Chapter 19 - Information

8 3 0
                                    

Mag isang naglalakad si Paul papunta sa bahay na pinagtataguan ng biktima na si Raymond Porta, pumasok siya at makikita sa loob ng bahay ang mga nagkalat na gamit dahil sa hinaloghug na rin ito ng mga pulis, napag alaman nilang ito ay ang lalaking matagal ng pinaghahanap ng batas dahil siya lang naman ang may ari ng bahay na ginamit ng scientist noong 2005 pero bakit siya nag tatago?

Pumunta si Paul sa kwarto at nakita nito ang isang cabinet, binuksan niya ito, ng wala siyang makitang laman ay isinara din ito agad. Naramdaman niyang parang mabigat yung drawer na iyon kaya binuksan niya ulit.

Napansin niyang parang may butas yung ilalim kaya kinuha niya yung ballpen na dala niya at itinusok sa butas.

Hindi siya nagulat sa nakita niya sa halip ay namangha siya at napangiti nalang, nakita niyang umangat yung akala niyang ilalim mg drawer pero harang lang pala iyon para magmukhang walang laman ang drawer.

Isang notebook at cellphone ang nakita niya, dinala niya agad ito sa bahay niya at doon binasa ang mga laman ng notebook.

List ng name and cellphone number ang nandoon, "Gabriel Fabian, the mad scientist" basa niya sa unang nakasulat doon.

"Brando Fernandez-" napakunot ang noo niya nang parang familiar yung tao or apelyido.

" Who the fuck are you Brando?" Tanong niya sa sarili at nag flip siya ng pages pinakahulinh page at latest sulat sa notebook.

"Olivia De la merced? What are you planning to do with this criminal,Liv?" Bumuntong hininga na lang si Paul at itiniklop ang notebook.

Maya maya pa ay nag ring ang phone, tiningnan niya yung phone ni Raymond pero hindi, na realize niyang sa kaniya ang phone call na iyon.

Magkasama si Olivia at Jet nang marinig nila ang balita tungkol kay Raymond, pinagmasdan lang ni Jet kung ano ang magiging reaksiyon niya sa balita,

" Kilala mo ba siya? " Tanong ni Jet

" Hindi- no. Ahmmm hindi, hindi ko siya kilala" pag depensa ni Olivia at ibinaling ang tingin sa labas ng shop.

Nakita niya ang isang taong naka hoodie sa labas, na nakatayo at parang stalker na nakamasid lang sa kanila.

" Ghad!" Sabi ni Olivia at agad na tumakbo para habulin ang taong iyon, pag labas niya ay nakita niyang tumatakbo na rin ang lalaki, sumunod naman si Jet ng nagtatanong pero hindi niya ito sinagot.

Hinabol ni Olivia ang lalaki hanggang sa pumasok ito sa eskinita, sinubukan niyang maghanap ng shortcut kaya yun ang dinaanan niya.

Nang makita ng lalaki si Olivia na makakasalubong niya ay agad itong bumalik pero dahil dun napahina yung pagkilos niya, dahilan para mahuli siya ni Olivia, pumalag ang lalaki naihampas niya si Olivia sa pader.

Nag alangan ang lalaki kung tutulungan niya si Olivia or hindi.

Pero nung aalis na siya ay dumating naman si Jet at nasuntok siya sa sikmura at ipinwesto ang dalawang kamay nito sa likod at pinaluhod.

Hindi na makakilos ang lalaki.

"Okay ka lang?" Nag aalalang tanong ni Jet kay Olivia na dahan dahang tumayo habang nakahawak sa masakit na balikat nito.

Tumango lang si Olivia at hinarap ang lalaking naka hoodie, tinanggal niya ang hoodie para makilala kung sino ito.

"DALE?" Gulat na tanong ni Olivia ng makilala ang tao sa likod ng hoodie.

"A-anong ibig sabihin nito? Ba-bakit mo ginagawa to?" Tanong ni Olivia at sinenyasan niya si Jet na pakawalan si Dale.

"Alam ko ang totoo, i-ikaw si Jade! Ikaw ang babaing survivor nung 2005 at ngayon ikaw naman ang pumapatay!" Sagot ni Dale.

Behind Her EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon