Chapter 5 - Suspect

12 3 0
                                    


Isang lalaki ang naka hoodie ang naglalakad sa eskinita, mainam na nag lalakad at pumasok sa isang bahay. Pag pasok niya ay nilapag niya ang dala niyang pagkain sa mesa, at kinuha ang isang briefcase. Tinanggal na niya ang malaking portrait na nakasabit at makikita mo ang isang pintuan doon, pumasok siya sa loob at habang papasok siya ay rinig mo na ang ungol ng isang babae na umiiyak.

Nasa isang kulungan lang ang babae, binuksan ng lalaki ang kulungan at pumasok.

"Tahimik" mahinahon na sabi ng isang lalaki habang nakatingin lang sa mata ng babae.

Natulala ang babae at hindi na umimik pa.

"Follow me" utos ng lalaki at naglakad pa labas, mahinahon na sumunod ang babae. Pumunta sila sa isang silid kung saan may lamesa at kama.

Umupo ang babae sa upuan, at nagsulat sa notebook na may mga punit na, nasa page 4 siya.

"Clean your soul before you LEAVE. I am happy that I will LEAVE this world full of sufferings. isulat mo yun." utos ng lalaki.

Tumulo lang ang luha ng isang babae at tumango nalang at nag simula ng magsulat, isinulat niya iyon ng parang wala sa sarili kaya hindi pantay pantay ang deriksyon ng kaniyang sinusulat.

Kinuha na ng lalaki ang papel at pinahiga na ang babae sa kama, binuksan niya yung briefcase niyang dala at kinuha ang mga gamit niya para kunan ng dugo ang babae. Maraming bags of blood ang nakuha at namumutla na ang babae at nanghihina na halos mahimatay na sa sobrang hina ng katawan.

Pagkatapos ng apat na araw na pag kidnap sa babae ay hinatid na niya ito sa labas ng mall.

"Mag pasagasa ka mamayang 5 PM" sabi ng isang lalaki at umalis na.

Andun lang ang babae sa harap ng mall at naghihintay ng tamang oras.

May natanggap na text si Olivia galing dun sa isang informant niya.

"Day 4. Fourth Victim, Mall at fairview mall" basa ni Olivia sa message.

"Let's go!" Sabi niya kay Gerald at agad na umalis.

Pag baba nila ay nakita ni Gerald si Cassey pero hindi niya nakilala na siya ang babaing hinahanap nila.

Dahil sa pag putla nito at mga nakaharang na buhok ay hindi siya nakilala ni Gerald at hinayaan lang yun ni Gerald.

"Wala pa rin?" Tanong ni Olivia na hinihingal.
"Sugurado ka ba dyan sa informant mo lods?" Sagot lang ni Gerald habang nililibot pa rin ang tingin.

"Sigura--" naputol yung sasabihin ni Olivia ng makarinig ng malakas na tilian, kinuha agad nila yung mga baril nila at tumakbo sa may nagsisigawan.

Nakita nila si Cassey na nakahandusay sa gitna ng kalsada, ng makilala ni Gerald ang babae ay nanlumo siya hindi makagalaw, nagulat siya at nagsisisi dahil sana napigilan niya ito kanina nung nakita niya.

May isang babae ang tila ba na'trauma din sa nangyari dahil hindi siya makagalaw o makapag salita man lang.

Nilapitan iyon ni Olivia at hinarap,

"Nasa harap niya po kasi ang babae, nung nabangga daw yun" sabi ng nasa tabi ng babaing tulala.

"Tingnan mo'ko sa mga mata, hey! " Sinampal niya ng mahina ang babae.

"Kumalma ka lang okay? Magiging ayos din ang lahat" sabi ni Olivia, at pag katapos niyang sabihin yun ay tumayo na ang babae at ngumiti na para bang hindi siya nang galing sa trauma.

"Anong nagyari?" Tanong ni Olivia sa babae at nakatingin pa rin sila sa mga mata.

"Bigla siyang tumakbo para salubongin yung humaharorot na truck" tulalang sagot ng babae.

Behind Her EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon