok, hinawakan niya ito, at nag pakawala ng isang malalim na hininga.

Habang nag hihintay si Olivia ay naisipan niyang maglakad sa loob pa, pumasok siya sa office, at lumapit sa bookshelf.

"Bookworm" sabi niya at ngumiti pa.

Kumuha siya ng isang book at binuklat buklat iyon, binalik niya at kumuha ulit ng isa pa, nang ibabalik na sana niya ang book ay nakita niyang parang may kakaiba sa cabinet, kinapkap niya iyon, napansin niyang parang switch.

Hindi niya pinindot yun at lalabas na sana ng office pero tinulak siya ng mga thoughts niya.

Nag kita sila ni Jet nung magsimula ang case na hawak nila ni Paul. Lumapit si Jet sa kaniya, kinaibigan siya ni Jet.

"No" takot na sabi ni Olivia.

Natatakot siya na baka si Jet nga ang tunay na suspect.

Bumalik siya sa cabinet at pinindot ang switch. Nag slide yung cabinet at makikita sa loob ang isa pang room.

Nagulat si Olivia sa nakita niya, nakita niya ang board na may mga nakadikit na picture ng mga biktima pati picture ni Emman, at ni Olivia.

Naguguluhan man siya at nasasaktan dahil napalapit na sa kaniya si Jet ay kinuha niya ang phone niya at tinawagan si Gerald.

"Pasundo ako sa coffee shop ni Jet, ASAP" Sabi ni Olivia at ibinaba ang call.

Napansin ni Jet na tahimik sa labas kaya sinilip niya si Olivia doon, baka nakatulog na rin.

Pero wala siyang nakitang Olivia sa may shop. Nag simula na siyang kabahan at baka ay nakita ni Olivia ang kaniyang hidden room.

Ni lock niya ang pinto at sinarado ang mga curtains.

Pumunta siya sa hidden room, bukas iyon at nakita niya na nasa loob si Olivia.

Hawak ang phone nito.

"Olivia!" Gulat na tanong ni Jet.

Pinunasan ni Olivia ang luha niya at humarap kay Jet.











°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
*thank you*

Behind Her EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon