Chapter 20 - Real Culprit

7 3 0
                                    

Hindi makatulog si Olivia dahil sa maraming tumatakbong thoughts sa isipan niya. Bumangon siya sa pagkakahiga at kinuha ang jacket nito at lumabas sa veranda.

Nakatingin lang siya sa kalangitan, habang nakapikit.

Nagulat siya nang may yumakap sa kaniya galing sa likod niya.

"Andito ka lang pala, is something bothering you?" Bulong ni Jet habang nakayakap pa rin kay Olivia.

"Bakit ganun ang mga tao? Nagagawa nilang pumatay ng ganun ganun lang? Lalong lalo na sa mga inosenting tao" sagot ni Olivia at hinawakan ang mga kamay ni Jet at bumaling ng tingin kay Jet dahilan upang hindi na sila mag kayakap.

"Hmmm, dahil na rin siguro sa pinag dadaanan nila, at minsan naman may mga tao talagang ipinanganak na likas na sa kanila ang kasamaan" sagot ni Jet.

"Siguro nga, at wala na tayong magagawa pa doon." Sabay pag pasok ni Olivia sa loob ng kwarto sumunod naman si Jet.

"Gusto kong makausap si Paul ng masinsinan, pero magagawa ko lang pag sumuko ako sa mga police. " suggest ni Olivia at umupo sa kama habang nakatingin kay Jet.

"No, hindi mo gagawin yan Olivia, magagawan natin ng paraan 'to, malilinis natin ang pangalan mo ng walang nakukulong." Galit na sabi ni Jet.

" Kailangan na natin ngayon ang tulong ng police, nasa kanila ang mga details na kailangan natin"

"Si Gerald, pwede mo siyang tanungin. Pinagkakatiwalaan ka niya diba?" Suggest ni Jet, na ikinalungkot naman ni Olivia.

"Napag isipan ko na rin yan. Kaya lang, ayoko na kung pati siya ay madadamay dito, kung pati siya ay makukulong at masisira ang buhay." Sagot ni Olivia.

" Trust me Jet. Hindi ako makukulong " dagdag ni Olivia, natahimik si Jet ng mga ilang sandali at sumang ayon nalang sa idea na sinabi ni Olivia.

Kinabukasan ay sinabi ni Olivia kay Gerald na susuko na siya, nag alangan si Gerald nung una pero pumayag din siya.

Ang sabi ni Olivia ay susunduin siya ni Paul at Gerald sa may park. Dahil hindi na siya maihahatid ni Jet sa police station dahil may pupuntahan pa siya.

Nauna nang umalis si Jet habang nag p'prepare pa si Olivia sa kaniyang pag alis.

Pumunta si Jet sa isang kaibigan na intel.

"Pare, kumusta? Ang tagal nating hindi nagkita ah!" Sabi ng lalaking kaibigan ni Jet, nung una pa man ay dito niya nakukuha ang mga information na pinapadala niya kay Olivia.

"Okay lang, ito desperado pa ring mabuhay" sagot ni Jet.

"I'm here to request another favor," deritsong sabi ni Jet at nilabas ang litrato ni Raymond Porta at Brando Fernandez, tinanggap naman iyon ng lalaki at sinuri ang mga mukha.

"Hindi ka parin ba tapos sa paghahanap ng hustisya sa kapatid mo?" Tanong ng lalaki.

"No, hindi - hindi ko na alam. Ang gusto ko lang sa ngayon maprotektahan si Olivia, at malagay kami sa tahimik." Sagot ni Jet, ngumiti lang ang lalaki.

"Kaya ba mamaya? I really need it" tanong ni Jet.

"Sige, susubukan ko. I'll call you later" sabi ng lalaki at nag paalam na kay Jet para pumasok sa building na pinagtatrabahuan niya.

Pumasok muna si Jet sa loob ng kotse at tinawagan si Olivia para kamustahin.

"Oh? Bakit?" Tanong ni Olivia ng sagutin nito ang tawag ni Jet habang naglalakad papunta sa park.

"W-wala. Mag i-ingat ka."

"Wala ka dapat ipag alala, mga kaibigan ko ang susundo sa akin, at sinisigurado kong ligtas ako." Paglilinaw ni Olivia bago tumawid sa stoplight. Malapit na rin siya sa park.

Behind Her EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon