Chapter 10 - Jade

10 3 0
                                    


"Sino siya?" Tanong ni Olivia sa biktimang babae.

Nakita ni Olivia na parang nawala yung hypnotize sa babae, iniisip niya na limited lang ang pag hypnotize niya at dahil na rin siguro sa hindi pa siya sanay sa pag gamit nito.

Kaya sinubukan niya ulit.

"Aalahanin ko po muna, nakalimutan ko po yung mukha niya pero sigurado ako na makikilala ko siya." Sabi ng babae.

Maya maya pa ay dumating na ang doctor. Pinag pahinga na muna ang pasyente para makapag recover agad.

Pumunta naman na muna sila sa station, tahimik lang silang apat.

"Congratulations I guess." Sabi ng kapapasok lang na si chief.

Walang sumagot sa kaniya.

"Balita ko nakilala ni- Ano ngang pangalan ng biktima?" Tanong niya.

"Maddie po sir." Sagot ni Dale.

"Maddie, tsk malas na bata, naging biktima pa ng personal interest ng psycho sa isa sa inyo!" Sermon niya.

"Sir, wala pong may kasalanan sa aming apat kung bakit pumapatay ang Psycho na yan."  Sagot ni Olivia at hindi man lang tumingin sa chief.

"So ano? Naituro na ba nitong si Maddie kung sino ang killer?" Tanong ng chief.

"As of now chief, we're waiting for her to recall of what happened, she tried to remember earlier but seems like Maddie's not well" Sagot ni Paul.

Maya maya pa ay may nag message kay Olivia, isang unknown number, ibang number iyon sa number nung informant/suspect.

"Ibang number na yung gamit niya" sabi ni Olivia sa sarili, at pinakinggan ang voicemail.

"Congrats Liv, you saved the girl. It's just the beginning of our play. I wonder, how does feel to lose someone. " Sabi ng edited voice, at may image din na sinend.

Nagulat siya ng makita niya ang picture ni Emman.

" Emman, si Emman ang next target niya" tumayo na siya at umalis na agad.

Habang nag mamaneho siya ay tinataawagan niya ang kapatid niya, pero hindi ito sumasagot. Sinubukan niyang tawagan yung lola niya.

"La, si Emman? Asan po siya ngayon?" Tanong niya kaagad pag kasagot ng lola niya.

"Nasa eskwela pa, bakit? May problema ba apo?" alalang tanong din ng lola niya.

"Wala naman po la, kailangan ko lang po siyang puntahan ngayon. Bye na po la." Sabi niya at ibinaba ang phone. Nakita niya sa likod niya na sumusunod yung kotse ni Paul, pero hinayaan niya lang ito.

Tinawagan niya si Jet pinaki usapan na pwede ba muna siyang pumunta sa bahay nila para lang masigurado na ligtas ang lola niya.

Nag park siya sa labas ng school at tumakbo papasok at hinanap si Emman, nag tanong siya kung anong building ang mga senior high school, at agad na pumunta doon. Pag dating niya sa room ay wala si Emman.

"Si Emman De La Merced?" Tanong niya sa mga tao doon.

"Umalis na po, kani-kanina lang." Sagot ng iba, kaya tumakbo na rin siya palabas. Nakasalubong niya naman ang tatlo.

"Ano? Nakita mo na ba?" Tanong ni Gerald.

"Wala pa rin." Sagot ni Olivia habang tumatakbo.

Nakita niya na si Emman at nagulat siya nung nakita niyang may kausap itong naka black hoodie.

"EMMAN!" Sigaw niya at mabilis na tumakbo. Hinampas niya sa likod ang lalaki at pinilipit ang braso nito.

"ATE HUWAG!" Sigaw ni Emman, habang aray naman ng aray yung naka hoodie. Napansin ni Olivia na maliit ang katawan ng lalaki kaya binitawan niya na ito.

Behind Her EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon