Chapter 15 - Doubt

10 3 0
                                    

Nagising nalang si Jet habang pilit na inaalala ang nangyari dahil, pakiramdam niya ay parang may kulang. Hindi na niya iyon pinansin nalang at kinumbinsi ang sarili na baka dahil sa pagod kaya siya nakatulog.

Lumabas siya sa office at pumunta sa dining area ng shop, nakita niya ang dalawang baso sa lamesa.

"Olivia?" Tanong niya sa sarili at kinuha ang baso para ilagay sa kusina.

Hindi niya matandaan kung paano siya nakatulog sa office at kung paano nakauwi si Olivia.

Tinawagan niya si Olivia, pero nag r'ring lang ito at hindi sumasagot sa tawag niya.

"Bakit mo to ginagawa Olivia?" Bulong niya ng mapag tanto niyang na hypnotized siya kagabi.

Hindi niya maintindihan kung bakit at para saan ang pag hypnotize sa kaniya.

Maya maya pa ay may narinig na siyang katok, lumapit siya kaagad sa pintuan at binuksan iyon, nakita niya si Olivia na balisa at nagmamadali.

"Kailangan na nating kumilos, may plano na ako!" Bungad na sabi ni Olivia, hindi makapag salita si Jet, dahil pinag mamasdan niya lang si Olivia na pawisan at parang pagod.

"Anong nangyayari? Teka nga lang muna. Hindi ka ba nag kotse papunta dito?" Takang tanong ni Jet.

"Hindi, naiwan ko na sa station, dahil na flat'an ako kanina" sabi ni Olivia.

"Station? Nag resign ka na diba?" Tanong ulit ni Jet, hindi niya maintindihan si Olivia, gusto niyang ilagay sa kukuti niya na siguro Olivia's too desperate to save his brother, but not this way.

"Ou, nag masid lang ako kanina sa labas, nakita kong lumabas sina Paul, Tara na. Kailangan na nating pumunta dun sa hinintuan ng black na Van.

Wala nang nagawa si Jet at sumunod na sa sinasabi ni Olivia, ginamit nila ang kotse ni Jet at tumambay sa labas ng eskinita.

Ilang sandali pa ay nagulat sila sa nakita nila, madilim man ang paligid ay sigurado si Olivia na ang nakita nilang naglalakad papasok sa loob ng eskinita ay si Dale.

" Dale? " Nasambit ni Olivia, at gusto niya sana lumabas para tawagin at kausapin ito, pero napigilan siya ni Jet.

"Ano ba? Bakit?" Iritang sabi ni Olivia nang tuluyan ng makapasok si Dale sa loob at nawala na sa paningin nila.

"Anong gagawin mo? Susugurin mo-" sabi ni Jet pero natahimik agad siya ng magsalita si Olivia.

"Sorry" sabi ni Olivia at inutos na bitawan siya. Umalis si Olivia, at iniwan si Jet na hindi pa natatanggal ang hypnotize. Sinundan niya ang daan kung saan man pumunta si Dale.

Maya maya pa ay may isang black na van ang dadaan kaya nagtago siya kaagad. Sigurado siya na ayun mismo ang van na iyon.

Agad siyang bumalik sa kotse at ginising si Jet.

"Bilisan mo, sundan mo yung van!" Utos ni Olivia, kahit walang alam si Jet sa mga nangyayari at naguguluhan, and yet he started the car at sinundan ang van.

"Sorry, nakatulog ako" sabi ni Jet, but deep down with his thoughts alam niyang under siya ng hypnotize ni Olivia.

"It's okay" sagot ni Olivia, hindi niya alam na may kunting pag dududa na ang naitatanim sa utak ni Jet, and yet she's one of his watchlist.

Gusto man paniwalaan ni Olivia, na sana hindi si Dale ang nasa loob ng black na van na yun. She called Gerald's number at sumagot naman kaagad ito.

"Ohh, lods? Napatawag ka?" Tanong ni Gerald sa kabilang linya.

"Kinokontak ko kasi si Dale kaya lang hindi ko siya matawagan, kasama mo ba siya ngayon? " Tanong ni Olivia habang nakatitig parin sa sinusundang van.

May kotse naman na bumubusina sa likod nila at bago ito nag overtake sa kanila ay nakita ni Jet na nag katitigan muna ito at si Olivia.

"Hindi eh, umuwi na siya kanina pang maaga." Sabi ni Gerald.

Nakita ng killer na may sumusunod sa kaniya, at gusto niya man itong iligaw ay hindi niya magawa gawa.

"HOY! PAPALIT PALIT KA NG LINYA! ANO BA!" Sigaw nung driver ng isang kotse.

Kumislap pula ang mata nito at mabagal na ang takbo ng kotse niya dahilan para maharangan ang kotse ni Jet. Nakilala ni Jet ang kotse at alam niya na iyon ang kotse nung lumapit sa kanila kanina lang.

Puro busina ang maririnig mo dahil, yung kotse na yun ay hinaharang niya talaga ang sarili sa buong daan.

"Fuck! Ano bayan? Nakikita mo pa ba ang van?" Galit na tanong ni Olivia.

" Yes, nakikita ko pa- huminto na sila" sabi ni Jet at kasabay nun ay ang paghinto rin bigla ng kotse na nasa harap nila.

Kahit anong busina nila ay hindi talaga umaalis ang kotse, nakita nilang bumaba na si Emman sa van at dahan dahan na itong naglakad sa gilid ng tulay.

" No," sabi ni Olivia at pareho na silang lumabas ng kotse at tumakbo, habang tumatakbo si Olivia ay pinanghihinaan na siya ng loob na kaya niya pang iligtas ang kapatid, umiiyak lang siya at sumisigaw habang pinapanood si Emman na umakyat sa railing para tumalon.

Kahit anong bilis ng pagtakbo ay medyo malayo parin si Olivia.

"EMMAN!" Sigaw ulit ni Olivia, natanggal ang hypnotize dito at nabitawan ang kapiraso ng papel at nagulat siya ng makita ang sarili sa taas ng railings, dahil sa gulat niya ay dahan dahan din siyang nahulog.

Nakakapit pa siya sa railing, pero hindi rin magtatagal iyon dahil sobrang mahina na ang katawan niya, namumutla na siya at walang lakas.

Kaya nabitawan niya din kaagad iyon, pumikit nalang siya at tatanggapin ang kamatayan sa murang edad, pero nagulat siya ng may humawak sa kamay niya.

"K-kuya Jet?" Nasabi niya nalang at tumulo ang luha sa saya.

"Kumapit ka lang, ligtas ka na Emman" sabi ni Jet at hinila na pataas si Emman.

Agad na niyakap ni Olivia ang kapatid pero hindi siya niyakap nito pabalik, hindi niya na iyon pinansin at pareho silang umiiyak. Umiiyak dahil sa wakas ay ligtas na si Emman.

Mayamaya pa ay may dumating na pulis na malapit sa lugar na iyon.

Hinuli nila si Jet at isinakay sa police car.

"Wala siyang kasalanan, siya ang nagligtas sa akin. Pakawalan niyo na po siya" mahinang sabi ni Emman.

"Pasensya na po, iniutos po ng station 5 na dalhin sa doon, malapit na po ang ambulansya. Pakihintay nalang po" sabi ng police at umalis na kasama si Jet.

"Sandali, Jet. Ilalabas kita, promise. Ako na bahala kumausap sa kanila" sabi ni Olivia.

Tumango nalang si Jet at hindi na nag salita, sumama siya sa police ng tahimik habang iniisip kung gawa ba ni Olivia ang lahat ng ito? Palabas niya lang ba ito lahat? Para saan?

Pero nanaig parin sa kaniya na paniwalaan si Olivia, paniwalaan ang taong mahal niya hanggat walang nakakapag patunay na siya nga ang may gawa ng lahat ng ito.

Dumating na din kaagad ang ambulansya at dinala na kaagad sa hospital si Emman. Maraming nawalang dugo sa kaniya at kailangan itong masalinan ng dugo, kahit alam na ni Olivia na hindi sila match ng dugo ay nag pa test parin siya.

Pero confirmed, hindi talaga sila match.

"Emman, alam mo. Sobrang saya ko ngayon, dahil ligtas ka na" sabi ni Olivia sa nakahigang si Emman, hindi siya nilingon nito at tumulo lang ang luha.

"Bakit? Nakokonsensya ka bang tatlo na kaming pinatay mo?" Sabi ni Emman, na ikinagulat ni Olivia at lola Martha.

"Apo, wag kang magsalita ng ganyan sa ate mo" sabi ng matanda.

"Hindi ko siya ate, hindi natin siya kadugo la" malamig na sabi ni Emman.

Hindi makapag salita si Olivia, wala siyang magawa. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin, sa mga oras na iyon ay blangko lang siya at pinapakiramdaman lang ang sumisikip na dibdib at ang mabilis na pagtulo ng mga luha.
















°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
*thank you*

Behind Her EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon