Chapter 4 - A Clue

16 3 0
                                    

Hapon na at abala ang lahat sa pag disguise at naka pwesto na rin ang mga ito, si Olivia ang naging bait at naka disguise siya bilang isang sexy call girl.

Hindi matao sa lugar na iyon kaya may apat lang silang naka disguise, si Gerald ay nagtitinda ng balot. Si Paul ay lasing na nakatambay sa kanto.

Kumatok na si Olivia sa bakal na pinto, at bumukas naman ito kaagad.

Isang malaking lalaki na may kaunting buhok at mas malaki pa ito sa katawan ni Gerald, ang nagbukas ng pinto.

Nakita ni Olivia ang baril na hawak nito na nasa likuran lang ng lalaki.

"MAY TUMAWAG NA NAMAN BA SA INYO NG BABAE?" medyo galit nitong sigaw.

"Si Bossing, papasukin mo na!"

Pinapasok siya ng malaking lalaki isinara iyon ng lalaki pero nagawan ni Olivia ng dahilan para buksan ito, at nadaanan ang isang malaking aso na nakatali, kumahol ito ng kumahol na gusto siyang atakihin, nakipagtitigan lang si Olivia si mata nito at tumahimik naman ang aso at humiga na lang.

"Ahh" sabi niya nang sumakit yung ulo niya at may nag flash na alaala, madilim pero nakatali siya.

"Ayos ka lang ba?" Tanong ng kasama niya sa paglalakad. Hinawakan niya yung balikat nito at tiningnan ng malagkit na tingin.

"Oo naman," malumanay niyang sabi.

Nang makarating na sila sa pinto ng kwarto ng bossing ay tinutukan siya ng baril ng kasama niya sa paglalakad.

"Ngayon na!" Dinig ni Olivia sa earpiece niya to inform other to break in, at gusto niya mang pigilan ay nakapasok na sina Paul sa loob at maririnig na ang palitan ng putok ng baril.

"Hayop ka!" Sabi nung lalaki at kakalabitin na sana ang gatilyo, pero na sipa niya kaagad iyon at tumalsik ang baril, sinuntok niya ito sa mukha ngunit hindi ito tinamaan dahil naka ilag ang lalaki.

"Heh! Gusto ko yan! Matapang!" Sabi ng lalaki at sinangga ang paa ni Olivia na sisipa sana sa mukha niya, hinawakan niya yung paa ni Olivia at tinapon sa kung saan, tumilapon si Olivia sa tambak na mga kahoy.

Kinuha ng lalaki ang baril niya na natapon kanina at itinutok kay Olivia.

Pumikit nalang si Olivia at tinanggap ang kamatayang paparating, tumulo yung luha niya at nakarinig ng putok ng baril.

Iminulat niya ang mga mata nang wala siyang maramdamang sakit, nakita niya ang malaking lalaki na tumumba na may dugong lumalabas sa bibig nito.

Nakita ni Olivia ang isang lalaking naka hoodie at nakita niya rin na tumakbo yung bossing nila, hinabol iyon ng lalaking naka hoodie.

"Sandali" Tawag ni Olivia sa lalaki at tumigil ito pero hindi ito lumingon sa kaniya.

"Thank you" Sabi ni Olivia habang tumatayo, tumakbo yung lalaki at hinabol iyon ni Olivia.

Ngunit hindi na nito naabutan ang lalaki at bumalik nalang sa warehouse.

"Oh my, Liv. Glad you're alive, where have you been?" Tanong ni Paul sa kaniya.

"Hinabol ko yung bossing nila, kaya lang I lost him." Sagot ni Olivia at tumabi kay Paul.

"Ito ba yung lalaking tinumba mo De la merced, grabi ka lodi!" masayang sabi ni Gerald.

Hindi na lang siya pinansin ni Olivia, Nalibot nila ang buong warehouse at nakita nila ang facility na may mga tools sa pag opera at mga document rin ng mga taong nabiktima nila.

"Sir, wala po sa mga document dito ang pangalan ng tatlong bata" sabi ni Dale kay Paul.

"Baka naman dala na ng bossing na yun bago pa man siya umiskapo" sagot naman ni Gerald.

Behind Her EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon