Chapter 14 - Footage

11 3 0
                                    


Mabilis na nag maneho si Olivia papunta sa address na sinabi ni Jet.

Nang makarating na siya sa exact address ay kinuha niya muna ang baril na nasa bag niya at binitbit iyon habang papasok.

Tinawagan niya muna si Paul bago pumasok. Ilang sandali pa ay sinagot na ni Paul ang tawag.

"Yes, Liv?" Tanong nito sa kabilang linya. Hindi nakasagot si Olivia at iniisip pa rin si Jet.

"Wa-wala. Bye" sabi nito at agad na ibinaba ang phone

" Gusto kong malaman mismo ang katotohanan Jet" bulong nito sa sarili bago nagsimulang maglakad.

Pumasok na siya ng dahan dahan at pinapakiramdaman ang paligid. Nasa bahay abandonadong bahay sila ng scientist, kung saan nangyari ang crime noong 2005.

Medyo madilim ang paligid at sobrang tahimik, na kung saan ay maririnig mo kaagad kahit bulongan lang.

Kinakabahan at natatakot si Olivia habang papasok sa loob ng bahay, idagdag mo pa ang trauma na hatid ng bahay na ito sa kaniya.

Nakita niya ang bukas na pintuan pababa sa basement ng bahay, napahinto siya at tinigan lang iyon.

"Olivia" tawag ng isang boses sa likod at agad namang binaril ni Olivia.

"Ahh!" Pag aray ni Jet habang hawak ang duguang braso.

"Asan si Emman? Asan ang kapatid ko?" Galit na tanong ni Olivia.

"Wala, hindi ko alam. Olivia, please makinig ka sa akin, HINDI.AKO.ANG.KILLER" Sagot ni Jet.

"Gusto ko mang paniwalaan ka ngunit, pano? Hindi ko alam Jet, naguguluhan na ako" sagot ni Olivia at umupo.

Kinuha ni Jet ang isang phone at may tinawagan sa phone niya.

"Sinong tinatawagan mo?" Tanong ni Olivia kasabay ng pag tayo itinutok ang baril kay Jet.

Nagulat siya ng mag ring ang phone niya, kinuha niya yun at tiningnan. Nagulat siya ng makita kung sino ang tumatawag.

"Ikaw? Ikaw ang informant ko?" Takang tanong ni Olivia at ibinaba ang baril.

"Oo, ako nga. At hindi ako ang killer" paliwanag ni Jet.

"Bakit? Bakit ka involve sa ganito?" Tanong ni Olivia.

"Ang kuya ko, isa siya sa nag ligtas sa inyo ng kaibigan mo. Napatay niya ang scientist pero may pumatay pa rin sa kaniya, at yun ang gusto kung malaman, posibling hindi nag iisa ang scientist na yun" paliwanag ni Jet.

" Nang malaman ko yung case na hinahawakan mo, ay sinimulan ko ring mapalapit sa'yo para makakuha ng iba pang impormasyon at mabigyan ka pa ng ibang lead."

" Hindi rin nag tagal, nalaman kong ikaw pala ang isang survivor nung 2005 at si Chief mismo ang humawak ng case mo at ibinigay ka kay lola Martha." Dagdag ni Jet.

" Kaya pala sila naguusap ni lola" sabi ni Olivia sa sarili.

Lumapit siya kay Jet at tiningnan ang braso nito, buti nalang at daplis lang ang tama ni Jet.

Itinali ni iyon, para kahit papano ay mapigilan ang pagdurogo.

" Kung hindi ikaw ang killer, hindi rin si Chief, sino?" Naguguluhang tanong ni Olivia.

" Pero sabi ni lola, isang polis daw ang killer, or may suot suot lang siyang police uniform" dagdag niya pa at natapos na ang pagtali sa sugat, tiningnan niya sa mga mata si Jet at sinubukan itong i hypnotized. Lumihis agad ng tingin si Jet, at tumawa ng mahina.

"Hindi mo kailangang gawin yan, lahat ng sinabi ko ay totoo" sabi ni Jet at tumayo na para maglakad palabas ng bahay.

"Alam mo?" Tanong ni Olivia at sumunod sa paglalakad.

"Ou, pareho kayong may ganyang kakayahan ng killer, based on my investigation the killer used it to be a harmless and unnoticeable murder." Sabi ni Jet.

"Kaya ako nakipag kita sa'yo ngayon, hindi para ipaliwanag ang sarili ko sa'yo, kundi sabihin sa'yo ng personal na maaaring alam ko kung nasaan ang kapatid mo" sabi ni Jet na nag pabilis ng tibok ng puso ni Olivia, nagulat siya nangibabaw ang pagliligtas kay Emman.

"Saan? Asan siya?" Tanong agad ni Olivia, kinuha ni Jet ang loptop at inopen iyon. Ipinakita niya kay Olivia ang isang cctv footage.

"Yan ang footage ng nagiisang black na van na pumasok sa subdivision niyo, pinatrace ko ang way nito at dito mismo sa iskinita na ito, nakuhanan ng cctv ang isang lalaking police na bumaba sa van" Paliwanag ni Jet.

" Maaring andito siya! Maaaring dito niya dinala si Emman" Sabi ni Olivia at agad na umalis.

" Saan ka pupunta? " Tanong ni Jet. Hinawakan niya ang kamay ni Olivia para mapigilan ito sa pag lalakad.

"Ililigtas ko ang kapatid ko." Sabi niya.

"No, hindi ka pweding mag padalos dalos ng desisyon. Kailangan muna nating pag planuhan ang lahat ng ito" paliwanag ni Jet.

Tinanggal ni Olivia ang kamay ni Jet na nakahawak sa kaniya at hinarap si Jet.

"May isang bagay lang akong lilinawin sa'yo, bakit ka andun sa abandonadong building kasama si Maddie, bakit ikaw ang nadatnan ko dun? " Tanong ni Olivia.

" Masyado na kayong huli nun para iligtas si Maddie, iniligtas ko siya nun pero nahuli ako ang hypnotize ng killer at nawala sa ulirat, nagising nalang ako ng dumating ka." Paliwanag ni Jet.

Sumakay na sila sa kotse at bumalik na sa coffee shop ni Jet.

"Isang police ang killer, pero ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit siya pumapatay?" Tanong ni Olivia habang papasok sila shop.

Nilock naman ni Jet ang pinto at umupo sa harap ni Olivia.

"And connected pa sa case noong 2005" Dagdag ni Jet. Naglapag siya ng mga picture. Inisa isa itong tingnan ni Olivia lahat ng picture. Si Gerald, Dale, Paul, Chief at pati siya ay nasa picture.

" Okay na yan, matagal ko nang inalis ang pangalan mo sa listahan ko. Sabi mo naman ay hindi si Chief ang killer, so posibling itong tatlo sa team mo ang suspect" paliwanag ni Jet.

" Pinagdudahan ko na rin si Paul, pero malinaw na hindi siya ang killer. Napatunayan na niya ang sarili niya, si Dale naman ay masyadong mahina at mahinhin, siya ang pinakamahinhin sa amin kung kumilos kabaliktaran naman si Gerald. Ou, malakas siya pero, sobrang hina ng utak niya kung matatago niya ang lahat ng ito. " Paliwanag ni Olivia.

"Wala sa team ko ang killer, hindi nila magagawa yun. At lahat sila ay hindi connected sa case noong 2005" dagdag ni Olivia habang nakatingin sa litrato ng mga kaibigan.

Alam ni Olivia na hindi kayang gawin yun ng mga kaibigan niya. At kung hinahamon talaga siya ng pagkakataon, hindi niya alam kung paano niya haharapin ang kaibigan.

" Maliban sa isang 'to na may hawak ng case mo, at maaaring may iba pa siya alam tungkol sa pagkamatay ng kuya ko" dagdag ni Jet.

Makikita sa mukha ni Jet ang galit at lalim ng nararamdaman nito, hindi man maintindihan ni Olivia ang nangyayari sa kaniya ay pilit niya parin itong pinapakalma.

Hinawakan ni Olivia ang kamao nito para pakalmahin,

" Hindi ko man alam ang pinagdaanan mo ay, andito lang ako. Pasensya ka na kung ako pa ang naging dahilan kung bakit pinag hahanap ka ng mga pulis ngayon. Sorry" mahinahong sabi ni Olivia.

" Wala kang kasalanan, kasalanan ko rin, hindi ako nakapag paliwanag ng maayos. Thank you dahil sa ganito panahon ay andyan ka at masaya akong ikaw ang kasama ko. " Sagot naman ni Jet.

Tahimik ang paligid habang pinagmamasdan lang nila ang isa't isa ng magkahawak kamay.

Tumawa ng mahina si Olivia at tinanggal ang pagka kahawak sa kamay.

" Bakit ka tumatawa? " Natatawang tanong ni Jet at tumayo para mag timpla ng kape.

" Wala, ang corny pala" tumatawang sabi ni Olivia at kinuha ang inabot na kape ni Jet.

Sa pansamantalang panahon na iyon ay gumaan ang pakiramdam ni Olivia, naibsan ang lungkot at sakit at nagkaroon ng pag asa na makukuha niyang ligtas at buo ang kapatid niya.








°°°°°°°°°°°°°°°°
*thank you*

Behind Her EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon